Zombie 27: Secret Plan
"Kill me" aniya ni Megan na ikinagulat ni Eren. Kumunot yung noo ni Eren at seryosong tiningnan sya.
"What did you say?" tanong nito na naningkit pa yung mga mata na hindi makapaniwala sa sinabi ni Megan.
"Kill me" ulit ni Megan na seryoso ang mukha. Lalong kumunot yung noo ni Eren.
"Are you out of your mind? Why would i kill you?" mariing tanong ni Eren. Saglit silang natigilan nung makarinig sila ng yabag galing sa labas. Mukhang nag lilibot na yung mga armadong lalaki at tinitigan lahat ng kwarto.
"I want you to kill me, Eren. Thats the only way. To kill me--"
"Shut the fvck up, Megan! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo. Me? Will kill you? That's bullshit!" galit at hindi maka paniwalang sigaw ni Eren. Tumayo sya at nag palakad lakad sa harapan ni Megan. Hinilot nya yung sintido nya dahil sa sinabi ni Megan. Sa mga katagang binibitawan ni Megan ay parang wala lang sa kanya yung mga sinasabi nya. Na okey lang sakanya na patayin sya.
"But, Eren. Please---" matalim na tiningnan ni Eren si Megan kaya ito napatigil sa pag sasalita.
"NO" diin nyang sabi at binibigyan pa ito ng matalim na tingin pero deep inside ay nasasaktan sya sa mga sinasabi ni Megan.
"Alam mo naman na hindi ako titigilan ng ama mo. Ayokong madamay yung mga inosenteng taong nabubuhay pa dito sa mundo. Ayoko silang masaktan ng dahil sa akin" saad ni Megan. Marahan nyang hinaplos yung isang kamay ni Eren. Pero tinabig lang iyon ni Eren at tinalikuran sya.
"My answer is still no. You know that i can't live without you for christ sake!" galit na sabi ni Eren. Pero si Megan naman ay malungkot na tinitignan ang nakatalikod na si Eren.
Yumuko sya at ramdam nya yung pamumuo ng luha sa mga mata nya. Tanging ayun nalang ang paraan para maligtas nya ang mga buhay ng mga tao. Kapag pinagpatuloy nya lang na mabuhay sa mundo ay hindi sya titigilan ni Marco. Lalo na't alam nyang may alam na ang mga ito tungkol sa kondisyon nya ngayon.
Napatingala sya nung humarap sakanya si Eren na malamig syang tinignan. Pero kahit malamig ang mga mata nito ay nakikita nya yung sakit sa mga mata nya.
"Kahit umiyak ka pa ng dugo dyan hindi pa rin ako papayag sa gusto mo. Mag iisip tayo ng ibang paraan na hindi makakasakit sa atin at sa iba pang tao na naka paligid sa atin" lumuhod sya sa harapan ni Megan para mag pantay sila. Hinawakan nya yung dalawang kamay ni Megan at hinalikan yun. Malalim syang tumingin kay Megan at ganun din si Megan sakanya.
"Please Eren. Kailangan kong mamatay" mahinang sambit ni Megan. Kinagat nya yung lower lip nya nung nag tiim bagang si Eren na mukhang nauubusan na ng pasensya sakanya.
"Gano'n ba kadaling patayin ka? Lalo na't ako pa yung inuutusan mo tungkol sa gusto mo?" naguguluhang tanong ni Eren. Nag buntong hininga si Megan at seryosong tiningnan sa mata si Eren.
"Please Eren, listen to me first. Meron akong hinandang plano kapag ginawa mo na yung gusto ko. Tiyak akong mag tatagumpay tayo sa laban" lintaya ni Megan at sinabi lahat ng plano kay Eren. Seryoso namang nakikinig si Eren sa bawat detalyeng dapat gawin para sa gaganaping plano para sa laban.
"Eren?! Are you there?!" sigaw ni Sandy mula sa labas ng kwarto. Kumakatok pa ito ng malakas at sumisigaw ng pangalan ni Eren. Huminga ng malalim si Megan at tinignan sa mata si Eren.
