Zombie 20: Secrets
Haruka's POV
"Nandito ka lang pala Ritá. Alam mo bang hinahanap ka ng kuya Jacob mo? Nag aalala sya sayo" sabi ko kay Ritá nung makita ko syang nag lalarong mag isa sa playground. Hindi sya nag sasalita at nag tatakang nakatingin sa akin na para bang isa akong alien sa paningin nya.
Napakamot ako sa ulo ko nung malala kong hindi nga pala sya nakaka intindi ng Tagalog o English man lang.
"Paano ko ba ito makakausap ng maayos?" tanong ko sa sarili. Kumunot yung noo ko nung mapansin kong hindi nya yata kasama yung manika nya. Mahalaga sa kanya yung manika dahil bigay daw iyon ng parents nya. Ayun kasi ang kwento sa akin ni Jacob.
Kanina lang nung mag kalaro sila ni Clyde ay kasama nya pa yung manika. Pero ngayon ay hindi na? Nako, baka nasa bahay lang yun.
"Sige mag laro ka na. Go!" nakangiti kong sabi at sinenyasan syang bumalik sa pag lalaro. Tumango syang nakangiti at nag simulang mag laro na.
Hinanap ko si Clyde at nakita kong nag lalaro sya sa damuhan kasama ang Teddy bear nya. Umupo ako sa swing at dinuyan ko ang sarili ko sa swing gamit ang dalawang paa ko.
Sobrang nakaka relax ang paligid. Ang tahimik at ang hangin pa. Parang walang problema ang mundo. Sana nga ay matapos na ang problema para wala ng aalalahanin pa.
Nag mumuni lang ako nung biglang may nag takip sa dalawang mata ko.
"Hulaan mo kung sino!~" boses nya palang kilala ko na. Nag buntong hininga ako at sumagot.
"Tatsuya" malumanay kong sabi. Tinanggal nya yung pag takip sa mga mata ko at nakita ko yung mukha nyang nakabusangot.
"Kainis naman! Alam mo ka agad kung sino?" naka nguso nyang sabi.
"Boses mongoloid mo palang alam ko na" sabi ko at inirapan sya. Isip bata talaga kahit kailan. Kaya walang nag kakagusto sa lalaking ito eh. May diperensya sa utak. Tulad na lang nung kapatid ni Megan. Yung may saltik. Tss.
"Grabe naman. Kung maka mongoloid wagas" inis niyang sabi.
"Hay ewan ko sayo. Kausapin mo na nga lang ang hangin wag ako" inis kong sabi at dinuyan ko nalang yung inuupuan kong swing.
Tumingin ako kay Clyde at napangiti ako nung makita kong kalaro na nya si Ritá. Naka ngiti pa si Ritá habang may hawak na butterfly habang si Clyde naman ay naka busangot at yakap yakap yung teddy bear nya. Mukhang si Ritá lang ang natutuwa sa butterfly at hindi si Clyde.
Ni minsan kasi walang nagustuhan o natuwa si Clyde. Wala kang makikitang emotions sa mukha at lalong lalo na sa mga mata nya. Kaya nga maraming natatakot sa kanya. Maski matanda ay natatakot din sa kanya. Pero mukhang walang paki naman si Clyde kung walang lumalapit o nakikipagkaibigan sa kanya. May sarili syang mundo. Syempre kasama yung mahiwagang teddy bear nya.
"Kamusta naman kayo ni Hiro?" tanong ko. Nawala yung jolly face nya at naging seryoso sya this time.
"Ok naman. Mukhang nag kausap naman sila ni Megan ng masinsinan" aniya. Tumango-tango lang ako habang dinadamdam ang hangin.
"Eh ikaw? Kamusta naman kayo ng...ano nga ba ulit pangalan nun? Jacob? kayo na ba ng lalaking yun?" nanlaki yung mga mata ko at gulat na tumingin sa kanya.
"H-hindi! B-bakit naman magiging kami ni Jacob?" nauutal kong sabi at ramdam ko pa yung init sa mag kabilang pisngi ko. Narinig kong tumawa sya kaya masama ko syang tiningnan.
"Hindi kayo pero in-love ka sa lalakeng yun?" sabi nya na may ngising naka paskil sa labi nya. Kesa tumugon ako sa sinabi nya ay pumulot ako sa damuhan na maliit na bato at pinangbato sakanya. Natatawa naman syang umilag sa bato.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
