Zombie 14

7.3K 223 16
                                        

Zombie 14: Mr. Saltik meet Ms. Saltik

Patricia's POV

"Bumalik na yung sigla nya" nakangiti kong sabi habang pinapanood si Colbie na hinaharot si Clyde. Tumatawa sya ng malakas dahil naka busangot si Clyde dahil kinikilig sya.

Hayst, hindi man lang marunong ngumiti. Manang mana sa magulang nya, lalong lalo na sa kanyang ina.

"Oo nga eh. Hindi man lang tayo pinagbigyan na makasama si Clyde kahit saglit lang" naka ngusong sabi ni Nina. Tumango naman kami ni Yvonne bilang pagsang-ayon sa sinabi nya.

Ang daya talaga ni Colbie!! Hmp!

Gusto pa kasi naming makasama sa bahay yung mag ina pero itong si Colbie ay agad sinundo ang mag ina sa bahay ng hatinggabi!

Kulang na nga lang itali na nya si Megan at Clyde para hindi mapalayo sa kanyang tabi.

Huhuhu, i hate Colbie so much na!!

Megan's POV

"Kuya, hindi mo yan mapapatawa. Hindi nya yun hilig" iling-iling kong sabi.

"Eh? don't tell me pati pag ngiti hindi nya rin kayang gawin?" hindi nya makapaniwalang tanong habang buhat buhat nya si Clyde.

"Nope" pag sagot ko.

"Siguro kung ganyan nga si Clyde ay baka binuhos mo na lahat ng sama ng loob mo nung nasa tyan mo palang si Clyde?" pang aasar nya. Tumawa sya nung ngumuso ako. Ang lakas ding mang-asar ng lalaking to.

"Joke lang, bunso. Love you" malambing nyang sabi sabay kindat sa akin. Napailing nalang ako at umupo sa mahabang sofa na kulay light green.

"Haruka, kamusta na si Tatsuya?" tanong ko nung tumabi sya sa aking pag ka upo.

"He's fine already. Pero kapag nag kikita sila ni Hiro ay nagiging malamig sya" sabi nya.

"Smile for me kiddo! Just smile for me, please!" magiliw na sabi ni kuya kay Clyde.

"Megan, matanong lang. May saltik ba yung kuya mo? No offense pero mukhang oo yung sagot" mahinang sabi nya habang nakatingin kay Colbie.

"Mukha lang" nakangiti kong sabi. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil may nanghuhusga na kay kuya bukod sa akin. Mukhang may makakatapat na si kuya ngayon.

"Pano mo naman na nasabi na may saltik sya?" takang tanong ko na hindi maiwasang mapangiti.

"Mukha kasi eh" kabit balikat nyang sabi.

"Who is she?" sabay pa kami ni Haruka na napatingin sa nag salita. Buhat buhat ni kuya si Clyde. Naka kunot yung noo nya na naka tingin kay Haruka.

"She's my friend, kuya. Her name is Haruka" pag papakilala ko. Ngumiti si Haruka kay kuya na para bang nakakalimutan nyang hinusgahan nya ito kani-kaninalang. Pero nawala yung ngiti ni Haruka nung inirapan lang sya ni Kuya.

"Aba aba sungit nito ah" asar na bulong ni Haruka.

"Did you say something?" masungit na tanong ni kuya at nakataas pa yung kanang kilay nya.

"Oh nothing. I'm just talking to my self" nakangiti nyang sabi pero pansin ko yung kamao nyang naka kuyom. Ngumisi si kuya.

"May kaibigan ka palang saltik, bunso" ngising sabi nya. Sa sinabi nyang yun ay nanlaki yung mga mata ni Haruka at tumayo sa harapan nya.

"Anong sabi mo?!" gulat at hindi nya makapaniwalang tanong kay kuya. Matamlay naman syang tinignan ni kuya.

Napailing nalang ako. Halos parehas lang sila na sinasabi ng mga salita.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon