Zombie 42

5.4K 146 17
                                        

Surprise Hunters! Advance Christmas gift ko sa inyo. Hope you enjoy.

- Grayson Jun

Zombie 42

Megan's POV

"Sigurado ka, bunso!? Nakakapagsalita na si Baby C!?" gulat at pagkamanghang tanong ni kuya. Nasa likod naman nya sila Haruka, Tatsuya at yung yung iba pa. Nakangiti sila ng malapad at nagningning ang mga mata.

Hindi ko maiwasang mapairap sa hangin. Kakagising ko lang yung mga boses nila agad ang bumungad sa akin. Wala na si Eren nung paggising ko. Siguro pumunta na sya sa kabilang pugad.

"Ano? Nakakapagsalita na ba si C?" sabik na tanong ni kuya.

"Oo" pag sagot ko at nilampasan sila. Pero napatigil ako nung magsigawan sila at nagyakapan. Nagtatalon pa sila na para bang nanalo sa lotto.

"Shit! Nakakapagsalita na sya! Mag diwang tayo! Magdiwang!" rinig kong sigaw ni kuya. Napailing nalang ako. Maski ako ay masaya din na malamang nakakapagsalita na ang anak ko. Sobrang saya.

Biglang natahimik sila Kuya nung bumukas ang pintuan at niluwa non ay si Clyde na naka pantulog. Yakap yakap nya yung teddy bear nya habang kinukusot yung mata.

"CLYDE!!" sabay pa nilang sigaw at nag uunahan na makalapit kay Clyde. Kulang nalang ay mag suntukan sila para maunang maka buhat kay Clyde. Pero agad silang natigilan nung biglang sumulpot si Hiro na mukhang bagong gising din. Lumapit sya kay Clyde at binuhat ito.

"Good morning, Akachan" bati ni Hiro. Kinis naman sya ni Clyde sa pisngi at sumubsob sa balikat nya. Nung makita ako ni Hiro ay may pumaskil na matamis na ngiti sa labi nya at lumapit sa akin. Napanganga nalang sila kuya at tulalang nakatingin kay Hiro na papunta sa akin.

"Magandang umaga, binibini" malambing nya sambit at humalik sa pisngi ko.

"Good morning. Nagugutom na ba kayo? Gusto nyo na bang gumawa na ako ng breakfast?" naka ngiti kong tanong.

"Ako nalang ang magluluto. Malamig na ang klima at gusto kayong ipagluto ng ramen at sushi ni Akachan" binigay nya sa akin si Clyde at pumunta sa kitchen.

"Mom, why are they're fighting?" bulong ni Clyde habang pinapanood sila kuya. Nagbabangayan na naman ito at mukhang tungkol na naman kay Clyde. Umarko yung kilay ni Clyde nung humagikhik ako.

"It because of you, baby. Alam na nilang nakakapagsalita ka" sabi ko at mahinang kinurot yung tungki ng ilong nya. Nag taka nung makita kong bumusangot ang mukha nya.

"Bakit naka busangot ang baby ko?" natatawang tanong ko. Ang cute nya kasi. Kamukhang kamukha nya si Eren kapag naiinis.

"I told you that i don't want to know about my secret condition, mom. Gusto ko ikaw lang" sabi nya na naka nguso. Gusto kong humalakhak dahil sa binibigay na ekspresyon ng anak ko. Mukha syang inagawan ng candy. Oh my Ghad! Ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko. Ngayon lang! Hindi ko alam na may ganito syang side.

Dati rati kapag kausap mo sya ay parang matanda ang kaharap mo. Parang mas matanda pa sya kesa sayo. Pero ngayon mas ramdam ko na talaga sya bilang isang anak ko.

"Hayaan mo silang malaman na nakakapag salita ka na, anak. Lalong lalo na si Uncle Colbie mo. Tignan mo sila oh, they are all happy dahil nalaman nilang nakakapagsalita ka na. Pinasaya mo sila" naka ngiti kong sabi at tinuro yung direksyon nila Kuya. Kanina nagbabangayan ngayon naman ay nagkakaiyakan na sila.

"T-tangina ang saya ko huhuhu. Nakakapagsalita na si Baby C" naiiyak na sabi ni kuya na sumisinghot pa. Tumangu-tango naman yung iba bilang pag sang-ayon sa sinabi ni kuya.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon