Zombie 23

5.2K 180 4
                                    


Zombie 23: Battle between You and Me

Megan's POV

"Hindi ko akalain na dito lang sila makikita" bulong ni kuya na nasa tabi ko lang. Nag lalakad kami sa malawak na laboratory ni Marco. Nag disguise kami ng scientist habang Yung mga sundalo naman ay nag panggap bilang mga armadong alalay ni Marco. Si Hiro naman ay humiwalay sa amin dahil para mang-inspection sa ibang floor.

Nakapasok kami ng patago dito ay sa ilalim ng lupa kami dumaan at umaktong parang mga kasapi nila. Hindi naman kami nahihirapang mag libot o maligaw man lang dahil bago pa kami pumasok ay pinag-aralan na muna namin yung blue print ng buong teritoryo ni Marco. Syempre yung blue print ay galing sa notebook. Lahat na yata ng katanungan ko ay nasa loob na yata ng kasagutan  ng notebook.

Gusto ko ngang malaman kung sino ang gumawa ng notebook at bakit ang daming alam nun tungkol sa buhay ni Marco.

Hindi naman kami nakikilala ng mga scientist dahil naka face mask kami. Naka suot kami ng laboratory gown at naka white plastic gloves pa.

Kumaliwa kami ng daan at sabay pang binuksan ang double door. Kanina ay malawak na laboratory, ngayon naman ay mahabang hallway na kulay puti. May naka hilerang mga kwarto at yung pader nun ay gawa lang sa salamin kaya kitang kita mo ang loob.

Nag simula na kaming mag lakad at libutin ang paningin sa paligid. Busy lahat ng mga scientist sa kanya kanyang rooms nila. Kung ano-anong chemical ang pinaghahalo nila. Yung iba naman ay naka tutok sa mga malalaking machines.

Nililibot ko lang yung paningin ko sa paligid nung mapadako yung tingin ko sa isang direksyon.

Si Eren....kasama si Sandy Valdamore.

Seryoso ang mukha ni Eren habang si Sandy naman ay naka kapit sa braso nya. Pero ang sakit lang dahil kahit ang seryoso ng mukha ni Eren ay nakikita ko sa kanya ang kislap sa mata habang kausap si Sandy...ang ASAWA nya.

Shit. I envy that bitch. Ako dapat ang nasa posisyon niya at hindi sya. Kung nakuha ko lang kaagad si Eren mula sakanya ay baka hindi ako ganito kalungkot.

I hate to see them happy while me is still suffering her life just to save all people! Nilalagay ko sa panganib ang buhay ko habang sila naman ay nagkakatuwaan?! Hell, Eren! Alam kong inosente ka  but fvck! Hindi ko mapigilang magalit sayo kahit hindi mo naman kasalanan ang lahat.

Naputol ako sa pag iisip nung hinawakan ni kuya yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero sya naman ay nakatingin sa dingding kaya tumingin din ako doon. Kumunot yung noo ko nung mag patay sindi ang mga ilaw.

"Anong nangyari?" takang tanong ni kuya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko din naman alam. Muli kong binalik ang tingin ko kela Eren at nakita kong nasa malayo na silang nag lalakad. Hahabulin ko na sana sila nung biglang mag salita si Hiro sa walkie talkie.

[Megan, Colbie. Naririnig nyo ba ako? Kung naririnig nyo ako ay kailangang nyong makita kung ano ang nakikita ko ngayon! Nasaan na ba kayo?!] hysterical na sambit ni Hiro. Nag katingan kami ni kuya sa sinabi ni Hiro.

"Bakit? Nasan ka ba ngayon?" tanong ni kuya na naka kunot.

[Basta puntahan nyo nalang ako sa fourth floor. Ang pangalan ng laboratory ay C.L Lab] pag kasabi nya palang nun ay hindi na sya nag salita pa. Nag tanong pa kami ni kuya pero hindi na sya sumasagot pabalik. Mukhang kailangan nga naming makita yung tinutukoy ni Hiro. Pero mas mahalaga ang pupuntahan ko ngayon. Walang iba kundi si Eren lang.

"Kuya, ikaw nalang ang pumunta doon. May hahanapin lang ako" aniya ko na hindi napuputol ang tingin kela Eren at Sandy.

"Huh? Hindi ka ba sasama sa akin papunta kay Hiro?" nag tatakang tanong nya. Sasagot na sana ako nung bigla kong makita ang taong nag pasimula ng gulo sa buhay ko at sa buhay ng mga tao. Si Marco.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon