Zombie 45

4.3K 109 3
                                    


Zombie 45

Megan's POV

Pilit kong tinatanggal yung taling naka tali sa mga kamay ko sa likod pero nabigo lang ako dahil hindi ko ito magawang tanggalin. Sobrang higpit kasi kaya nahihirapan ako.

Wala man lang akong makitang kagamit-gamit sa paligid ng puting kwarto. Tanging yung kamang inuupuan ko lang ang gamit.

Sa sobrang inis ng pag tanggal ko sa tali sa kamay ko ay hindi ko naiwasang madulas sa pag kaka upo sa gilid ng kama at bumagsak sa puting flooring.

"Fvck!" inis kong sabi at pilit na maka tayo. Pero napahinto ako nung bumukas ang pintuan at niluwa non ay ang dalawang lalaki. Seryoso silang lumapit sa akin at marahas akong tinayo at hinila palabas ng kwarto.

Hindi ko naman magawang lumaban dahil naka tali ako at dalawa pa silang mga lalaking naka hawak sa akin. Atsaka gusto ko na ring kausapin si Marco. Alam kong sa araw na ito ay ngayon ko na sya makakaharap.

---

Pansin ko na habang nag lalakad ako kasama yung dalawang lalaki ay ramdam ko yung masasamang tingin ng mga scientists sa akin. Nag bubulunan pa ang mga ito sabay titingin ng masama sa akin.

Hindi ko na iyon pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.

Huminto kami sa double door. Binuksan nila iyon at tinulak ako papasok. Mariin akong napa pikit dahil muntik na akong masubsob sa flooring. Kung hindi lang ako naka tali yung mga kamay ko ay baka kanina ko pa napatay yung mga dalawang yun.

Tumayo ako ng maayos at inilibot ang tingin sa malawak sa kabuuan ng kwarto. Isa palang magarang office ang pinasok ko. Kapansin-pansin yung mga tropeyo na naka design sa bookshelves.

Nakaramdam ako ng pagtikhim kaya hinanap ko kung sino yun. Biglang nagdilim yung paningin ko nung nakita ko kung sino iyon. Kahit hindi ko pa sya nakikita in personal ay alam kong sya yun.

Nakaupo sya sa magarang swivel chair. Nakasilakop yung mga daliri ng kamay nya at naka ngising nakatingin sa akin. Na para bang natutuwa na makita ako.

"It's nice to see you AGAIN, Megan" diing sabi ni Sandy na nasa gilid lang ni Marco. Ngumiti ako ng nakakaloko at tumingin sakanya.

"It's nice to see your douche face too, Sandy" mapanloko kong bati sakanya. Mukhang naiinis sya kaya mas lalong lumapad yung ngiting naka paskil sa labi ko. Lalapitan na sana nya ako nung hinarang ni Marco yung kamay nya sa harapan ni Sandy para mapatigil sya. Pero yung mga tingin ni Marco sa akin ay hindi pa rin napuputol.

"Have a seat" casual na sabi ni Marco at tinuro yung upuan na nasa harapan ng table nya. Mariin ko syang tiningnan bago umupo sa kanilang harapan.

Walang nagsasalita sa amin at naglalabanan ng tingin. Kung nakakamatay lang ang pag titig ay baka kanina pa kami naka handusay sa flooring at wala ng buhay.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang ina at ng ama mo, Megan" pag basag ni Marco sa katahimikan. Nag tiim bagang ako at matalim syang tinignan.

"Don't you dare to say my name again" malakas syang humalakhak na para bang may sinabi akong malaking biro.

"Nakuha mo rin yung ugali ng ama mo sayo. Fierce and smart woman you are" hangang sabi nya na may kasamang panunuyang tono. Hindi ako nag salita at matiim syang tiningnan. Hindi ko kayang makausap ang demonyong katulad nya. Sya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko!

"Kamusta ang pagiging Zombie Hunter?" tanong nya.

"Good" pag tugon ko. He's quite intimidating. Kahit maligalig ang pinapakita ng mukha nya ay alam kong pakitang tao lang iyon. I know that because he's a devil. A cruel heartless devil.

"Parehas kayo ng anak mo. Walang kinikilalang tao. Masyadong matapang" may sumilay na ngisi sakanyang labi nung makita nya pag kagulat sa mukha ko.

Damn. Nakuha nila ang anak ko!

"What did you do to my son?! Where is he?!" nanggagalaiti kong sigaw. Fvck. Kapag may ginawa silang hindi maganda sa anak ko. I swear to God na mag papa-kademonyo ako para lang hatakin sila papuntang impyerno.

