Zombie 9

6.6K 252 44
                                        

A/N:

Sino yung mga nagbabasa ng mga manga anime? Comment kayo.

~ Grayson Jun

***

Zombie 9: What's wrong?

Haruka's POV

"Sa Amerika naman tayo pupunta?" naka kunot na tanong ni Hiro kay Megan.

"Oo, kaya mag ayos na kayo para mapaaga yung dating natin doon" seryosong sabi ni Megan habang binibihisan si Clyde. Tumingin ako kay Hiro at nakita kong nakatingin ito sa malayo at hindi na nagsalita. Pero pansin ko na may kakaiba sa mga mata nya kaso hindi ko lang mawari kung ano yun.

----

"Hi Haruka!~ ako nga pala si Patricia at ito naman si Yvonne ang kapatid ko at ito naman si Nina ang bestfriend namin. Yung nakita mong tatlong lalaki sa kusina ay si Justin, Tyler at si Jai, ang boyfie ko hihihi!" magiliw na sabi ni Patricia. Ngumiti ako sa kanila at yumuko ng kaunti.

"Doktora ka daw sabi ni Megan?" tanong ni Nina. Tumango ako.

"Mga sundalo naman kayo dito diba?" tanong ko naman.

"Absolutely yes" nakangiting sabi naman ni Yvonne.

"Salamat nga pala sayo, Haruka dahil kinupkop nyo si Megan sa tabing dagat. Nang dahil sa inyo ay nakita pa namin sya at nung anak nya" sambit ni Nina.

"Wag kayong mag pasalamat sa akin. Kay Hiro, dahil sya talaga ang kumupkop kay Megan. Sya din ang tumulong kay Megan na makauwi muli dito" paliwanag ko. Narinig kong napa 'owww' sila at napa kamot sa batok nila. Mahina akong natawa dahil ang cute nilang tatlo.

"Ok change topic! ilan taon ka na, Haruka?" nakangiting tanong ni Patricia. Kinagat ko yung lower lip ko dahil sa tanong ni Patricia. Nakakahiya kasi na sabihin na matanda na ako.

"31" nahihiya kong pag sagot. Napa lunok ako nung nag ka tinginan sila at muling tumingin sa akin.

"Single ka ba?" tanong naman ni Nina. Nanlaki yung mga mata ko kasama na doon ang pamumula ng pisngi ko. Grabe naman  yung mga tanong nito.

"O-oo. B-bakit nyo naman natanong?" takang sambit ko sa kanila.

Ngumisi si Patricia at lumapit sa tenga ni Yvonne.

"Bagay sila ni ****" rinig kong sabi pero hindi ka na naintindihan yung huli nyang sinabi.

"Sinong bagay?" curious kong tanong. Ngumiti sya ng matamis at umiling ng paulit ulit.

"Ieee! wala! wala! dont mind me hihihi!" kinikilig nyang sabi. Habang sila Nina at Yvonne naman ay tumatawa ng mahina. Napangiti nalang ako at napailing. Ang ku-kyut talaga ng mga kaibigan ni Megan.

* * *

Megan's POV

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan naming eroplano ay pinagtitinginan kami o ako ng mga sundalo. Nag bubulungan sila pero kapag nakita nila na nakatingin ako sa kanila ay sumasaludo sila sa akin at mag aakto na para bang wala silang ginagawa.

Tumingin ako kay Hiro na buhat buhat si Clyde. Pansin ko na kanina pa sya tahimik nung malaman nya na pupunta kami sa Amerika.

May problema ba sya? Kung may problema ay bakit ayaw nyang sabihin sa akin?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay ngayon ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng eroplano. Bubuhatin ko na sana yung mga bagahe ng inunahan ako ni Hiro.

"Ako ng bahala dito" sabi nya na hindi nakatingin sa akin.

"Nasan na si Cly--"

"Nauna na kasama si Tatsuya" malamig nyang sabi at pumasok na sa loob ng eroplano. Nakatayo pa rin ako at nakatingin sa pintuan ng eroplano kung saan pumasok si Hiro.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon