Zombie 32

4.5K 147 10
                                    

Zombie 33: Protector

Haruka's POV

Naalimpungatan ako nung makarinig ako ng putok galing sa baril. Pag dilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang makulimlim na kalangitan. Mukhang uulan ng malakas dahil sa sobrang dilim ng ulap.

*BANG*

*BANG*

Napabalikwas ako ng bangon nung makarinig na naman ako ng putok. Hindi ko alam na nakahiga pala ako sa malaking kama. Pero ang mas ikinagugulat ko ay yung dating bahay na nasa paligid ko ay sira na rin. Halos sira na lahat ng pader ng bahay kaya nakikita ko ang labas.

Nakita ko yung mga sundalo ng safe zone ay nakikipaglaban sa mga armadong lalaki. Baril doon baril dito. Patay doon patay dito. Kahit saan ka tumingin ay ganun lang din ang makikita mo.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nung makita ko sila Megan at Colbie. Sa kabilang dako naman ay nakita ko naman sila Hiro at Tatsuya na nakikipag barilan din.

Nanlaki yung mga mata ni Tatsuya nung makita nya ako. Bago sya lumapit sa akin ay malakas nyang hinampas sa mukha yung lalaki gamit ang hawak nyang baril. Agad naman itong lumapit sa akin nung nahimatay na yung lalaki.

Palapit na sana sya sa akin nung mapaatras ako sa takot. Naaalala ko kasi yung pinaguusapan nila Jacob kaya kinakabahan ako. Kumunot yung noo nya dahil sa ginawa ko.

"Haruka ok kalang?" kunot noo nyang tanong. Mag sasalita na sana ako nung bigla kong maalala si Clyde. Kinakabahan akong lumapit sakanya.

"N-nasan si Clyde? Nasan sya?" nauutal kong tanong. Kinabahan ako nung nakita kong biglang lumungkot yung mukha nya. Hindi sya kumibo at umiwas ng tingin. Inis kong hinarap yung mukha nya sa akin.

"Tinatanong kita, Tatsuya. Nasan si Clyde?" tiim bagang kong tanong. Nag buntong hininga sya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Nasa main base kasama sila Yvonne. Dinala si Clyde doon dahil nag aagawan buhay" napaawang yung bibig ko. Pakiramdam ko ay para akong binagsakan ng langit at lupa ng dahil sa mga narinig ko galing kay Tatsuya.

Dinala si Clyde doon dahil nag aagaw buhay.

Hindi na ako kumibo at tumakbo ng mabilis. Narinig ko lang tinawag ako nila Hiro pero hindi ko sila pinansin at nag patuloy sa pag takbo pa puntang main base.

Habang tumatakbo ako ay pumulot ako ng baril na naka kalat sa kalsada. Napatingin pa ako kela Megan at Colbie na seryosong makikipag laban. Napatingin din sila sa akin pero yung binibigay nilang tingin ay kakaiba. Parang may kakaiba sa mga mata nilang nakatingin sa akin.

Hindi ko na iyon pinansin at tumakbo hanggang sa makalayo na sa kanila. Habang tumatakbo ako ay may biglang humarang na dalawang armado sa harapan ko. Bago pa nila ako mabaril ay mabilis kong hinampas sa ulo yung isa gamit ang baril habang yung isa naman ay binaril ko sa dibdib. Kinasal ko yung hawak kong baril at pinagbabaril yung armadong papasugod sa akin.

Habang bumabaril ako ay biglang sumabog yung store na malapit lang sa gawing direksyon ko. Nabitawan ko yung hawak kong baril at napahiga sa sementadong lupa.

Wala akong makita dahil napapalibutan ako ng makapal na usok. Naka dapa ako habang inililibot yung kamay ko sa lupa para mahanap yung baril. Pero may kung sinong tumapak sa kamay ko kaya napa sigaw ako sa sakit. Itiningala ko yung paningin ko at nakita ko yung lalaking nanuntok sa akin sa sikmura. Nakangisi ito ng mala demonyo habang nakatingin sa akin.

"Nabuhay ka pa pala?" nakangising sabi nya. Napa lunok ako nung tinutukan nya ako ng baril sa noo.

"Good bye, bitch" akmang kakalibitin na nya yung gatilyo nung biglang sumulpot si Jacob sa makapal na usok.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon