Zombie 13

6.5K 250 9
                                        


Zombie 13: Is this a dream?

Kinabukasan

"Ok ka lang ba, anak?" sambit ni Bartolome sa kanyang anak. Napansin nya kasi ang pagiging tahimik ni Colbie kasama na doon ang hindi nya pag-galaw na pagkain na nasa harapan nya.

Bumalik sa ulirat si Colbie at tumingin sa kanyang ama.

"W-what did you say, dad?" ani nya.

"Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon anak. You look pale. May problema ka ba?" tanong ni Bartolome. Nag buntong hininga si Colbie at tumingin sa pagkain nyang hindi pa nababawasan.

"Last night, napaginipan ko si Megan. Bumalik na sya" mahinang sabi nya. Pero sapat na iyon para marinig ng kanyang ama.  Nag buntong hininga si Bartolome at seryosong tiningnan si Colbie.

"Hindi mo na ba naiinom yung gamot mo, Colbie?" seryosong tanong ni Bartolome. Kumuyom yung kamao ni Colbie dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Dad, i don't want that medicine! I'm not crazy for petes sake!" galit na sabi ni Colbie. Sobrang nagagalit si Colbie kapag pinapainom sya ng gamot ng kanyang ama tungkol sa kaisipan ng tao. Kumbaga mental illness.

Sobra kasing na-depress sa sarili si Colbie ng dahil sa pag kamatay ng kanyang kapatid na si Megan. Kaya kung anong marahas na gawain ang nagagawa nya sa kanyang sarili. Papatayin na dapat nya ang kanyang sarili gamit ang hand gun nya pero agad syang napigilan ng ama nya.

Sa lugar ng safe zone ay may magaling na doctor na nag tumulong na maka balik sa dati si Colbie. 

Makalipas ng limang buwan ng pagpapagaling ni Colbie ay bumalik na sya sa dati. Pero ang nararamdaman ng kanyang puso ay hindi pa rin nagbabago. Nasasaktan pa rin sya sa pagkamatay ni Megan.

Sariwa pa rin sa isipan nya kung paano sumabog ang helicopter na sinasakyan ni Megan.

"Mas magandang mag pahinga ka na muna anak. Ako nang bahalang humarap sa mga Pilipino soldiers" saad ng kanyang ama.

"No dad, kaya ko nga binilisan ang trabaho ko sa danger zone para ako ang mag asikaso sa kanila" pag tanggi nya. Pero umiling-iling ang kanyang ama.

"Hindi pwede. Sundin mo ang utos ko sayo, anak. Wala ka na munang trabaho ngayon dahil lahat na ay natapos mo na. Binuhos mo na lahat ng lakas mo sa trabaho" seryosong sabi ni Bartolome.

"Yes dad" pag suko ni Colbie. Malalim syang nagbuntong hininga at nag simula ng kumain.

-----

Alas dose na ng hapon at walang magawa si Colbie sa loob ng kanyang kwarto. Lahat na ng bagong armas ay nagamit na nya. Nag ensayo din sya sa training room at mabilis din naman syang natapos.

Kesa magmukmok sya sa loob ng kanyang kwarto ay lumabas nalang sya ng bahay at pumunta sa open field para ituloy yung ginagawa nyang sasakyan.

Pag punta nya sa open field ay hindi nya maiwasang mag taka dahil walang katao-tao ngayon na gumagawa ng sasakyan. Nag kabit balikat sya at nag lakad para hanapin yung sasakyan nya. 

Habang nag lalakad sya ay nakita na nya yung sasakyan nya na nasa di kalayuan. Kumunot yung noo nya dahil may babae doong naka tayo at pinagmamasdan yung kotse nya. 

Base sa kanyang kaisipan ay mukhang hindi sundalo ang babae dahil sa pananamit nyang pang bahay.

Naligaw kaya ito? tanong ng isip ni Colbie.

"Miss, naliligaw ka ba? Bawal kasi pumunta dito na hindi sundalo" seryosong tanong nya habang papalapit sa babae. Biglang bumagal yung lakad nya dahil mukhang pamilyar yung babae. Likod palang ay sobrang pamilyar na para sa kanya.

Pumikit sya at umiling ng paulit ulit. 

"Imposible" iling iling nyang sabi.

"Anong imposible?" biglang nanigas yung katawan nya nung mag salita yung babae. Gulat syang tumingin sa babae at para syang binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita nya ngayon.