Narinig kong tumawa si Sandy na para bang natutuwa sa galit kong ekspresyon habang si Marco naman ay prenteng naka upo sa kanyang swivel chair.

"Calm down, Megan. Wala pa akong ginagawa sa anak mo" damn him! He's so cruel as hell! Pati bata dinadamay nila?!

"Don't you dare to lay on a finger on my son! Dont hurt him!" umupo sya ng maayos at pinagsilakop yung daliri ng kamay nya.

"I will not hurt him. In one condition" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Pero matapang ko itong haharapin basta't wag lang nilang saktan yung anak ko.

"What?" matigas kong tanong na masama syang tiningnan. Muli syang ngumisi gayun din si Sandy na para bang may masamang plano.

"Be my model in my next new experiment invention. Hindi lang yun dahil gagamitin kitang panlaban sa mga taong humahadlang sa mga plano ko. Is that ok for you?" ngising tanong nya. Nakataas pa yung kanang kilay nya at hinihintay yung magiging sagot ko.

Para akong binuhusan ng malamig dahil sa sinabi nya. Hindi ako makapagsalita dahil sa pag kabigla sa narinig. Ano ang magiging desisyon ko? Kapag hindi ako pumayag sa gusto nya ay maaring saktan nila ang anak ko at hindi ko kayang mangyari yun. Kapag pumayag naman ako sa gusto nya ay madadamay yung mga taong inosente. Lalo na sila kuya. Alam kong papatayin nila si kuya at ang masaklap pa non ay ako ang gagamitin nila.

"Oo o hindi lang ang dapat mong maging sagot, Megan" sambit ni Sandy na naka ngiti pa ng nakaka loko. Pwede namang hindi ako pumayag diba? Ililigtas ko nalang ang anak ko kapag ganon. Yes. That will be better kapag ayun ang gawin ko. Basta't walang madadamay na kahit sino.

"My answer is no. Hindi ako magiging alalay mo para lang pumatay" matigas kong wika. I need to be smart at this situation. Kailangan kong mag isip ng mabuti at hindi ko napag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon ko ay may posibleng damay ang lahat.

"I beg your pardon?" taas kilay na tanong ni Sandy na mukhang hindi makapaniwala sa naging sagot ko. Bago ako sumagot ay sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at seryoso silang tinignan.

"My answer is NO. Hindi ako tanga para lang sundin yung mga utos nyo" mariin kong sabi pero bigla akong kinabahan dahil sa klaseng pag titig ni Marco. Yung tingin na may natitira pa syang alas at ayun na ang pagkakataon na mapapasunpod ako sakanya. Fvck.

"Don't worry. I respect your desicion. But first, watch this" may kinuha sya sa ilalim ng drawer nya at nakita kong remote control iyon at pinindot iyon. Naka kunot akong tumingin sa flat screen TV.

Halos lumuwa yung dalawang mata ko nung makita ko si Clyde. Naka higa sya sa puting kama at naka suot syang hospital gown. Nag pupumilit syang maka bangon pero hindi nya magawa dahil nakatali yung dalawang kamay at paa nya.

Naka pabilog sakanya yung mga scientist at mukhang handa na sa magiging experiment. Ang tanging hinihintay nalang nila ay ang utos ni Marco.

Ang mas lalo kong ikinagulat nung makita ko si Eren na naka kulong sa makapal na salamin. Nag sisigaw sya sa loob at pinagsusuntok ang salamin pero nabigo lang sya dahil mukhang makapal ang pag kagawa ng salamin.

Gusto kong maiyak dahil sa takot at kaba dahil sa nakikita ko ngayon. Pati ba naman si Eren?

"Pati ba naman ang anak mo ay idinadamay sa pagiging demonyo mo?" hindi makapaniwala kong tanong. Ramdam ko na rin yung luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Damn. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Nagtaksil sya sa akin kaya dapat lang na mangyari sa kanya ito. After all, hindi nya rin naman ako tinuring isang ama kaya wala na akong pakielam kung mamatay man sya. So, what's your desicion? I'm waiting" mariin akong napa pikit kasabay na doon ang pag tulo ng luha ko. Please God, help me now. I feel helpless.

Mariin kong pinunasan yung basang pisngi ko at walang emosyon syang tiningnan.

"Pumapayag na ako sa gusto mo. J-just don't hurt them" sana mapatawad ako ng mga tao sa naging desisyon ko. I just dont want them to lose in my life. They are my life.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon