Megan's POV
"Sigurado ka na ba talaga dito, bunso?" tanong ni kuya habang tinutulungan akong pinapasok ang mga armas sa likod ng kotse.
"Deadly serious, kuya" sabi ko at ipinasok ang huling baril sa kotse. Ngayon na kasi ang araw ng pag punta namin sa teritoryo ni Marco. Ang ang alam lang ni kuya ay sapilitan anong kukunin si Eren sa ama nya. Pero hindi. Iba ang plano ko at hindi ko yun ko sasabihin kay kuya. May plano ako at ayun ang gusto kong mangyari.
Sandaliang lumayo sa akin si kuya para makausap yung mga sundalong makaksama namin sa lugar ni Marco. Hindi marami ang makakasama naming mga sundalo dahil ang ni-request ko kay kuya na mahigit bente lang ang dapat naming isama.
Habang inaayos ko yung mga armas ay may biglang umakbay sa akin. At si Hiro lang pala yun. Nakangiti na parang tanga. Tss. Kasama din sya sa pag punta namin sa lugar ng kalaban. Ramdam ko din sakanya ang lungkot dahil alam nyang doon namin makikita si Eren.
"Hi miss beautiful!~" malambing nyang pag bati sa akin. Pero inirapan ko lang sya kaya napa nguso sya.
"Mag ingat kayo sa pupuntahan nyo, Megan. Kami ng bahala sa anak mo" sabi ni Haruka. Katabi nya lang si Tatsuya at si Clyde n malamig na nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango. Lumapit ako kay Denzel at lumuhod sa harapan nya.
"Aalis lang ako, Denzel. Kaya dapat good boy kalang kela ate Haruka at kuya Tatsuya. Yung hiling ko sayo. Wag na wag kang mananakit sa kapwa mo. Maliwanag ba?" tumango sya. Ngumiti ako at niyakap sya ng mahigpit.
"Mamimiss ka ni mama. Babalik din kaagad ako. I love you" bulong ko at humiwalay na sa kanya ng yakap.
"Look who's here!" parinig ni kuya na masamang nakatingin kay Haruka. Pero inirapan lang sya ni Haruka.
"Akala mo nakakalimutan ko yung ginawa mo sa akin? Damn. You will pay for what you did to me that time!" diin nyang sabi. Mas lalong nainis si kuya nung pagak na tumawa si Haruka na para bang nang-iinis.
"Ohh~ I'm so scared. Kailangan ko na bang mag tago?" naka ngisi nyang tanong.
"You son of a...." susugurin nya na sana si Haruka pero agad ko syang pinigilan. Hinila ko sya at tinulak papasok sa loob ng kotse.
"Mauna na kami" sabi ko at pumasok na din sa loob ng kotse. Pumasok si Hiro na tumatawa dahil sa nasaksihan nya. Kita ko pa ang pag labas ng dila ni Haruka na mukhang inaasar si Colbie. Si Colbie naman ay naka busangot lang.
Haruka's POV
Tawa ako ng tawa nung makaalis na sila Megan kasama ang ibang sundalo na naka sakay sa truck. Naka hawak pa ako sa tyan ko habang tumatawa. Halos ramdam ko na ang pamumuo na luha sa mata ko dahil sa kakatawa.
"Mukhang nag kakatuwaan kayo ni Colbie huh?" sabi ni Tatsuya na naka hawak sa kamay ni Clyde. Mukhang galit pa rin sa akin si Clyde dahil kanina nya pa ako hindi pinapansin.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong kay Tatsuya.
"May gusto ka sakanya" simple nyang sagot. Nanlaki yung mga mata ko. Ilang sandali akong natahimik at ganun din sya. Maya maya ay malakas akong natawa. Tumatawa akong kinurot yung pisngi nya at napa ngiwi sya sa ginawa ko.
"Ikaw talaga! Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag joke" natatawang sabi ko. Habang sya naman ay napapailing nalang at hinihimas yung pisngi nya.
Napatigil ako sa pag tawa nung makita ko si Jacob, Ritá at yung kapatid nyang lalaki na papalapit sa amin. Pasimple akong tumingin kay Clyde at nakatingin lang sya sa malayo.
"Kamusta na yung leeg ni Ritá? Ok na ba ang pakiramdam nya?" nag aalala kong tanong kay Jacob.
"Ok na ang sugat nya. Ginamot ko na kagabi" naka ngiti nyang sabi. Tumingin ako kay Ritá at kinawayan sya.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?