Zombie 31: Traitors?
Haruka's POV
"Wala sya ngayon. Nasa danger zone sya ngayon kasama si Sir. Colbie at scientist Arnold" sabi nung sundalong nag babantay sa entrance ng laboratory. Pagpasok na dapat ako sa loob para hanapin si Megan pero hinarang ako ng sundalong ito at sinabing wala si Megan.
Gusto ko lang naman na sabihin kay Megan na kailangan na sya ni Clyde. Nag kukulong sa kwarto at hindi kumakain si Clyde. Simula nung makita namin sya galing sa danger zone ay nag kulong na ito sa kwarto nya.
Yung dalawang tukmol naman ay umalis at hindi ko alam kung saan nag punta. Pati din si Tatsuta nay naging lakwatsero na din tulad ni Hiro. Nako lagot talaga sa akin kapag nakita ko yung dalawang yun.
Nakita ko pa nga sila kanina sa tapat ng bahay. May kausap na mga sundalo na hindi ko naman kilala. Parang may pinaguusapan sila na hindi dapat malaman ng kahit sino.
Tumango nalang ako sa sundalo at nag lakad palayo. Habang nag lalakad ako ay tumatakbo sa isipan ko yung mga nangyayari ng nagdaang araw.
Simula nung dumating si Megan ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Sila Yvonne, Patricia, Nina at yung tatlong lalaki ay palagi nalang busy. Ang huling pag uusap namin ay yung dumating na si Megan. Palagi ko nalang silang nakikita sa main base nila. Palaging nag eensayo tungkol sa pag laban. Minsan naman ay palagi silang nag roronda sa kapaligiran kapag dumadating na ang hating gabi na para bang may dadating na kalaban.
Habang sila Hiro at Tatsuya naman ay palaging wala sa bahay. Palaging may kausap. Kapag nakikita ko silang may kausap na hindi ko kilala ay lalayo sila sa akin o hindi kaya ay aalis.
Ang wi-weird na ng mga tao ngayon. Isama mo pa doon yung mga taong nasa paligid ko ngayon. Yes. kakaiba din yung mga taong nasa paligid ko ngayon. Feeling ko din ay may naka masid sa akin. Na para bang binabantayan yung bawat galaw ko. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid pero wala naman akong makitang may nakatingin sa akin. Nasa bayan ako at ang daming taong nasa paligid ko ngayon.
"Jacob?" bulong ko nung makita ko si Jacob na may kausap na tatlong sundalo.
"Jacob!" tawag ko. Pero hindi nya ako narinig dahil nakatuon pa rin ang pansin nya sa dalawang sundalo. Gusto ko syang makausap tungkol kay Megan. Baka may alam sya kung bakit umalis na naman ng safe zone si Megan.
Nag lakad ako papalapit kay Jacob. Nag lakad na din ito palayo kaya mas binilisan ko pa yung pag lakad ko. Nag taka ako nung nakita kong dumaan sila sa makitid at masikip na daan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Pero agad ko yun inalis at sinundan sila.
Nang pag pasok ko sa masikip na daanan ay nakita ko sila sa di-kalayuan. Seryoso itong naguusap. Mabilis akong nag tago sa malaking basurahan.
"Nakuha nyo na ba lahat?" rinig kong boses ni Jacob.
"Yes sir. Nasunod na po namin yung mga utos niya"
"Good. Kailangan nating ipakita sakanya kung paano natin patayin yung mga tao dito" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Jacob. Nanginginig akong tinakpan yung bibig ko.
P-patayin? Anong ibig sabihin ng sinabi ni Jacob na patayin? Papatay sya? At kami ba ang tinutukoy nya?
"Kailan po ba mangyayari ang pag paslang sa mga tao dito?"
"Ngayon na...kaya bilisan nyo yung kilos nyo bago pa tayo mahuli ni..." napasinghap ako nung hindi ko sinasadyang matapakan ang can bottle. Sa ginawa kong pag tapak doon ay naka likha ako ng ingay. Kinakabahan akong napalunok nung makarinig ako ng pag kasa ng baril.
"May tao ba dyan?!" sigaw ng hindi pamilyar na boses. Siguro iisa iyon sa mga sundalong kasama ni Jacob. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Basta ang tumatakbo nalang sa isip ko ay kailangan kong makatakas at makalayo sakanila.
Mga kalaban sila! Mga mamatay tao!
"Lumabas ka na kung ayaw mong mamatay!" mariing sigaw ni Jacob. Nakahawak ako sa bibig ko habang may namumuong luha sa sulok ng dalawang mata ko. Hindi ko akalain na masama pala si Jacob. Isa syang traydor!
Bago pa nila ako makita ay mabilis akong tumakbo papaalis ng eskinita.
"Fvck! Habulin nyo!" rinig kong sigaw ni Jacob. Mas lalo kong binilisan yung pag takbo dahil nakita ko silang hinahabol nga ako. Pero bigla akong napatigil nung makita ko sila Hiro at Tatsuya. Napangiti ako ng maluwag. Kailangan kong masabi sakanila ang tungkol sa narinig ko. Tulad ng dati kong nakikita ay may kausap na naman itong mga sundalo.
Malapit na dapat ako sa kanila nung makita ko sila Jacob at yung dalawang sundalo na tumakbo. Palinga-linga pa sila sa paligid na mukhang hinahanap ako. Malapit na sila sa gawing direksyon ko kaya agad akong nag tago sa likod ng kotse.
Hinihingal silang huminto sa harapan nila Hiro. Napatigil sa pag uusap sila Hiro at ng mga kasama nya at nag tatakang tumingin kela Jacob.
"Uhhh...bakit ganyan yung mga itsura nyo?" nag tatakang tanong ni Tatsuya sa kanilang tatlo.
"Tangna! May problema tayo ngayon!" asar na sabi ni Jacob. Kumunot yung mga noo nila na para bang naguguluhan sa sinabi ni Jacob. Maski naman ako ay naguguluhan. Yes alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya walang iba kundi ako. Ang pinagtataka ko lang ay yung bakit nya sasabihin yung tungkol doon kay Hiro at Tatsuya?
Nanlaki yung mga mata ko dahil may nag pop-out sa utak ko. Don't tell me na kasabwat sila Hiro at Tatsuya kela Jacob? No! Thats imposible! Imposibleng maging katulad nila si Jacob! Pero anong ibig sabihin ng mga nakikita at naririnig ko ngayon?
Nagulat ako nung mag labas sila ng malalaking baril. Yes, they holding a freaking gun! Oo gumagamit sila Hiro ng mga baril para lang maka survive but this thing situation is weird. Ayokong mag isip ng masama tungkol kela Hiro pero hindi ko mapigilan na pag isipan sila ng masama!
"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Tatsuya. Ngayon ko lang nakitang ganoon ka seryoso si Tatsuya kaya nakaramdam ako ng kaba.
"May nakarinig sa amin tungkol sa----"
"Ano? Bakit hindi kayo nag iingat! May nakarinig na tuloy" mariin na sabi ni Hiro na para bang alam na ang susunod na sasabihin ni Jacob. Nag buntong hininga si Jacob at dahan-dahang tumango bilang pag sagot.
Tumitingin pa sila sa paligid para makita kung may tao ba dahil baka may makarinig sa mga pinaguusapan.
"Hindi dapat tayo nag uusap dito. Baka may makarinig sa atin. Kailangan nating masabihan yung iba para mag ingat bago pa dumating sila Megan at Colbie" seryosong sambit ni Jacob. Tumango tango sila at nag lakad paalis.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventuraBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
