Zombie 34

4.3K 134 6
                                    


Zombie 35: Love and Death

Third Person's POV

"W-wag kang t-tumingin" bulong ni Hiro habang yakap yakap si Megan. Hindi naman tumugon si Megan dahil kanina pa sya nakakaramdam ng maraming emosyon. Kundi sakit, gulat, galit at poot.

Para na syang nawalan ng buhay ng dahil sa nangyari sa kaniyang anak. Unang kita nya palang sa anak nyang binabalot ng dugo ay parang gumunaw na ang kanyang mundo.

"T-they killed my son" basag sa tonong sabi ni Megan. Biglang nanigas sa gulat si Hiro. Gulat na humiwalay ng yakap si Hiro at kinakabahan itong tiningnan.

"N-no. Nag bibiro ka lang d-diba? Sabihin mong hindi totoo yung mga sinasabi mo" nauutal na sabi ni Hiro. Namumutla na rin yung buong mukha nya ng dahil sa kaba at takot.

Mapait na ngumiti si Megan at dahan-dahang umiling. "He's dead, Hiro. Patay na si Clyde---"

"HINDI PWEDE! IMPOSIBLENG MAMATAY SYA! HINDI!" nanggagalaiting sigaw ni Hiro.  Inilibot ni Hiro yung paningin nya sa paligid at napadako yung tingin nya kay Haruka na umiiyak habang buhat buhat si Clyde na duguan.

Para syang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita. Ngayon nya lang nakita si Clyde dahil nakatuon ang pansin nya kanina sa mga armadong lalaki. Nag mamadaling lumapit si Hiro at niyakap si Clyde. May lumalabas na luha sa sulok nyang mga mata habang yakap yakap ang walang buhay na si Clyde.

Habang nag dadalamhati ang umiiyak na si Hiro ay seryosong nagkaharapan si Megan, Sandy at Eren. Si Haruka naman ay lumapit kay Colbie na namimilipit sa sakit ng dahil sa sugat ng sikmura.

Bakas sa mukha ni Megan ang matinding galit dahil sa ginawa nila.

"What now, Megan? Ipakikita mo rin ba yung nag tatagong baho sa loob ng katawan mo?" nakangising sabi ni Sandy habang si Eren naman ay walang emosyon ang mukha. Kumuyom yung kamao ni Megan pero hindi pa rin ito nag sasalita na para bang nag titimpi sa galit.

"Ilabas mo na, Megan. Para malaman na din nya kung gaano ka kahalimaw tulad ng anak mo" kumunot yung noo ni Colbie dahil sa sinabi ni Sandy. Hindi nya alam kung ano ang pinagsasabi ni Sandy tungkol kay Megan.

Hindi magawang lapitan ni Colbie si Megan dahil sa sikmura nyang may tama ng bala. Nang hihina na yung katawan nya at pakiramdam nya ay nauubusan na sya ng dugo.

"C-colbie s-si Tatsuya" nanginginig sa iyak na sabi ni Haruka. Nakatingin si Haruka kay Tatsuya na nakahiga sa sementadong lupa. Nakita nyang hindi na gumagalaw yung tyan ni Tatsuya na senyales na hindi na humihinga. Napapikit nalang si Colbie kasabay na doon ang pag labas ng kanyang luha. Kaya pala ganoon nalang titig ni Haruka kay Tatsuya ay dahil wala na itong buhay.

Habang sila Yvonne, Nina at Patricia naman ay umiiyak habang pinapanood na naghihingalo sila Justin, Tyler at Jai. May lumabas na dugo sa bibig ni Justin kaya napa hagulgol sa iyak si Yvonne. Habang Nina naman ay umiiyak ng tahimik habang yakap yakap si Tyler na nanghihina ang katawan.

"D...don't cry. P-please" paos na sabi ni Jai at marahang pinunasan yung basang pisngi ni Patricia.

"Please d-dont leave me. Huwag mo kong iiwan, J-jai. Parang a-awa mo na" pag mamakaawang sabi ni Patricia habang humihikbi. Pero ngumiti lang ng mapait si Jai at dahan dahang binigyan ng halik sa noo si Patricia.

"M-mahal...na..mahal kita...P-patricia" mahinang sambit nito kasabay na doon ang pag pikit ng mga mata ni Jai. 

"H-hindi" naluluhang sabi ni Patricia at niyakap si Jai.

"Yes, i admit that I'm a monster. But not my son. He's not a monster" mariing sabi ni Megan.

"Pero kung gusto mo talagang makita kung sino ako. Pwes ipapakita ko na ngayon" sabi ni Megan sabay ngisi. Nawala yung ngising naka paskil sa labi ni Sandy nung magliwanag yung dalawang asul ni Megan. Si Eren naman ay kumunot at napaawang ang bibig dahil sa hindi maka paniwala.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon