Zombie 46Third Person's POV
"Anong gagawin nyo sa asawa ko!? Dad, please don't hurt my wife!" pagmamakaawang sabi ni Eren habang pilit na kumakawala sa dalawang lalaking naka hawak sa braso nya. Napangisi si Marco at manghang tumingin kay Eren.
"My son is begging just for a bitch girl? How ridiculous!" napa kuyom ang dalawang kamao ni Eren at parang nagaalab ang katawan nya sa apoy ng dahil sa nararamdaman ng matinding galit.
"Don't call her a bitch! I swear i will kill you with no mercy! I don't fvcking care if you are my father! Remember that!" nanggagalaiting sigaw ni Eren. Kulang nalang ay sumiklab na na yung mga mata nyang matalim na nakatingin kay Marco.
Mariin napa pikit si Megan at yumuko nalang. Hindi nya magawang kumibo nung pag pasok nya palang ng main laboratory ni Marco. Pag pasok nya palang nya ng laboratory ay agad nyang nakita si Eren na kumakawala sa dalawang lalaki. Habang si Clyde naman ay walang malay na dinala sa kwarto kung saan magiging safe ang bata.
Napailing nalang si Marco at si Sandy naman ay nag tiim bagang dahil sa sinabi ni Eren.
"Yeah, dare me, my son. Wala ka ng magagawa dahil pumayag na sya sa gusto ko. Right, Megan?" tumingin sakanya si Marco na may ngising naka paskil sa labi. Hindi magawang mag salita ni Megan. Lalo na nung gulat na napatingin sakanya si Eren. Bakas sa mga mata nya ang hindi makapaniwala habang titig na titig kay Megan.
"W-why?" nanghihina at hindi makapaniwalang tanong ni Eren. Pero tanging malungkot na pagtingin lang ang naibigay ni Megan kay Eren.
May lumapit na scientist kay Marco at nag bigay ito ng laboratory gown sa kanya.
"Simple lang naman ang gusto kong mangyari, anak ko. Ang makuha ang dugo nya at maging isa sya sa amin" sambit ni Marco habang nag susuot ng white gloves sa kamay.
Biglang nanikip yung dibdib ni Megan nung makita nyang may tumulong luha sa mga mata ni Eren. Kita nya ang sakit sa mga mata nito na diretsong nakatingin sa mga mata nya.
"I-i want you to fight, baby. I want you to fight them. Please" mahinang sambit nito at ramdam sa kanyang boses ang pag mamakaawa. Kulang nalang ay lumuhod na ito sa kanyang harapan.
Gusto nyang lapitan si Eren at yakapin ito ng mahigpit. Pero may kung anong pumipigil sakanya at hindi nya magawang lapitan ito.
"Im s-sorry" yun lang ang lumabas galing sa bibig ni Megan. Hindi nya mapigilang mapaluha dahil nakikita nya ang taong mahal nya na nasasaktan ng dahil sakanya.
"N-no" bulong ni Eren habang umiling-iling. Pero iniwasan lang sya ng tingin ni Megan at pikit matang lumuluha. Hindi nya kayang tignan si Eren. Nahihiya sya dahil isa syang mahina ay duwag na babae.
"Dalhin nyo na sya sa underground cell. Saka nyo lang sya palabasin kapag sinabi ko na" maaawtoridad na utos ni Marco. Agad namang sinunod ng dalawa yung utos at hinila palabas si Eren ng laboratory. Rinig pa ni Megan ang pag tawag sakanya ni Eren bago ito tuluyang naka alis laboratory.
"Are you ready for the experiment?" seryosong tanong sakanya ni Marco. Pekeng tumikhim si Megan at dahan-dahang tumango kahit hindi ito nakita ni Marco.
"Y-yes" pilit nyang mag pakatatag sa sarili pero maalala nya lang ang luhaan na si Eren ay parang pinipiga yung puso nya.
May lumapit sakanyang babae at inasinta sya na umupo sa dome dental chair. Hindi nya mapigilang makaramdam ng kaba dahil kakaiba ang mauupuan nya. May head rest ito na na pabilog at umiilaw na kulay asul at berde. Kapag tinitingnan pa ito ng mas mabuti ay parang may kuryente ito kapag isinandal mo doon ang ulo mo.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
Phiêu lưuBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?