Zombie 39

5.2K 188 5
                                        

Zombie 39: Visitors

Haruka's POV

Napatigil lang sila sa pag uusap nung pekeng tumikhim si Megan kaya napatingin kami sakanya.

"May mga bisita tayo ngayon at alam kung masu-sorpresa kayong lahat" makahulugang sambit ni Megan na naka ngisi habang si Eren naman na katabi nya ay walang emosyon kaming tinitignan.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nung bumukas ito at niluwa ng isang babae at isang lalaki. Nagulat ako nung napa mura sila at napatayo pa sa gulat.

"Ken! Cathy?!" sabay pa nilang sabi habang hindi maka paniwalang tinitingnan yung dalawang pumasok.

(Si Cathy at Ken ang nag nakaw ng groceries at mga armas nila. Kung hindi maalala, Hunters pakibasa nalang ulit ang zombie 26, Part 1 ng book)

Napasinghap ako sa gulat nung mag labas sila ng mga baril at tinutukan yung Cathy at Ken.

"Woah! Woah! Chillax lang, guys!" gulat na sabi ni Tatsuya na naka taas pa yung dalawang kamay na para bang sumusuko sa pulis.

"Hey, calm down ok? Hindi sila mga kalaban" mahinahon na sabi ni Megan at sinenyasan silang maupo. Pero hindi pa rin sila umuupo at matalim na tinitingnan yung dalawa.

"Buhay pa pala kayo? Ang kapal naman ng mga mukha nyong humarap sa amin after what you did to Megan!" tiim bagang na sabi ni Nina. Teka sino ba talaga yung Cathy at Ken na ito? Ano bang nagawa nila kay Megan at ganito kagalit ang mga binibigay nilang mga tingin?

"Baka nandito sila dahil naubusan na sila ng armas at mga pagkain? Poor them" ngising sabi ni Yvonne pero yung mga mata nya ay nag aalab sa apoy ng dahil sa galit.

Nakita ko naman ang pag guhit ng sakit sa mga mata ng dalawa ng dahil siguro sa sinabi nila Yvonne. Parang gusto nilang mag salita pero mas pinili nalang nilang wag tumugon at yumuko nalang.

"Ano bang ginagawa ng mga yan dito, Megan?! Baka mga traydor yan!" mariing sabi ni Justin na nanlilisik ang mga mata. Habang yung katabi nyang sila Jai at Tyler ay matalim ang mga tingin kay Cathy at Ken. Kami naman nila Hiro at Tatsuya ay palipat-lipat ang tingin sa kanila. Tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Sit down everyone!" muntik na akong mapa talon sa gulat dahil sa pag sigaw ni Colbie kasabay na doon ang pag hampas nya sa lamesa. Lahat natigilan at nagulat sa ginawa ni Colbie.

"Hindi sila mga kalaban kaya pumirmi kayo sa mga upuan ninyo" seryoso at maawtoridad na sabi nya. Para namang naging robot sila na kusang umupo at parang mga tutang naka simangot. Pero pasimple pa silang sinusulyapan ng masamang tingin yung dalawa.

Grabe namang lalaking to. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang totoong ugali. Minsan mabait minsan hindi. Magugulat ka nalang kapag sinusungitan ka. Sabagay ayun naman ang first expression na pinakita nya sa akin.

Nagulat ako nung nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Napa ismid pa ako nung tinaasan nya ako ng kilay at tinarayan. Aba't!

"Matagal na silang naninilbihan kay Marco. Napilitan lang silang gawin yun sa akin dahil may mga rason sila"

FLASHBACK

Naka higa ng patagilid si Megan habang naka titig sa maamong mukha ni Eren na mahimbing na natutulog.

Ngumiti si Megan kasabay na doon ang pag labas ng luha sa mata nya. Sa wakas ay maka-aalala na si Eren. Maalala na sya ng taong mahal nya.

Naka ngiti sya pumikit at dinamdam ang mabilis nyang pag tibok ng puso. Masakit sa pakiramdam pero tinitiis nya lang ang sakit.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon