Zombie 19: Fool
Eren's POV
Ramdam ko ang malambot nyang labi na naka dikit sa labi ko. Bumilis yung tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit? Dilat na dilat yung mga mata ko habang sya naman ay naka pikit at parang dinadamdam ang mag kadikit naming mga labi.
Kahit naka dampi lang ang labi nya sa akin ay sobrang maemosyonal iyon. May kung anong kumurot sa puso ko dahil ramdam ko doon ang lungkot at pangungulila.
She wants love. Ayun ang alam ko at ayun ang nararamdaman ko galing sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at hinalikan ko sya pabalik. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan nya wari'y nagulat sa pag sagot ko ng halik. Pero hindi ko na iyon pinansin at hinapit sya palapit sa akin at marahan syang hinalikan.
Napangiti ako nung tumugon na rin sya sa halik. Kinagat ko yung labi nya at sa ginawa kong yun ay napaawang yung bibig nya kaya agad kong pinasok yung dila ko sa bibig nya.
"Hmmm" rinig kong ungol nya. How i love her moan. It turns me on for fvcking sake!
Hinawakan ko yung bewang nya habang yung isa kong kamay naman ay humawak sa batok nya para lalong mapalapit yung katawan nya sa akin.
"E-eren"
"Don't say my name, baby. You don't know how i feel arouse" ngising sabi ko nung mag kahiwalay na yung mga labi namin. Kitang kita ko ang pamumula ng labi nya at tumingin sa ibang direksyon na para bang ayaw nya akong tignan. Napangiti ako ng matamis dahil sa ginawa nya.
She's blushing because of me.
Nagulat sya nung niyakap ko sya. Pinipilit nyang lumayo sa akin pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pag yakap sa bewang nya.
"Wag kang makulit. Mahuhulog tayo sa ginagawa mo" bulong ko sa tenga nya.
"Lets stay like this for awhile, ok?" dagdag ko na naka ngiti. I don't know but i feel happy the way i wrap my arms to her. And i can feel my heart beat is moving fast.
Hindi naman sya nag salita at niyakap ako pabalik na na lalong kinalapad ng ngiting naka paskil sa labi ko.
"Hmmm~ Hmmmm~" nag huhuni yung bibig ko na para bang nag hehele ng sanggol habang yakap yakap sya. Marahan ko ding sinusuklay yung buhok nya. Hindi naman sya gumagalaw o nag sasalita at nakayakap lang sa akin.
Mga ilang sandaling naka lipas ay ramdam ko ang mabibigat. yang hininga. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatulog na sya. Nag buntong hininga ako at binuhat sya at bumaba na ng rooftop.
---
Dahan-dahan ko syang hininga sa mahabang lamesa na gawa sa makapal na kahoy. Hinubad ko yung jacket ko at pinangkumot sa binti nya. Nag hila ako ng upuan at tinabi iyon sa tabi ng table. Umupo ako doon at pinaypayan sya gamit ang manipis na libro.
Habang pinapaypayan ko sya ay naka tutok yung mga mata ko sa maamong mukha nya. She have a pointed nose, long eyelashes, pale skin and of course red kissable lips. Ang swerte lang ng asawa nya dahil may asawa syang maganda at mapagmahal. Ramdam ko yun kahit hindi ako yung lalaking tinutukoy nyang asawa.
"Sana...ako nalang ang lalaking tinutukoy mo" biglang sabi ko. Napatigil ako sa ginagawa kong pagpaypay dahil sa nasabi ko.
Ano ba itong pinagsasabi ko? Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag papaypay.
Naisip ko nalang na saan kaya sya nanggaling bago makarating dito? Basta nakita ko nalang sya hinihingal at naka silip sa pintuan. Mukhang may tinataguan sya na hindi ko mawari.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
