Zombie 22: Haruka's LifeHaruka's POV
Hating gabi na at nasa loob na ako ng kwarto ko. Nag babasa ng makapal na libro at nag susulat ng notes sa notebook ko. Pinag-aaralan ko kasi kung paano gumawa ng vaccine ni Megan. Medyo mahirap-hirap alamin kung paano magawa pero kaya pa naman ng powers ko.
Kahit doctor ang tinapos ko ay kaya ko namang intindihin ang mga ginagawa ng mga scientists.
Ilang oras ng nakalipas ay nakaramdam na ako ng antok. Medyo hindi pa ako nakaka kuha ng clue kung paano gumawa ng vaccine. Tanging mga theories palang na naka sukat sa notebook ko.
Humikab ako at nag inat. Bukas ko nalang aalamin kung ano ang formula ng vaccine. Naku-curious kasi ako vaccine na yun kaya gusto kong malaman kung paano gawin yun kahit ang hirap.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Sobrang tahimik ng paligid ng pagkalabas ko ng kwarto. Siguro tulog na ang lahat.
Panay ang hikab ko habang bumababa ng hagdan. Kinakamot ko pa yung tyan ko. Hihikab na sana ulit ako nung makita ko si Mr. Saltik. Naka nganga pa ako kaya agad kong sinara yung bibig ko at tumayo ng tuwid.
Naka upo sya sa high stool at may hawak na kopita. Nakatingin sya sa malayo at mukhang ang lalim ng iniisip nya. For the first time ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Mr. Saltik.
Pero teka, nasaan si Megan? Diba kasama syang pumunta sa danger zone? Kanina pa ba sila naka uwi? Bakit hindi ko napansin yata ang pag dating nila.
"What are you doing there?"
"AY PALAKANG MAY SALTIK!" gulat kong sabi nung mag salita sya. Naka kunot syang nakatingin sa akin na para bang naka kita sya ng maligno.
"I said what are you doing here?" inis nyang tanong. Tsk. Bakit ba ang sungit sungit nya sa akin? Kailan kaya sya magiging mabait sa akin?
"Para salpukin ka sa mukha---este para uminom ng tubig. Nauuhaw kasi ako he-he-he" nauutal kong sabi at ngumiti pa. Tumaas yung kanang kilay nya na para bang may nasabi akong hindi ka nais-nais. Wala naman syang sinabi at tumingin nalang sa hawak nyang kopita.
"Bilisan mong uminom. Ayokong makita ang pag mumukha mo dito" malamig nyang sabi nya sabay lagok sa iniinom nyang alak. What the? Eh ako ba tinanong nya kung gusto ko din ba syng makita? Argf!!! Gusto ko sana syang sugurin pero wag na lang. Mag sasayang pa ako ng lakas sa lalaking may saltik.
Hindi nalang ako nag salita at lumapit sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom ako ay hindi ko maiwasang nakawan ng tingin si Mr. Saltik.
Base palang sa reaksyon nya ngayon ay mukhang may dinadala syang mabigat na problema kaya kahit labag sa kalooban ko ay lakas loob akong tumabi sa kanya.
"May problema ba?" tanong ko. Kahit naman na ang sungit nya sa akin at maldita ako sakanya ay may kabaitan naman ako noh. Kahit naka side ang nakikita ko sa mukha nya ay nakita kong ngumisi sya.
"Why do you care? We're not even close" ngising sabi nya. Gusto ko mang suntukan ang panga nya ay pinilit ko pa ring maging anghel. Inhale...exhale....Mag pakabait ka Haruka. Kapag sumbora na ipakain mo sakanya ng buo yung kopitang hawak nya ngayon.
Pansin ko lang kasi ay sa akin lang sya masungit at hindi sa iba. May nagawa ba akong masama bukod sa inamin kong pangit sya at may saltik?
Nag buntong hininga ako at tumingin sa ibang direksyon. Kung ayaw nyang mag salita at susungitan lang ako ay ako nalang ang mag kukwento. Minsan lang akong mag kwento tungkol sa buhay ko kaya pinagpala ang hinayupak nato.
"Naalala ko pa nung bata pa ako ay may mayaman akong pamilya. Sobrang yaman nga pero hindi masaya tulad ng ibang pamilya" panimula ko. Hindi naman sya nag sasalita at nakatingin lang sa ibang direksyon. Kahit wala syang interes sa kwento ko ay nag patuloy pa rin ako.
"Nasa loob ako ng kwarto ko at rinig na rinig ko yung bangayan ng magulang ko. Wala akong makausap at masandalan ng oras na yun dahil only child lang naman ako. Atsaka wala namang pake yung mga taong nasa paligid ko. Kesa mag mukmok ako ay nilunod ko nalang yung sarili ko sa pag aaral. Sa ginawa kong yun ay naging top natcher ako sa school. Sobrang saya at proud ako sa sarili ko dahil baka sa ginawa ko ay mapansin naman ako ng magulang ko. Pero bigla nalamang nawala yung saya ko nun dahil hindi naman sila natuwa nung naging honorable student ako sa school. Take note: tinapon pa nila sa basurahan yung mga awards at medals na natanggap ko sa school" habang nag kukuwento ako ay nararamdaman kong nag sisilabasan na yung mga luha sa mata ko. Pinipilit ko naman na pigilang wag umiyak pero sadyang traydor yung mga luha ko. Kusa na lamang silang lumalabas.
