Zombie 10: Small notebook
Megan's POV
Nagulat ako nung biglang huminto yung sasakyang sinasakayan namin. Napahawak ako sa braso ni Hiro dahil muntik na akong malaglag sa inuupuan kong upuan.
Nung mapatingin sya sa akin ay agad akong bumitaw sa kanya.
"Sorry" sambit ko. Pero tinignan nya lang ako ng malamig at umiwas ng tingin. Nagbuntong hininga ako at yumuko.
"Bakit tayo huminto, Sir Jacob?" tanong nung mga sundalo sa sa lalaking nasa passenger sit.
"Hindi ko alam. Tumingin kayo sa bintana at makikita nyo kung bakit" rinig kong sabi nya. Lahat naman kami ay tumingin sa bintana.
Kumunot yung noo ko dahil ang dami kong nakikitang mga uwak na ibon. Sa kalsada, sa rooftop ng mga stores at sa mga wires ng mga poste. Naka paligid sila na para bang tina-trap yung sasakyan namin.
Naningkit yung mga mata ko habang nakatingin sa uwak na malapit lang sa gawing direksyon ko. Ang kulay itim nyang balahibo ay ganun kasing itim din ng mata nya. Pero parang may naka halong pula sa itim nilang mga mata. Ngayon lang ako naka kita ng ganitong hayop.
"Wag kayong lilikha ng ingay" ani ko habang nakatingin sa mga ibon.
"Bakit? anong meron sa mga ibon, Megan?" rinig kong tanong ni Haruka.
"Sa tingin ko ay ayaw nila sa mga maiingay. Kapag once na makarinig sila ng ingay ay nagiging agresibo yung galaw nila at gagawa ng paraan para mawala yung ingay na naririnig nila" saad ko habang nakatingin pa rin sa mga ibon.
"Ang mga ibon na yan ay kumakain ng mga taong na infect na. Kaya wag nyong hahayaan na matuka o makalmot kayo nyan dahil magiging zombie na rin kayo kapag nangyari sa inyo yun" seryoso kong paliwanag sa kanila.
* * *
Nina's POV
[Patricia, naririnig mo ba ako?] in-on ko yung telepono kong may antenna at nilapit iyon sa bibig ko.
"Nasan na kayo, Jacob? Bakit hindi namin kayo makita?"
[May problema dito kaya wag nyo na kaming hanapin] kumunot yung noo ko at umupo ng maayos.
"May problema ba dyan?" kunot noo kong tanong.
[Oo, may mga ibon na infected dito na kayang mangain ng mga tao.] problemado nyang sabi sa kabilang linya.
"Ano?! kung ganun sa kabilang kalsada na kami dadaan at nung mga iba pang sasakyan. Tumingin kayo sa mapa nyo at may makikita kayong footbridge. Doon namin kayo hihintayin"
[Copy]
In-off ko na yung telepono kong may antenna at tumingin kay Tyler na busy mag maneho.
"Tyler, sa ibang kalsada ka na dumaan. Ihinto mo yung sasakyan sa footbridge at hihintayin natin yung sasakyan ni Jacob" sambit ko.
"Bakit nagbago yung daan? May nangyari ba sa kanila?" takang tanong ni Justin.
"Oo kaya tawagin nyo yung iba pang trucks na hindi pa nakakalapit sa lugar nila Jacob para wala ng mapahamak" utos ko. Tumango naman sila at nag simula ng tawagin yung mga iba pang sundalo na mag mamaneho sa mga sasakyan.
"Diba doon nakasakay sila Megan at Clyde? baka may mangyaring masama sa mga yun" kinakabahana sa sabi ni Patricia.
"Oo nga eh. Sana walang mangyaring masama sa kanila" ani ko.
* * *
Megan's POV
"Sa ibang daan nalang tayo dadaan. Sa footbridge tayo hihintayin ng mga sundalo" saad nung sundalo.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AbenteuerBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?