Zombie 31

4.4K 141 2
                                    

Zombie 32: Unexpected

Haruka's POV

Continuation...

Hindi ko na alam kung saan sila pupunta. Ako naman ay nanginginig na nag lakad papunta sa bahay. Naka kunot ang noo ko habang nag lalakad. Gulong gulo na ako. Anong ibig sabihin ng mga natuklasan ko? Anon ibig sabihin ng mga narinig ko?

Pansin ko lang na may bitbit yung mga tao na malaking bag. Kung saan ko ilipat yung paningin ko ay ganun pa rin ang nakikita. Mga taong aligagang kumilos at may bitbit na mga bag na hindi ko alam kung anong laman.

Napatigil ako sa pag lalakad nung may malakas na sumabog sa kung saan. Napatingin ako sa sumabog at nakita ko yung malaking wall ng gate ng safezone pala ang sumabog!

Sa nangyaring pag sabog ay nag kagulo yung mga tao. Nag tatakbuhan at hindi alam kung saan pupunta. Hindi ko na rin mapigilang mapa takbo. Nangangatog ako sa takot nung maka rinig ako ng maraming putok galing sa baril.

May mga sumulpot na lalaking naka suot na sundalong itim at pinagbabaril yung mga taong nag tatakbuhan. Shit. Ano ba talagang nangyayari ngayon?! Bigla kong naalala si Clyde kaya agad akong tumakbo.

Mabilis akong tumatakbo at umiiwas sa mga taong tumatakbo din. Pero nagulat ako nung may armadong lalaking humawak sa braso ko. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo dahil nakaramdam ako ng takot at kaba.

"Haruka Nazomi?" nagulat ako ng binanggit nya yung pangalan ko. Nanginginig akong tumango. Paano nya nalaman yung pangalan ko? Napalunok ako nung idinikit nya yung bunganga ng baril niya sa noo ko.

"Nasan si Megan Stainsfield?" tanong nya. Umiling ako ng paulit ulit at hindi ako makatingin sa kanya.

"H-hindi ko a-alam ang sinasabi m-mo" nauutal at kinakabahan kong sambit. Mukhang nainis sya sa sinabi ko dahil mas lalong idiniin nya ang pag tutok nya ng baril sa noo ko.

"Alam kong alam mo yung tinutukoy ko! Nasan sya?!" galit nyang sabi. Kahit natatakot ako ay masama ko syang tiningnan.

"H-hindi ko nga alam sabi eh! Ang tigas ng bungo mo!" sigaw ko. Napasinghap ako nung malakas nya akong sinampal.

"Sinungaling!!" nanggagalaiti nyang sigaw. Ngumiwi ako nung maramdaman kong may namuong dugo sa gilid ng labi ko ng dahil sa binigay na malakas na sampal ng lalaki.

"B-bitawan mo ako!" daing ko nung mahigpit nyang hinawakan yung braso ko. Kulang nalang mabali na yung buto ng braso ko ng dahil sa higpit ng hawak nya.

"Kung ayaw mong sagutin yung tanong ko eh mas magandang patayin nalang kita!" asik nya na ikinalamig ng katawan ko. Kahit nakakaramdam ako ng takot ay hindi ko pinakita sakanya. Atsaka hindi ko alam kung nasaan ngayon si Megan. Basta nasa danger zone lang ito tapos!

Pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanya na nasa danger zone si Megan. Mas magandang wala si Megan dito sa safe zone para hindi sya mahuli ng mga kalaban.

Akmang babarilin na sana ako ng lalaki nung may tumatakbong lalaking naka maskara papalapit sa akin.

"Bakit nandito ka? Nakuha nyo na ba lahat ng mga taong naninirahan dito?" kunot noong tanong ng tumutok sa akin ng baril.

"Nakita na namin kung saan ang tirahan ni Megan. Wala sya doon pero nandoon yung anak nyang lalaki. Mag isang kumakain sa kusina" lintaya ng lalaking naka maskara. Kumuyom yung kamao ko. Shit. Wag si Clyde!

Ngumisi yung lalaking naka hawak sa akin dahil sa sinabi ng lalaki na kasabwat nya.

"P-parang awa n-nyo na. Wag sya. W-walang kalaban-laban ang bata sainyo! please wag sya!" nag mamakaawang sambit ko sakanila habang hila hila ako ng lalaki. Mukhang papunta kami sa bahay.

Habang hila hila ako ng lalaki ay kitang kita ko yung mga armadong lalaki kung paano patayin yung mga inosenteng tao. Meron pang pinupugutan kaya napapaiyak sa takot yung mga taong nakakakita ng ganung eksena. Hindi ko maiwasang mag taka dahil wala akong makitang sundalo ng safe zone paralang iligtas yung mga tao.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay ang dami kong nakikitang mga armadong naka itim na naka palibot sa buong bahay.

"Pumasok na ba kayo sa loob ng bahay?" tanong nung lalaking humila sa akin.

"Hindi pa sir. Pero nakita namin sa bintana ng bahay na nasa kusina ang batang lalaki. Kumakain mag isa" pag sagot nung isa. Naiiyak akong lumuhod sa harapan ng sir nila.

"P-please wag sya. Nag mamakaawa ako sainyo! A-ako nalang ang patayin nyo!" naiiyak kong pag mamakaawa sa kanila. Masyadong bata pa si Clyde para lang maranasan ang mga ganitong bagay. Wala syang kalaban laban sa mga armadong lalaki. Mahalaga sa akin si Clyde kaya hindi ko kayang masaktan sya.

Pagak na natawa yung lalaking niluhuran ko pati na rin yung iba na para bang nakakatawa yung sinabi ko. Napayuko nalang ako at umiyak. Ang sama-sama nila.

"Wag kang mag aalala. Hindi naman namin sya sasaktan. Pag e-experamuntuhan lang namin sya" nakangising sabi nung lalaking nasa harapan ko. Nanlaki yung mga mata ko ng dahil sa sinabi nya. Tumayo ako sa harapan nya at malakas na sinampal sa pisngi.

"Mga walang hiya kayo! Ano akala nyo sakanya? Isang puta na basta basta nalang kakalikutin yung kalamnan?! Mga demonyo!" nanggagalaiti kong sigaw habang pinaghahampas yung dibdib ng lalaki.

"Tumigil ka!" sigaw nya sabay suntok ng malakas sa sikmura ko. Nanghina yung katawan ko at napa upo ako sa lupa.

"Pumasok na kayo sa loob! Kunin nyo yung bata!" rinig kong sigaw ng lalaking sumuntok sa akin. Nanginginig yung katawan ko na dahan-dahang napa higa sa lupa. Naka higa lang akong naka dungaw sa mga armadong pumapasok sa loob ng bahay.

"C-clyde" naluluha kong bulong. Hindi ko magawang tumayo dahil sa nanlalambot yung katawan ko. Mas lalo akong napaluha nung makarinig ako nang maraming putok galing sa loob ng bahay.

Ramdam ko ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko pero nilabanan ko yung nararamdaman kong antok. Nanlalabo na rin yung paningin ng mga mata ko kaya nahihirapan na akong maka aninag.

"S-sir, yung b-bata! H-halimaw!" rinig kong sigaw na kung sino. Bakas sa boses nya yung takot.

"Anong halimaw na pinagsasabi mo?! Kunin nyo!"

"Hindi sir! H-halimaw talaga---AHHH!" kahit blurd yung vision ng mga mata ko ay naka aninag ako ng mga taong armadong nagkakagulo.

Naaninag ko pang may batang lalaki kung paano patayin mga armado. Hindi ko alam kung ano yung hawak nyang armas pero pakiramdam ko na dalawang maliit na dagger iyon.

Hindi ko alam kung bata ba talaga iyon o sadyang maliit lang talaga ang height. Hindi ko kasi makita ng maigi dahil nanlalabo na yung mga mata ko.

Papikit-pikit pa yung mga mata ko nung may naaaninag akong isang bulto ng lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakayuko ito para matignan ako. Mukhang naliligo sya sa dugo dahil sa nakikita kong pulang likodong bumabalot sa katawan nya.

Naramdaman ko yung malambot nyang kamay na humahamplos sa pisngi ko.

"C-clyde" mahinang banggit ko nung makilala ko kung sino yung nakahawak sa pisngi ko.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon