Zombie 24

4.5K 169 1
                                    


Zombie 24: Clone's

C.L LABORATORY

Colbie's POV

"What the?!" gulat kong sabi habang inililibot ko yung paningin ko sa paligid. I really can't believe it. Ano ang plano nila sa mga gamit--i mean sya laban sa amin?

Marami akong nakikitang kulungan na gawa sa salamin. Hugis pabilog ang kulungan nya at punung-puno ito ng tubig sa loob ng kulungan. Makikita mo sa loob ang babaeng walang saplot sa katawan. Pero hindi ko naman nakikita ang maseselang parte ng katawan nya dahil yakap yakap nya yung sarili nya habang lumulutang sya sa tubig. At ang mas ikinagugulat ko ay si bunso ang nasa loob ng kulungan! Puro sya ang nasa loob ng mga kulungan.

Teka, C.L Laboratory? Ibig sabihing ba nun Clone Larsson Laboratory? Oh shit! bakit ngayon ko lang ba narealize yun? Aish! Bakit gumawa sila ng clone na kamukha ni Bunso? Mukhang delikado na ito.

"Ito yung sinasabi ko sayo na kailangan nyong makita" sambit ni Hiro na nakatingin sa isang kulungan na si Bunso din ang laman. Kasama ko na si Hiro at yung mga sundalo. Ang kulang na lang ay si bunso. Kailangan pa naman naming mag sama sama na lahat dahil pag lipas ng isang oras ay aalis na kami ng building bago pa kami mahuli.

Lumapit ako sa isang kulungan at tinitigan pa ng masyado si bunso para matignan kung may kakaiba. Ang daming naka turok sa katawan nya lalo na sa ulo nya. Kitang kita ko pa sa loob ng hose na naka turok sa ulo nya ang iba't-ibang kulay na chemical.

"Anong gagawin nila dito?" bulong ko. Napadako yung tingin ko sa red bottom na naka dikit sa kulungan. Bigla akong na-curious dahil wala akong makitang wire na naka dikit sa bottom na yun. Pipindutin ko na sana nung biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ang isang scientist. Nanlaki yung mga mata nya.

"MAY NAKA PASOK NA KALABAN!!" sigaw nya sa labas na ikanalaki ng mga mata namin. Fvck! Nahuli na!!

Patatahimikin ko na sana yung lalaki kaso huli na ang lahat dahil naka rinig na kami ng nakaka binging siren galing sa speaker kasama na doon ang pulang umiilaw sa dingding.

"Shit! Shit! Let's hurry bago pa tayo mahuli. I-ready nyo na lahat ng masasakyan natin!" sigaw ko sa mga sundalo. Sumaludo sila at nag mamadaling kumilos.

Si Hiro naman ay lumapit sa scientist na nag sisigaw. Hinampas ni Hiro yung lalaki gamit ang baril nya kaya naka tulog yung lalaking scientist. Habang kumikilos sila ay i-ni on ko yung walkie talkie para matawag si bunso.

"Megan, copy. Megan are there, copy?" pero hindi sya nag salita kaya naka ramdam ako ng kaba. Aalis na sana ako ng laboratory nung pinigilan ako ni Hiro.

"Kay Megan ka ba pupunta? sasama ako!" sabi nya. Wala naman akong magagawa at tumango nalang bilang pag sagot.

----

Yumu-yuko kami ni Hiro habang nag lalakad kami sa hallway. Medyo nahihirapan pa kaming maka lakad dahil nag kakagulo na yung mga scientist.

Lalo pa kaming napa yuko nung may napa daan sa aming mga armadong lalaki na may bitbit na baril at mukhang papunta sa C.L Laboratory.

Habang nag mamadali kaming mag lakad ay biglang nag salita si Megan sa walkie talkie.

[K-kuya] para akong robot na biglang huminto sa pag lalakad dahil sa narinig ko yung boses ni bunso sa walkie talkie.

[K...kuya] ulit nyang sabi. Kumuyom yung kamao ko dahil ramdam ko sa boses nya na nahihirapan sya na hindi ko mawari. Para syang kinakapos sa hininga.

"Nasan ka? Pupuntahan ka na namin ni Hiro. Kailangan na nating maka alis dito" seryoso kong sabi habang palinga-linga sa paligid.

[N-no. Wag nyo na akong puntahan. M-mauna na kayo ni Hiro sa Danger zone]

"What are you saying?! Sasama ka sa akin. Sabihin mo sa  amin kung saan ka pwedeng makita!" tiim bagang kong sabi. Ano na naman ba itong gusto mo, bunso? Gusto mo na namang ilagay sa peligro ang buhay mo!

[S-sundin mo nalang ako, kuya. B-babalik din ako dyan sa danger zone kapag natapos ko na yung dapat tapusin dito sa target ko. *cough* Mag iwan ka nalang ng kotse sa labas ng building para masakyan ko pauwi ng d-danger zone *cough* Mag ingat kayo. I..i love you] mag sasalita na sana ako kaso mabilis nya ding pinutol yung line nya.

"Fvck!" inis kong sabi sabay sipa sa wall. Napatingin sa akin yung mga scientist pero hindi ko sila pinansin. Malalim akong nag buntong hininga at tumingin kay Hiro na naka tingin sa akin.

"Let's go. Hinihintay na siguro tayo ng mga sundalo sa labas"  mahina kong sambit. Kumunot yung noo nya.

"Aalis tayo na hindi kasama sya? Kung yan ang gagawin mo ay hindi ako aalis dito! Nandito sya kasama ang mga kalaban" diin nyang bulong.

"Fvck! Oo gusto ko ring sundan sya pero hindi pwede! Mag tiwala ka nalang sakanya. Matalino syang makipag laban kaya makakaalis pa sya dito na buhay. So get your ass out of here bago pa tayo mahuli! Damn it!" matigas kong sabi at nauna ng mag lakad.

Hindi ako naiinis o nagagalit kay Hiro. Gustong gusto ko din yung sinabi nya na puntahan si bunso. Ang ikinagagalit ko lang ay yung sinasarili ni bunso yung plano.

Napaghahalataan ko na kasing may inililihim sya at hindi sa akin sinasabi. Parang ipinapakita nya na hindi ako mapagkakatiwalaan at maaasahan. Maiisip ko pa lang yun ay nakakaramdam na ako ng galit kay bunso. Pero hindi ako pwedeng magalit kay bunso ng ganun ganun lang. Alam ko ring may dahilan sya kaya nya yun nagawa.

* * *

Megan's POV

Tinanggal ko yung walkie talkie ko sa tenga at malakas na tinapakan para tuluyang masira. Tumingin ako kay Eren na naka handusay sa flooring. Mukhang masakit ang chemical na pumasok sa katawan nya kaya sya nawalan ng malay.

Napatingin ako sa pinaka dulong hallway dahil may nakakarinig ako ng mga ingay doon. Mukhang mga tauhan iyon ni Marco kaya kailangan na naming makatago ni Eren.

Lumapit ako kay Eren at walang hirap syang isinamapay sa balikat ko at nag tago sa kwarto na kanina ko lang pinagtaguan. Ni-lock ko ang pintuan at marahang ihiniga si Eren sa kama.

Natigilan ako nung biglaan akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Napa daing ako ng malakas dahil mas lalo itong kumikirot. Hindi ko na nakayanan ang kirot ng puso ko kaya napa luhod ako sa flooring.

Nakakapag taka dahil parang palala ng palala ang nararamdaman kong kakaiba sa puso ko. Feeling ko mawawalan na ako ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman ko. Anong nangyayari sa akin at bakit lumalala yung sakit ng puso ko?

Napa pikit ako ng mariin dahil nahihirapan na akong maka hinga. Hindi na rin ako maka aninag ng mabuti. Nanghihina akong tumabi kay Eren at niyakap sya ng mahigpit.

Naka harap ako kay Eren kaya kahit papaano medyo nakikita ko pa ng mabuti yung maamong mukha nyang natutulog. Mapait akong ngumiti kasama na doon ang pag labas ng luha galing sa mata ko.

"Malapit na Eren. Malapit na malapit na" bulong ko kasama na doon ang pag sara ng talukap ng mga mata ko.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon