Zombie 11: What are we gonna do?
Tatsuya's POV
"Hiro may problema ba kayo ni Megan?" kunot noo syang tumingin sa akin.
"Bakit mo naman natanong?" tanong nya. Nag buntong hininga ako.
"Anong wala? meron kaya. Ngayon ko lang kayong nakitang hindi nag papansinan ni Megan ng bente kwatro oras" iling iling kong sabi na para bang hindi makapaniwala.
"Sa ginagawa mong yan pinag-aalala mo si Megan sayo" ani ko. Hindi sya nagsalita at umiwas ng tingin.
"Paano ka nakakasiguro na nag aalala sya sa akin?" walang emosyon nyang sabi na nakatingin sa ibang direksyon.
"Seryoso ka Hiro? Bakit nagiging ganyan ka na eh hindi ka naman ganyan dati huh. Alam mo mas magandang mag usap kayo ng masinsinan para maliwanagan na sya sayo" inis kong sabi. Hindi kasi ako makapaniwala na ganun ang sasabihin nya mula kay Megan.
"Dapat maging masaya ka dahil nalaman ko sa mga kaibigan ni Megan na ngayon lang nila nakitang ganun kasaya si Megan. Kasi ang dating Megan na nakilala nila ay may sariling mundo at malamig ang pakikitungo sa mga tao. Ikaw ang dahilan kung bakit nagbago si Megan, Hiro" seryoso kong sabi sakanya. Nag tiim bagang sya at kumuyom yung kamao nya.
"Wala akong pakielam" malamig nyang sabi at nag lakad palayo.
"Hiro!" tawag ko. Pero hindi na nya ako nilingon pa.
"May problema ba?" takang tanong ni Haruka.
"May problema pero hindi ko naman alam kung ano yun" seryoso kong sabi habang nakatingin kay Hiro na naglalakad sa malayo.
Sobra na akong naiinis sa kanya. Hindi na sya yung dating Hiro na mahilig mag kwento at mag sabi ng mga sikreto at problema tungkol sa buhay nya. Hindi na sya yung masiglang Hiro na nakilala ko.
* * *
Haruka's POV
"Anong pangalan nya?" tanong ko kay Jacob.
"Ritá Benedita at ito naman ay si Albańo Benedita" nakangiti nyang pag papakilala sa dalawang bata.
"Nasan na yung mga magulang nila?" takang tanong ko. Nag buntong hininga si Jacob at inakbayan yung dalawang bata.
"Namatay nung nag karon na ng delubyo. Nag babakasyon lang sila dito pero nasira na lang yun ng dahil sa apocalypse" pag sagot nya. Ngumiti ako ng matamis sa dalawang bata kahit deep inside ay nalulungkot ako dahil sa pagkamatay ng mga magulang nila.
"Hi Ritá! Hi Albańo! ako nga pala si Ate Haruka, nice to meet you!" masiglang pag papakilala ko sakanila.
"Il suo nome è haruka. È bella, giusto? (Her name is Haruka. She's beautiful, right?)" nakangiting sabi ni Jacob sa dalawanga bata.
"Certo che si. Hai una relazione? (Of course yes. Do you have a relationship?)" nakangiting sabi naman ni Ritá. Kumunot yung noo ko dahil hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila. Ano daw?
"Non ancora. Ma cercherò di essere il suo ragazzo (Not yet. But it'll try my best to be his boyfriend)" sabi nya na nakatingin sa mga mata ko.
"Teka teka ano ba pinag-uusapan nyo? O.P na ako" naka nguso kong sabi. Mahina syang natawa habang yung dalawa ay humahagikhik.
"Ang sabi daw nila ay excited na daw silang maka punta sa safe zone kasama tayo" ani nya. Tumango tango ako.
"Ako nga din eh. Sige alis na ako. Hahanapin ko pa kasi yung mga kaibigan ko" paalam ko sa kanila. Ngumiti namang tumango si Jacob. Bago ako umalis ay kumaway ako sa dalawang bata at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