"Nag take ng divorce ang magulang ko. Ni isa sa kanilang pamilya ay walang kumupkop sa akin at iniwan sa kung saan. May magulang ba na gagawin sa anak nila na iwan sa gitna ng kalsada na napapalibutan ng malalaking puno?" tanong ko na may kasamang hinanakit.
Nag taka ako nung isinama nila ako paalis ng bahay. First time ko lang kasing makasama sila sa byahe. Syempre sobrang saya ko nun that time dahil ang akala ko ay magiging masaya na kaming pamilya. Pero nag kakamali lang pala ako.
Nagtataka ako no'ng huminto kami sa gitna ng kalsada na maraming puno sa paligid. Mas lalo akong nag taka nung pinababa ako ni papa. Sinigawan nya pa ako kaya agad akong bumaba kasama ang Barbie doll ko.
Nagulat nalang ako nung mabilis na pinaharurot ni papa ang sasakyan. Ginawa kong habulin sila pero nabigo lang ako. Umiiyak akong napa upo sa lupa habang tanaw yung sasakyan nila mama at papa na palayo sa akin.
"Sa batang edad ko ay para na akong nasiraan ng ulo. Wala sa sarili. Palakad-lakad sa kung saan. Kung saan ako kumukuha ng pag kain basta't mag karoon lang ng laman ang sikmura ko. Akala ko habang buhay na akong mag isa. Mamatay na mag isa. Pero nag bago na ang ang tanang ng buhay ko nung may kumupkop sa aking matandang babae. Wala syang pamilya. Parang ako lang pero ang naiiba lang sa estado ng buhay namin ay iniwan ako samantalang sya naman ay ulila sa magulang at hindi nag karon ng asawa o kasintahan man lang. Laking pasasalamat ko dahil tinuring nya akong isang anak. Inalagaan at pinakain ng masasarap na pagkain kahit hindi naman sya ganung kayamanan. Kahit mahirap lang sya ay pinag aral nya ako sa magandang eskwelahan sa Japan. Ginawa ko ang lahat para hindi sya mag sisi na kupkupin ako. Naging mahalaga sya sa akin at naging ganun ako sa kanya" maalala ko pa lang ang mga ganu'ng alala ay napapangiti at napapaluha nalang ako. Miss na miss ko na ang pagiging mabuting ina nya sa akin.
"Hanggang sa maabot ko na yung pangarap ko. Naging sikat akong doktor sa Japan. Sobrang proud ko sa sarili dahil nakamit ko na yung pangarap ko kasama ang tinuring kong ina. Pero parang panandaliang lang ang saya na meron ako nun. Makalipas ng ilang buwan ay binawian sya ng buhay dahil sa malalang sakit. Hindi ko man lang sya napagaling man lang. Ginawa ko naman ang lahat para lang gumaling sya. Pero sya na ang sumuko sa sakit nya. Hanggang sa dumating na ang delubyo. Ako nalang ang mag isa non kaya akala ko ayun na din ang katapusan ko. Pero laking gulat ko nalang nung may dalawang lalaking pasyente sa hospital ko ang tumulong sa akin. And that is Hiro and Tatsuya. Dinala nila ako sa patagong bayan na malapit sa dagat. Naging malapit kami hanggang sa ituring na namin sa isa't-isa ang pagiging mag kapatid" ngumiti ako kasabay na non ang paglabas ng luha sa mata ko.
"Mas lalo akong naging masaya nung makilala ko naman si Megan. Nakakatakot sya sa una pero sobrang bait din nya pala. Mas lalo syang bumait nung maisilang nya si Denzel Clyde. Gosh! I love them so much kaya hindi ko makakayanan ang sarili ko kapag nawala pa sila sa buhay ko. I can risk my life para lang mailigtas sila. I love them so much" sabi ko at humagulgol ng malakas. Ini-imagine ko palang na wala na sila ay para na rin akong namatay. Tanging sila lang ang sandalan ay kasiyahan ko.
Habang umiiyak ako ay naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Sumisinghot pa akong tumingin sa kanya. Parang tumigil yung oras nung mag katitingan kami. Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Napaawang ng kaunti yung bibig ko nung maramdaman ko yung mainit nyang labi na dumampi sa noo ko. Feeling ko lalabas na yung puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Please, don't cry. It's unusual feeling to me but i hate to see crying like a baby. So please don't cry" he sincerely whispered. Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa pag bulong nya. Hindi na ako nakapag salita at tahimik na yumakap sakanya. Gumanti din naman sya ng yakap sa akin kaya mas lalong tumambol ang bwisit kong puso
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventuraBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?