Continuation...
Zombie 2: Weird Feeling
Hiro's POV
"Megan hintayin mo ko!" sigaw ko habang nag lalagay ng bala sa baril ko. Pero hindi ako binigyan ng tingin ni Megan at patuloy pa rin sa pag lalakad hanggang sa makalabas na sya ng bayan.
Inis akong kumuha ng isa pang baril at nag mamadaling tumakbo papalabas ng bayan.
---
Habang nag lalakad kami ay palinga-linga ako sa paligid dahil baka maka kita ako ng zombie. Pero salamat nalang dahil wala naman akong nakikita.
Pasimple akong tumingin sa mukha ni Megan at hindi ko maiwasang mapangiti. Una naming pagkikita ay hindi maganda.
Sobra akong natatakot dahil kakaiba yung lakas ng katawan nya kasama na doon ang malamig nyang mga mata at pananalita.
Pero nawala din naman agad ang takot ko nung ikinuwento nya ang tungkol sa pag katao nya. Hindi ako makapaniwala na isa pala syang zombie hunter. Na sya ang magliligtas sa aming lahat.
Nakwento na din nya yung tungkol sa kung bakit sya napadpad sa tabing dagat. Nakakalungkot man na mahiwalay sya sa pamilya nya, lalong lalo na sa lalaking mahal na mahal nya.
Sa tuwing naaalala ko yung lalaking kinukwento ni Megan ay parang ang bigat bigat ng nararamdaman ng dibdib ko. Nasasaktan ako dahil alam kong wala na akong pag asang pumasok sa buhay nya. Hindi bilang isang kaibigan, mas mahigit pa doon.
Pero maganda na yun dahil alam ko naman na magiging masaya sya kahit para sa akin ay masakit.
***
SCHOOL
Nung pag kabukas ni Megan ng pintuan ay may bumulagtang mga batang estudyanteng zombie. Kinasa ko yung baril ko at mabilis na pinagbabaril yung mga zombie.
Nandito kami sa eskwelahan na malapit lang sa bayan. Dito kami pumunta dahil dito madalas pumupunta si Clyde.
Nang mapatay ko yung mga zombie ay nagsimula na ulit mag lakad si Megan. Alam kong galit sya sa akin dahil sa ginawa ko. Hinayaan ko lang kasi na lumabas si Clyde. Ginawa ko naman yun dahil alam kong ayun ang gusto ng akachan ko. Atsaka kasama naman ni Clyde si Tatsuya kaya ako pumayag.
Iniisa-isa naming sinisilip ang bawat classroom para hanapin si Clyde at Tatsuya. Kaso hindi pa rin namin sila makita. Bigla akong may naisip kaya hinawakan ko yung kamay ni Megan at hinila papunta sa hagdanan.
---
Nang pag dating namin sa rooftop ay hindi nga ako nag kakamali na dito sila pupunta sa rooftop.
Nag lalaro ng basketball si Tatsuya habang si Clyde naman ay tahimik na nakaupo sa sementadong railings at tinitignan ang paligid sa ibaba.
"Tatsuya." tawag ko. Nang makita kami ni Tatsuya ay nanalaki yung mga mata nya at nabitawan nya pa yung hawak-hawak nyang bola.
"Yow! Nag papahangin lang kami dito ni Clyde. K-kayo din ba?" nauutal nyang sambit. Hindi ako nag salita at tumingin lang kay Megan.
Hindi sya nagsasalita at seryoso ang aura ng mukha nya habang nakatingin kay Clyde. Nag lakad sya papunta sa anak nya. Nang makalapit sya ay hinalikan nya yung ulo ng anak nya at tumabi sakanya.
Habang magkasama ang mag ina ay lumapit ako kay Tatsuya.
"Bakit mo ba nilabas si Clyde?! Alam mo bang muntik na akong mapatay ni Megan ng dahil sayo." asar kong sabi sakanya.
"Anata wa nani ni tsuite hanashite imasu ka? (what are you taking about?) sya kaya ang nagpupumilit na pumunta kami dito." saad nya.
"Pumayag ka naman."

BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?