"Namiss mo ba ako.....k-kuya?" nakangiting naluluhang tanong ni Megan kay Colbie.

Napaawang yung bibig ni Colbie at napaurong dahil sa pag kabigla. Mariin niyang pinikit yung mga mata nya at muling dumilat para maka sigurado na totoo ba ang nakikita nya ngayon. Pero hindi nga sya nagkakamali. Si Megan ang nakikita nya.

"B-bunso" bulong nya at napaluhod. Pinikit niya yung mga mata nya kasama na doon ang pag agos ng luha sa mga mata nya. Lumapit si Megan kay Colbie at lumuhod din sa kanyang harapan.

Marahan nyang hinaplos yung pisngi ni Colbie para mapunasan yung mga luha.

"Kuya bakit ka naka pikit?" natatawang tanong ni Megan. Lalong naiyak si Colbie dahil narinig nya yung tawa ni Megan. 

"Natatakot kasi ako na kapag dinilat ko yung mga mata ko ay baka isang panaginip lang to. Sana hindi na ako magising kung panaginip lang talaga ito" naka pikit nyang sabi.

Mahinang natawa si Megan kasama na doon ang pag luha ng mga mata nya. 

"Maniwala ka man o hindi ay totoo ang lahat ng ito, kuya. Hindi ito isang panaginip kaya idilat mo na yung mga mata mo" sambit ni Megan.

Dahan-dahan namang idinilat ni Colbie ang mga mata nya at lalong humagulgol sya sa pag iyak. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Megan at hinaplos iyon.

"Hindi ako makapaniwala na nasa harapan kita ngayon, bunso. Anghel ka na ba? Kung anghel ka pwede mo ba akong isama?" sunod-sunod na tanong ni Colbie. Napahagikhik si Megan at napa iling.

"Hindi ako anghel kuya. Totoong-totoo ako. Atsaka tumayo na nga tayo" agad namang tumayo si Colbie at inalalayan si Megan na makatayo.

"Sobrang saya ko na makita na kita muli, bunso pero..." hindi na itinuloy ni Colbie yung sinasabi nya at malalim na nag buntong hininga.

"Bakit ang lungkot mo pa rin kuya?" takang tanong ni Megan nung mapansin nya ang malungkot na ekspresyon ni Colbie.

"Hindi ko man lang nakita yung anak mo. Kung napigilan lang kita na makapunta sa building noon ay baka makikita pa natin yung---" napa tigil sya sa pag sasalita nung tumawa si Megan.

"Nawala na nga anak mo tumatawa ka pa?" hindi makapaniwalang sabi ni kuya.

"Don't be so dramatic because you don't know everything, kuya" ani ni Megan.

"W-what do you mean?" naguguluhan nyang sabi. Hindi nag salita si Megan bagkus tumingin sya sa likuran ni Colbie at doon nya nakita si Clyde na yakap yakap yung teddy bear nya.

Nag tataka syang tumingin din sa likuran nya at nanlaki yung mga mata nya. Gulat na tumingin si Colbie kay Megan.

"I-i-is he y-your s-s-son?" nauutal nyang tanong at tinuro pa si Clyde na malamig na nakatingin sa kanya.

"Yes kuya. Sya ang anak ko" nakangiting sabi ni Megan. Malapad na ngumiti si Colbie at itiningala nya yung ulo nya. Habang naka tingala yung ulo nya ay may lumalabas na namang luha sa kanyang mga mata.

"Fvck. Im so happy right now. I-im so happy" naluluha nyang sabi at nagmamadaling lumapit kay Clyde. Binuhat nya si Clyde at mahigpit na niyakap.

"Hey kiddo, what's your name?" tanong ni Colbie.

"His name is Denzel Clyde" pag sagot ni Megan dahil alam naman nyang hindi mag sasalita si Clyde.

"Incredible. You have a beautiful eyes, Denzel" hangang sabi ni Colbie habang nakatingin sa mga mata ni Clyde. Napangiti si Megan nung mag i love you sign si Clyde kay Colbie. 

Kunot noong tumingin si Colbie kay Megan dahil hindi nya maintindihan yung sinabi ni Clyde. Napailing nalang si Colbie at niyakap ulit si Clyde.

***

A/N

Si Colbie ang na nasa multimedia 😎😎

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon