I want to dedicate this chapter to HeavenJadePendleton. Thank you for supporting my story :)
Grasyon Jun
-----
Zombie 37: Dark Cave
Continuation....
Haruka's POV
Mabilis kong inalalayan si Colbie habang buhat buhat ko yung katawan ni Clyde. Kahit nahihirapan ako ay inalalayan ko pa rin si Colbie papalapit kay Megan.
"M-megan may zombie na paparating. Kailangan na nating makaalis" sabi ko at saglit na tumingin sa mga zombies na tumatakbo. Halos lumuwa yung mga mata ko nung makita ko kung paano mag kagulo yung mga zombies habang nag uunahan na kainin yung mga taong naka handusay sa kalye.
Hindi naman nag salita si Megan at dahan dahan nya lang hiniga ang katawan ni Hiro. Tumayo sya at kinuha si Clyde sa akin. Walang kibo itong nag lakad. Habang ako naman ay nag mamadaling lumapit kela Nina.
"Yvonne, Nina, Patricia kailangan na nating umalis bago pa tayo maabutan ng mga zombies!" kinabahan kong sabi. Hinihinala ko sila patayo pero tinigasan nila yung mga katawan nila para mayakap lang yung tatlo.
"Go. U-umalis na kayo. Hindi namin sila kayang iwan dito" mahinang sambit ni Yvonne na yakap yakap si Justin. Habang yung dalawa naman ay ganon rin ang posisyon. Saglit kong pinaupo si Colbie sa lupa at lumuhod sa kanilang tatlo.
"Please. Umalis na tayo. Halika na" nag mamakaawang sabi ko. Pati ba naman sila mawawala?
"P-patawarin mo ako, Haruka pero hindi ko kayang iwan si Tyler. Hindi ko kaya" humihikbing sabi ni Nina.
"Nanghihina na yung mga katawan namin, Haruka. H-hindi na rin namin kayang lumaban pa" mapait na sabi ni Patricia. Hindi na ako nakapag salita dahil may humila na sa akin.
"C-colbie" gulat kong sabi nung makita ko sya. Kahit nahihirapan sya ay kitang kita ko sa mukha nya ang lungkot. Namumula na rin yung dalawang mga mata nya habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan namin.
"H-hindi natin sila pwedeng iwan, Colbie" mahinang sambit ko pero umiling lang sya at malungkot na ngumiti.
"Kahit mabuhay pa sila ng matagal ay hindi rin naman sila magiging masaya pa dahil yung mga taong mahal nila sa buhay ay nawala na. I understand their feelings and situation" seryoso nyang sabi. Hindi na ako umimik at tahimik na tumingin kela Yvonne.
Naka upo lang silang yakap yakap ang tatalo. Wala silang pakielam kung malapit na sakanila yung mga zombies. Bago pa kami lumiko ng daan ay nahagip pa ng mata ko na may inilabas na tatlong granada na inilabas si Nina.
Hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari dahil tuluyan na kaming naka liko ng daan. Pero rinig na rinig ko yung malakas na pagsabog na alam kong galing iyon sa hawak ni Nina.
Napapikit nalang ako at umiyak. Ayoko na. Tama na please.
Tanging kami nalang ni Colbie at ni Megan ang natitira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na marami ang namatay sa aming grupo. Masyadong mabilis ang pangyayari.
Tumatakbo lang kami hanggang sa mapadpad na kami sa malaking gubat. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan kaya nahihirapan kaming maka takbo. Inalalayan ko si Colbie dahil nanghihina na yung katawan nya.
"I-i can't t-take it" nauutal na sabi ni Colbie.
"No. Magpakatatag ka. Lumaban ka please" naluluha kong sabi. Hindi naman sya kumibo at tanging pag daing lang ang naisagot nya. Mukhang nahihirapan na nga sya. Pero hindi. Hindi sya pwedeng bumigay.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?