Zombie 15

6.9K 211 19
                                        


Zombie 15: Colbie ways to flirt

Megan's POV

"Mag ingat kayo sa danger zone, Megan. Baka makagat kayo ng mga freak na zombies sige ka! Mauna na din kami. May aasikasuhin pa kami sa labas" paalam ni Patricia na kasama sila Nina, Yvonne at yung mga lalaki. Pag katapos nilang mag paalam sa akin ay tuluyan na silang lumisan.

Aalis kami ngayon ni kuya papunta sa danger zone. May gusto din kasi akong makita kaya inaya ko syang lumabas. Tanging kami lang ang mag kasamang lalabas dahil ayun din ang gusto kong mangyari. Alam ko naman na kaya naming dalawang lumaban na walang kasama.

"Tatsuya, Hiro alam nyo na ang gagawin. Wag nyong hahayaan na iwan si Clyde na walang kasama. Kayo lang dapat ang mag babantay sa kanya wala ng iba pa" bilin ko habang sinusuklay yung buhok ni Clyde gamit ang daliri ko.

"Megan, iuwi mo ako ng pasalubong huh. Wag mong kalimutan" nakangiting sabi ni Tatsuya. Napa aray sya nung binatukan siya ni Hiro.

"Gusto mo bang bangkay ang ipasalubong nya sayo?" taas kilay na tanong ni Hiro kay Tatsuya.

"He-he-he h-hindi po" ngiwing sabi nya habang naka hawak sa batok nya.

"Megan, mag ingat ka sa labas. Iwan mo nalang yung kuya mo sa dangerzone at ipakain sa mga kamukha nya" bulong ni Haruka na pasimpleng tumingin ng masama kay kuya. Pero agad naman yun napansin ni kuya kaya lumukot yung mukha nya.

"Ano sabi ng babaeng yan sayo? May sinasabi ba sya tungkol sa akin? Sabihin mo ang totoo bunso para---"

"Ano?! Sige, anong gagawin mo sa akin?!" hamon ni Haruka na nakataas kilay kay Kuya. Pero nag bago yung ekspresyon nya nung makita nya yung kakaibang ngising pumaskil sa labi ni Kuya at nakatingin kay Haruka. Parang naging maamong tupa si Haruka marahil ay kinabahan sya kay Kuya ngayon.

"A-ano yung gagawin m-mo?" kinakabahan at nauutal na tanong ni Haruka nung humakbang palapit si Colbie palapit sa kanya. Bago pa mag karoon ng susunod na eksena ay binuhat ko na si Clyde at nag lakad paalis. Sumunod naman sila Hiro at Tatsuya na humahagikhik.

* * *

Haruka's POV

"M-megan, wag nyo akong i-iwan dito!" sigaw ko nung makita kong nag lakad sila palabas. Pero hindi nila ako pinansin. At yung dalawang hinayupak ay pinagtatawanan lang ako at sumunod kay Megan.

Argf!!! iniwan nila ako huhuhu!

"Gusto mo talagang malaman kung ano ang gusto kong gawin sayo?" bumalik ako sa realidad nung mag salita si Mr. Saltik. Napalunok ako nung makita ko kung paano sya makatitig sa akin. Yung bang kinakabisado nya ang bawat parte ng mukha ko.

Napaurong ako nung makita kong mas lalo pa syang lumapit sa akin. Nainis ako dahil na korner na nya ako.

Akma sana akong dadaan sa gilid kaso hinarang nya yung braso nya. Sinandal nya iyon sa pader at ganun din yung isa nyang braso.

"U-umalis ka sa h-harapan ko" kinakabahan kong bulong. Hindi na ako makatingin sa kanya dahil sobrang lapit nya sa akin. As in malapit! Kulang nalang ay maduling na yung mga mata ko sa kakating sa asul nyang mga mata. Para akong na hi-hipnotize sa blue ocean  eyes nya.

Narinig kong ngumisi sya kaya napatingin ako sakanya. Hindi ko maiwasang kabahan nung makita kong nakatingin sya sa aking labi.

"Your lips is captivating me" he said in seducing tone. Gusto kong mag mura ng malakas dahil aminin ko man o hindi ay naakit ako sa mga kilos na ginagawa nya ngayon.

Anong ginagawa mo sa akin, Colbie Bartoleme?

"W-what do you mean?" painosente ko pang tanong. Ngumisi sya at tumingin sa akin.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon