Zombie 17: Threatened
Megan's POV
Nakita ko yung paghigpit nya sa hawak nyang handgun at matalim akong tinignan.
"How did you know my name? Who the fvck are you?" tanong nya na masama akong tinignan. Hindi nya talaga ako kilala. Anong ginawa nila kay Eren?!
"I said who the fvck are you?!!" nagulat ako sa pag taas ng boses nya kasama na doon ang pag tutok nya sa akin ng handgun.
Gusto kong umiyak ng malakas at yakapin sya ng mahigpit pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Parang namanhid ang buong katawan ko ng dahil sa sinabi at klaseng pag titig nya sa akin.
Sasabihin ko na dapat ang pangalan ko nung may maramdaman akong masama galing sa aking isip. May sinasabi ang hangin na ikinabiyak ng puso ko.
"Alexandra Florence" pag sisinungaling ko. May nararamdaman akong masama galing sa kanyang presensya. Ramdam ko na kapag nag sabi ako ng totoo ay may gagawin syang hindi maganda sa sakin.
Sobrang sakit dahil kaya nyang gumawa ng masama galing sa akin. Ghad, Eren. Ano nangyari sayo at bakit ka naging ganito kasama? Anong kahibangan na ginawa ng ama mo sayo?
"How did you know my name?" naka kunot nyang tanong na para bang may inaalam sa akin.
"I-it because of your parents" kinakabahan kong saad. Nakatingin lang ako sakanya ng diretso at ganun din sya sa akin. Damn, i miss him so much. I want to kiss and hug him all night.
Binaba nya yung hawak nyang handgun pero hindi pa rin nag babago yung reaksyon nya sa akin. Naka kunot pa rin ang mukha nya habang nakatingin sa akin.
"You know my parents?" kunot noo nyang tanong.
"Just a little bit" basta ang tanging alam ko ay hayup na mamatay tao ang ama mo. Gusto kong sabihin sa kanya yun pero baka barilin lang ako nito sa ulo.
Wala naman syang sinabi at umalis sa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na nasa isa pala itong library na pinasukan ko.
Anong ginagawa nya dito sa library? Dito ba sya nag iistay ng ilang taon?
Binaba ko sa flooring yung mga gamit ko at hinanap si Eren. Kailangan ko syang makausap. Bahala na kung hindi nya ako kilala basta makausap ko lang sya.
Third Person's POV
Pag kalabas ng laboratory ni Arnold at ni DR. Bhor ay hinubad na nila yung facemask at gloves at itinapon iyon sa basurahan na nasa tapat lang ng pintuan ng main laboratory.
"Good to say na magiging ok na ang lahat para sa vaccine, Dr. Bhor" ani ni Arnold habang inaayos yung laboratory gown nya.
Kakagaling lang kasi nila sa pag examine ng magiging vaccine at konting-konti nalang ay makukumpleto na ito na ikatutuwa nilang mga scientist. Dugo nalang ni Megan ay solve na lahat ng problema nila. Alam kasi nila na nandito na si Megan sa safe zone.
"Mas magandang makita na nila yung new invention nating nagawa na baril. Magiging useful iyon sa mga sundalo" saad ni Mr. Bhor. Ramdam nila ang pag ka-excited dahil naka gawa sila ng panibagong invention para sa mga tao. Alam nila na matutuwa ito sa bagong gawa nila.
Habang nag uusap ang mag kaibigan ay hindi nila alam na may palihim na nakikinig sa kanila. Bawat katagang magagandang bagong nagawa nila ay tinatak sa isipan iyon ng taong nag mamasid sa kanila para ipaalam iyon kay Marco na ang mastermind.
Nang makaalis na si Arnold at Dr. Bhor ay lumapit yung tauhan ni Marco sa pintuan ng laboratory. Tumingin tingin pa sya sa paligid kung may tao ba o wala. Napangisi sya nung makitang walang tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