"Alam mo na ang dapat gawin sa plano. I know you can do it. I love you" bulong ni Megan at tipid na ngumiti. Mariing pumikit si Eren at dahan-dahang tumango. Kahit mahirap para sakanya ay gagawin nya alang-alang para kay Megan.
"I love you too. So much" sagot pabalik ni Eren at malungkot na nginitian si Megan. Hinapit ni Eren si Megan palapit na kanya at maemosyonal nya itong hinalikan.
"I love you Eren. Always remember that" bulong ni Megan nung mag kahiwalay na yung mga labi nila. Hindi na maka sagot si Eren dahil bigla nalang bumukas ang pintuan at niluwa non ay si Sandy at yung iba pang mga armadong lalaki.
"Mahal!" sambit ni Sandy. Napasinghap si Eren at binalik ang tingin kay Megan pero laking gulat nya na makitang wala na ito sa kinatatayuan. Nag mamadali syang lumapit sa railings para dumungaw sa ibaba. Pero wala syang makitang bakas na Megan.
"Where did she go?" bulong ni Eren.
----
Megan's POV
Nasa likod ako ng lamp post habang naka tingala para makita si Eren sa balkunahe na mukhang hinahanap ako. Hindi nya ako makita dahil nasa malayo ako nagtatago.
Napatigil lang sya sa pag hahanap sa akin nung lumapit sakanya si Sandy at niyakap sya. Mabilis akong tumalikod at nag lakad palayo. Itinakpan ko pa ang ulo ko ng hood habang nag mabilis na nag lalakad.
Lumapit ako sa puno at umakyat doon para maka tawid sa makapal na pader na gawa sa semento. Bago ako bumaba sa tuktok ng pader ay sumilip muna ako sa paligid para tignan kung may zombie ba o wala. Nung makita kong wala ay agad akong bumaba at hinanap ang kotseng pina iwan ko kay Kuya.
Nakita ko naman ito sa di-kalayuan kaya agad akong pumasok. Alam ko agad na ito ang kotseng iniwan ni kuya dahil ito ang ginamit naming sasakyan papunta dito.
Nakatingin lang ako sa kawalan at naka hawak sa manibela. Hindi ko alam pero bigla nalang nag init ang mga mata ko may lumabas na masasaganang luha.
"FVCK! FVCK! FVCK THIS LIFE!" naluluha kong sigaw habang pinagsusuntok ang manibela. Hindi ko alam kung tama pa ba itong nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung maganda ang magiging kalabasan ng magiging plano ko. Tanging yun nalang ang paraan para matapos na ang laban. Pero napaka delikadong mangyari yun!
Tanging ako at si Eren lang ang nakaka alam ng plano. Hindi ko magawang sabihin kay kuya tungkol doon dahil baka hindi nya matanggap. Kesa naman ako ay hindi rin pero wala na akong choice.
Pero ngayong araw ay sasabihin ko na kay kuya tungkol sa plano. Bahala na basta malaman nya. Alam kong nagagalit na yun dahil nagawa kong mag lihim sakanya.
Napatingin ako sa katabi kong upuan. May nakita akong radio phone doon at daling kinuha. In-on ko yun para ma-contact si Kuya sa safe zone.
"Colbie? This is Megan. Colbie do you hear me?" tanong ko pero walang nag salita kaya inis kong binato yung radio sa backseat. Siguro tulog na yun sa mga oras nato.
Napatingin ako sa malaking gate ng mansion ni Marco nung bigla yung bumukas. Kumunot yung noo ko nung maraming trucks na lumalabas galing doon. Ang nasa loob ng trucks na yun ay ang mga armadong lalaki.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil may kakaiba akong nararamdaman mula sa mga trucks na lumalabas. Napa pikit ako dahil may pinaparamdam sa akin ang hangin.
May mangyayaring masama sa safe zone.
Tiim bagang akong inistart ang makina at pinaharurot ang kotse papunta sa safe zone.
Ngayon ko na sisimulan ang pinaka plano ko. Sana magtagumpay ako dito para maging ok na ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventuraBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?