Zombie 36: Tears of Rain
Hindi pa tumatama ang bala sa katawan ni Megan nung agad itong sinalo ni Hiro. Napasigaw sila Haruka sa nasaksihan. Nanlaki yung mga mata ni Colbie habang naka tanaw kay Hiro na nakayakap sa likod ni Megan.
"H-hiro" nauutal na sambit ni Megan nung makita nyang may lumabas na dugo sa bibig ni Hiro. Ngumiti lang na mapait si Hiro kasabay na doon ang paglabas ng luha sa sulok ng mga mata nya.
"B-bakit mo g-ginawa yun?" naiiyak na taong ni Megan.
"K-kailangan k-k-ka nila" nahihirapang sambit nya sabay suka ng dugo.
"P-pero hindi mo naman kailangan gawin yu---" hindi na natapos sa pag sasalita si Megan nung idikit ni Hiro yung index finger nya sa labi ni Megan.
"I-iisipin mo nalang na m-magiging ok ang lahat" mapait nyang sambit at ngumiti ng pilit. Lalong napaiyak si Megan dahil lahat nalang ng mga taong mahal nya sa buhay ay namamatay ng dahil sa kanya.
"P-please h-huwag mo kong iwan. H-hindi ko na k-kaya" naluluhang sabi ni Megan. Nag mamakaawa yung mga mata nya na nakatingin kay Hiro na papikit-pikit na yung mga mata. Hindi kumibo si Hiro at dahan-dahan syang niyakap.
"I...I love..You" humihikbing bulong ni Hiro sa tenga ni Megan.
"H-hiro" gulat na sabi ni Megan. Hindi na muling nag salita si Hiro. Naramdaman na lang ni Megan na bumigat si Hiro habang yakap yakap nya. Nakita nya lang na bumitaw na yung isang kamay ni Hiro na naka yakap sa bewang nya.
Pumikit ng mariin si Megan kasabay na doon ang pag labas ng luha galing sa mga mata nya. Niyakap nya lang ng mahigpit si Hiro kahit na hindi na sya nito niyayakap pabalik.
Napatingala yung ulo ni Haruka sa kalangitan dahil naramdaman nyang may pumatak na tubig sa ulo nya. Napapikit pa sya nung may pumatak na tubig ulit sa kanyang mukha. Ang ambon na ulan ay biglang lumakas kaya nababasa na sila ngayon sa gitna ng ulan.
Tumingin sya kay Colbie na naka unan sa lap nya. Naka pikit na yung mga mata nito at medyo naka awang yung bibig. Nilipat nya yung tingin kela Yvonne na ganun pa rin ang posisyon.
Nakaramdam ng sakit at awa si Haruka dahil mukhang binawian na rin ng buhay sila Justin, Tyler at Jai.
"Jai please wake up! Wake up!" naiiyak na sabi ni Patricia habang tinatapik yung pisngi ni Jai. Hamagulgol din sa iyak si Yvonne at Nina.
"Parang awa mo naman Tyler! G-gumising ka na" nanginig na sabi naman ni Nina. Pero si Yvonne naman ay tahimik lang na lumuluha habang nakatingin sa maamong mukha ni Justin.
"D-don't leave me, Justin. I-im pregnant and you are the father so please wake up. I-im begging you" napasinghap sa gulat si Haruka. Hindi nya alam kung tama ba ang narinig nya galing kay Yvonne.
B-buntis si Yvonne? Kailan pa?
"Such a pathetic. Well, goodbye, loser's~ I hope this day is your memorable day" ngising sabi ni Sandy. Si Eren naman ay bigla nalang nawala. Nawala na lang ito ng parang bula nung nabaril nya si Hiro.
Bago makaalis si Sandy ay muli itong tumingin kay Megan.
"Masaya akong nakikita kang nasasaktan, Megan. Pero mas masaya ako kapag wala ka na" ngising sabi nito at nag lakad palayo.
Nang makaalis na si Sandy ay binalot sila ng katahimikan. Tanging patak ng ulan lang ang bumabasag sa katahimikan.
Umiiyak ang tatlong babae na si Yvonne, Nina at Patricia habang si Haruka naman ay binabantayan si Colbie at Clyde. Hindi magawang tingnan ni Haruka si Tatsuya dahil parang bibigay na yung katawan nya dahil sa pangyayaring naganap. Hindi sya makapaniwala na hahantong sila sa ganitong situwasyon.
Wala ng makikitang emosyon sa mukha ni Megan na nakayakap lang kay Hiro. Ang lalaking naging dahilan kung bakit sya naka bangon. Si Hiro na palaging pinapangiti sya habang nalulungkot sya. Pero ngayon ay kayakap nya na wala ng buhay.
Wala na syang mailabas na luha at pagod na syang umiyak. Kahit umiyak pa sya ng magdamag ay wala rin namang mangyayari.
Nanlaki yung mga mata ni Haruka nung mapatingin sya sa di-kalayuan. Nanginginig syang napa lunok habang nakatingin doon.
"Zombies"
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?