Zombie 26

5.6K 192 24
                                        

Zombie 26: Remembering My Love

Third Person's POV

Balisa ang mga scientists dahil sa kaguluhang nangyayari lalong lalo na yung mga armadong alagad ni Marco. Hinahanap nila kung sino ang naka pasok pero hindi nila makita kung sino.

Nakita naman nila sa CCTV's ang mga ito pero hindi nila nakilala dahil naka takpan yung mga mukha.

"Bilisan nyo! Wag kayong titigil kung sino ang naka pasok sa teritoryo natin!" asik na sabi ni Sandy sa mga armadong lalaki.

"Pero maam mukhang naka takas na yata po ang mga yun. Hinalughog na po namin ang bawat kwarto" sabi nung isa. Tumango naman yung iba bilang pag sang-ayon sa sinabi ng lalaki.

"Hindi! Basta i-secure nyo lahat ng paligid para masigurong naka alis na sila o hindi. Hindi yung ng huhula lang kayo!" inis na sabi ni Sandy at nagmartsang papunta sa office.

Kagat-kagat nya yung dulo ng kuko ng daliri nya habang palakad lakad. Hindi sya mapakali dahil sa nalaman nyang may naka pasok. Hindi malaman kung sino ang pumasok pero sya ay alam nya na kung sino yun. Walang iba kundi si Megan. Alam nyang si Megan lang ang matapang na papasok sa kanilang teritoryo. Ang pinagtataka nya lang ay kung paano nila nalaman kung saan sila naka lugar.

"Calm down, Sandy. Wala naman silang ginawa sa lugar natin. Namasyal lang sila" ngising sabi ni Marco na prenteng naka upo sa swivel chair.

"Dad, hindi ko makita si Eren. Hindi ko sya makita sa kwarto. Baka kinuha na sya! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" frustrated na sabi ni Sandy. Habang si Marco naman ay relax na relax lang na naka upo habang may naka pasok na tabaco sa bibig nya.

"I said calm down will you? Kahit kunin nila ang anak ko ay magagawan ko pa rin ng paraan" sabi ni Marco at nag palabas pa ng asok galing sa bibig nya.

"But dad---"

"Trust me, Sandy. Nagugustuhan ko na yung mga nangyayari ngayon dahil mas lalong lumalakas na si Megan ngayon" makahulugang sabi ni Marco. Kumunot yung noo ni Sandy dahil naguguluhan sya sa sinabi ni Marco.

"What do you mean?" taas kilay na tanong ni Sandy. Ngumisi ng malademonyo si Marco.

"Hindi mo ba napapansin na kakaiba yung mga galaw ni Megan habang nakikipagpatayan sa mga zombies doon sa danger zone? Lalo na kapag lumalaban sya ay lumiliwanag yung mga mata nya. Hindi mo ba napapansin yun, Sandy?" napa isip naman si Sandy sa sinabi ni Marco. Mga ilang sandali ay tumango sya dahil pansin nya nga ito. Lalong lalo na yung lumiliwanag nitong mga mata na nakakapag pataas ng balahibo nya.

Nag lagay sila ng mga cctvs sa paligid ng danger zone kaya kitang kita nya yung mga kakaibang galaw ni Megan sa cctv footage. Nagulat pa nga sya ng malaman nyang buhay pa ito. Ang akala nya ay namatay na ito nung sumabog yung helicopter na sinasakyan ni Megan.

Nalaman nalang nyang galing ito sa Japan at may kasamang mga nihonggo.

"Do you mean that she's not normal?" kinakabahan na sabi ni Sandy. Para syang binuhusan ng malamig na tubig nung tumango si Marco. Ngayon alam na nya na ang kalaban nya ay hindi na normal na tao.

"She's now an extraordinary woman now, Sandy. It because of my chemical invention. Plano ko talagang maging malakas sya dahil someday ay gagawin ko syang alagad. Papatayin ko yung mga inosenteng taong naninirahan sa safe zone gamit si Megan" saad ni Marco. Sya kasi ang lagay ng chemical doon sa helicopter na sinakyan ni Megan.

"Pero paano mo sya mahahawakan sa leeg kung sobrang lakas na nya, dad?" naguguluhang tanong ni Sandy.

"You will find out, Sandy. Soon" ngising sabi ni Marco at lumisan na ng office.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon