Zombie 4

6.2K 238 0
                                    


Zombie 4: Welcome back

Megan's POV

"Anata no ryokō o sewa shite kudasai, Megan. Tasuke ga hitsuyōna toki wa, watashitachi ni denwa shite kuda (Take care, Megan. When you need help just call us)" sabi ni Makoto. Ang leader ng mga Hunters dito sa Japan. Ipinagdikit ko yung dalawang palad ng kamay ko at yumuko bilang pag papaalam.

"Dōmo arigatōgozaimasu, Makoto. Watashi wa furusato de koko no gurūpu no sekinin aru shidō-sha to shite anata o wasureru koto, Makoto imasen (Thank you so much, Makoto. I will not forget you as a responsible leader of our group here in hometown)" sabi ko habang nakayuko pa rin. Tumango sya at yumuko din sa harapan ko.

"Megan sumakay ka na! Paandar na yung eroplano" rinig kong sigaw ni Hiro mula sa pintuan ng eroplano. Bago ako pumasok sa eroplano ay tumingin muna ako sa taong bayan at mga ka-hunters ko. Nakangiti sila at kumakaway sa akin. Ngumiti ako at kumaway din sakanila.

Tumalikod na ako at akmang aakyat na ng hagdan ng may tumawag sa pangalan ko. Napakunot yung noo ko ng makita ko si Haruka na tumatakbo sa direksyon ko at may dala-dala pa syang mga bagahe.

"Sasama ako sa inyo papuntang Pilipinas" hinihingal nyang sabi. Kumunot yung noo ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

"Pasensya na pero hindi pwede, Haruka. Kailangan ka ng mga tao dito bilang isang doktora. Hindi mo sila pwedeng iwan dito" sabi ko.

"Pero kailangan ko din kayo. Ayokong mapahiwalay sa inyo dahil parang pamilya na ang turing ko sainyo. Atsaka napamahal na din sa akin si Clyde, parang anak ko na rin yun. Please Megan, hayaan mo akong sumama sa inyo" nag mamakaawa nyang sabi. Napangiti nalang ako at napailing.

Kesa naman ako ayun din ang tingin ko sa kanya. Nang dahil sakanya ay napanganak ko ng maayos si Clyde. Palagi syang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong kapag umaatake yung kakaibang galaw ng katawan ko.

"Let's go. Hinihintay na nila tayo sa loob" nakangiti kong sabi. Napangiti sya ng malapad at tumango.

----

Habang tulog si Clyde ay dahan-dahan ko syang kinumutan para hindi magising. Tumingin ako sa kabilang upuan kung saan nakaupo si Haruka na busy mag basa ng libro.

"Haruka, ikaw na muna bahala sa anak ko. Pupuntahan ko na muna yung dalawa" mahina kong sabi.

"Sige" nakangiti nyang sabi.

----

Nang pag ka-bukas ko ng pintuan ay nakita ko yung dalawa. May hawak silang manibela at may kung ano-ano pa silang pinipindot na hindi ko naman alam.

"Oh, bakit ka nandito Megan? May itatanong ka ba sa akin?" takang tanong ni Hiro nung mapansin nya ako. Lumapit ako sakanya at nilahad sa kanya yung sandwich na ginawa ko. Yung isang sandwich naman ay binigay ko kay Tatsuya.

"Aba, mukhang masarap yung gawa mo huh. Pero mas masarap yan kapag sinubuan mo ako" nakangisi nyang sabi. Tumaas yung kilay ko.

"Manahimik ka nalang at kunin mo ito" naka taas kong sabi. Ngumuso sya at umiwas ng tingin.

"Watashi wa sore o tabemasen (then i will not eat that)" nakanguso nyang sabi. Napaikot yung dalawang bilog ng mga mata ko. Ako ang tinakot.

"Oh, sayo nalang to Tatsuya. Ayaw ni Hiro sayang naman" walang emosyon kong sabi. Napangiti sya ng malapad kahit puno ng pagkain yung bibig nya.

"Dōmo arigatōgozaimasu, Megan~. Anata no sandoitchi wa totemo oishīdesu! (Thank you so much, Megan~. Your sandwich is so delicious!" nakangiti nyang sabi at akmang kakainin yung sandwich nung mabilis na inagaw ni Hiro iyon sakanya.

"Wahh?! binigay sa akin yan ni Megan eh!" nakangusong sabi ni Tatsuya kay Hiro. Pero si Hiro ay kinain ng buo yung sandwich.

"Kore wa watashi no monodesu. Anata no monode wanai (This is mine. Not yours)" seryoso nyang sabi. Napahawak nalang ako sa noo ko at napailing. Bakit ko ba pinaghandaan yung mga retarded na tao?

***

PHILIPPINES

"Ito pala ang Pilipinas. Ang init pala dito" sabi ni Haruka habang pinapaypayan yung mukha nya gamit yung kamay nya. Wala yung dalawa dahil nag hahanap ng kotse na masasakyan namin. Maraming sasakyan ang nasa paligid pero halos lahat ng yun ay mukhang sira na at hindi na magagamit.

Napatingin ako kay Clyde at nakita kong namumula yung mukha nya at naliligo pa sa pawis. Nag labas ako ng panyo at pinunasan yung mukha nya na naliligo sa pawis.

Habang pinupunasan ko yung mukha nya ay pinagmamasdan nya yung magulo at maruming kalsada.

"Alam mo ba anak, napaka ganda ng lugar nato nung hindi pa nangyari yung delubyo. Tanging ito lang ang naiiba kumpara sa iba pang lugar" saad ko habang minamasdan ang paligid.

"Sayang lang dahil hindi mo nararamdaman ang dating buhay ng mundo, yung walang zombie sa paligid mo. Marami ngang problema ang nagdadaan sa buhay mo pero napakasayang mabuhay" nakangiti kong sabi. Tumingin ako kay Clyde at nakita kong nakayuko sya.

"Baby, may problema ba?" takang tanong ko. Tumingin sya sa akin at umiling. Hindi ako nag salita at nakatingin lang ng diretso sa mga mata nya. Nakakainis nga lang dahil ang hirap nyang basahin mula sa mga mata nya. Wala akong makitang emosyon sa mga mata nya.

Naputol ako sa pag iisip nung may humintong kotse sa harapan namin.

"Taralets na!" nakangiting sabi ni Tatsuya na naka upo sa backseat.

"Anong tara lets na? bago mo sabihin yan tulungan mo muna kaming ipasok lahat ng bagahe sa likod ng kotse" mataray na sabi ni Haruka. Napakamot sa ulo si Tatsuya at lumabas ng kotse. Ganun din ang ginawa ni Hiro. Lumapit sya sa mga bagahe namin ni Clyde at binuhat iyon.

"Clyde, pumasok ka na sa loob. Kami na ang bahala dito sa mga gamit" sabi ko. Bago sya pumasok ay kinuha na nya muna yung teddy bear nya at pumasok na sa kotse.

"Excited ka na siguro na makita sila?" nakangiting sabi ni Hiro habang nilalagay yung mga gamit sa likod ng kotse.

"Ewan" kabit balikat kong sabi at sumandal sa kotse. Sa totoo lang sobra akong kinakabahan. Siguro ang akala nila ay patay na ako? Sa nagdaan ba namang maraming taon ay sino ba namang hindi makakapagisip na patay na ako?

Hindi naman ako magtataka kung magulat sila na makita ako. Lalo na kapag nalaman nilang may anak ako at may kasamang mga nihonggo.

----

5pm Afternoon.....

Binaba ko yung bintana ng kotse at nilabas ko yung isang kamay ko para maramdaman ang lakas ng hangin. Konting oras nalang at makakarating na kami sa safe zone. Halos puro puno nalang ang nakikita ko sa tabing kalsada kasama na doon ang mga lumang bahay.

Tuwang-tuwa pa nga sila Haruka dahil kakaiba daw ang kultura ng Pilipinas.

Pasimple akong tumingin kay Hiro at nakita kong seryoso ang mukha na para bang ang lalim ng iniisip.

"Hiro" tawag ko.

"Hmm?"

"Kahit minsan ba nakaramdam ka ng pag sisisi nung makilala mo ako?" seryoso kong tanong. Napakunot yung noo ko nung mahina syang natawa at napailing na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Anong klaseng tanong yan, Megan? Gutom ka lang siguro ano?" natatawang sabi nya.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko sayo" walang emosyonal kong sabi. Ngumiti sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Kung nakaramdam man ako ng pagsisi na makilala ka edi sana hindi kita kasama sa mga oras nato diba?" nakangiti nyang sambit.

"Kaya wag kang mag-isip ng ganyan. Pinag-aalala mo ako eh" sabi nya. Tumango nalang ako at tumingin sa bintana ng kotse. Sobra talaga akong nag papasalamat na mapunta sa tabing dagat. Kung hindi lang ako napunta doon ay baka hindi ko na siya makilala at yung dalawa.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon