Zombie 25

4.6K 182 3
                                    

Zombie 25: Lost Memories

Eren's POV

Why its so cold?

Dinilat ko yung mga mata ko at nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa kawalan. Inilibot ko yung paningin ko sa paligid at hindi ko maiwasang magulat dahil sa nakikita ko ngayon.

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano patayin ng mga armadong lalaking naka itim yung mga inosenteng tao. Nakita ko pa kung paano barilin sa ulo ng isa yung babaeng may bitbit na umiiyak na sanggol. Kinuha nya yung sanggol at walang awang pinagbabaril.

Umiwas ako ng tingin pero kahit saan pa ako tumingin ay may nakikita akong taong pumapatay at namamatay. Yung mga bahay naman ay pinapasabog nila kaya ang paligid ngayon sobrang makalat at mausok ng dahil sa apoy. Isama mo pa yung mga taong wala ng buhay na naka pakalat-kalat sa sementadong lupa.

Napadako yung tingin ko sa babae na nakatayo sa di-kalayuan. Kahit nasa malayo na sya ay kitang kita ko ang pag liwanag ng mga mata nya. Lumiliwanag yung mga mata nya? Kumalabog yung tibok ng puso ko nung makita kong ngumiti sya. Parang yung binibigay nyang ngiti ay nag sasabi ng paalam.

'I love you' kahit hindi ko narinig yung boses nya ay naintindihan ko yung dahan-dahang pag bigkas ng bibig nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Napa mura ako ng malakas nung may kung sinong bumaril sa kanya. May lumabas na dugo sa labi nya at napa higa na sya sa sementadong lupa. Tatakbo na sana ako nung mapansin kong may hawak hawak pala ako. Pag tingin ko doon ay nanlamig yung katawan ko nung makita kong baril pala ang hawak ko. May mga bakas pa na dugo sa palad ko.

Nanginginig akong tumingin sa babae na nakahiga na sa sementadong lupa at muling tumingin sa hawak kong baril. May nag pop out sa utak ko na ikinatakot ko. Mariin akong napa lunok at binato sa malayo yung hawak kong baril.

"No! No! No!" sigaw ko at frustrated na sinuklay yung buhok ko. Pumikit ako at umiling iling. Hindi ako ang pumatay sa kanya! Hindi! Hindi ako!!!

Pag dilat ng mga mata ko ay iba na ang nakikita ko. Paiba-ibang imahe ang nakikita. Iba-ibang tao at lugar ay pabago-bago.

Nakikita ko nalang yung sarili ko na mukhang nasa ibang bansa pa at may kasama akong mga taong mukhang kasing edad ko pa. Base palang sa pag uusap nila sa katawan ko ay mukhang mag kakilala talaga.

Meron pang nasa eskwelahan ako. Nakaupo ako sa arm chair na naka pwesto sa likod. Pansin ko na hindi nakikinig yung 'ako' sa teacher. Nakatingin lang sya sa ibang direksyon kaya tinignan ko din kung ano yun. Kumunot yung noo ko nung makita kong babae pala yung tinitignan nya.

Mahaba ang buhok pero hindi halatang hindi sinusuklay. Morena ang balat at may tigyawat at kung ano pa akong nakikita sa mukha nya. Pango ang ilong at makapal pa ang kilay. Hindi rin kagandahan yung panamit nya. In short, she's ugly.

Pero kahit ganun ang itsura nya ay nakakaramdam ako ng kakaiba galing sakanya. Wala akong makitang emosyon sa dalawa nyang mga mata. Parang may kamukha sya. Hindi ko lang alam kung sino.

Nag iba ulit ang paligid at nasa garden naman ako. Pero mukhang garden ng school kasi may nakikita pa akong mga taong nag aaral sa paligid at mga guro.

Napatingin ako sa puno at nakita ko yung 'ako' na mukhang nag tatago sa likod ng puno. Panaka-naka pa sya ng tingin sa babaeng kumakain ng mag isa. Babae? Naningkit yung mga mata ko nung makilala ko yung babae. Sya yung babaeng pangit sa classroom.

Mahina akong natawa nung makita kong pasimpleng kinukuhanan ng litrato nung ako ko yung babae. Ngumiti pa sya at hinaplos yung screen ng phone. Woah. Don't tell me nag kagusto sya sa pangit? I mean nag kagusto ako sa pangit? Pero wala akong maalala na nag kagusto ako sa babaeng yun.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil nag bago na yung paligid.

Nakita ko na lang yung sarili ko na naka tayo sa kwarto. Madilim ang paligid at tanging yung liwanag ng buwan na nanggagaling sa veranda.

May tatlong higaan at may naka upong lalaki sa dulo sa tapat ng veranda. Nanlaki yung mga mata ko nung maaninag ko ng mabuti yung lalaki. Ako yung lalaki. Ako yung lalaking naka upo sa gilid ng kama. Teka nasaan na ba akong lugar? Kaninong kwarto ito?

Tulala lang syang nakatingin sa veranda. Nakikita ko yung lungkot at pangungulila sa mukha nya. Mukhang ang bigat ng problema ko sa oras na ito.

Napatingin ako sa pintuan nung bumukas iyon at niluwagan non ang babaeng hindi ko naman kilala. Sino naman kaya ito? Kitang kita ko rin sakanya yung lungkot pero may kasamang saya habang tinitingnan yung katawan ko.

Humakbang sya papalapit sa katawan ko at niyakap patalikod.

"Mahal na mahal kita, lalaki" rinig kong bulong nya. Mahal nya ako? pero hindi ko sya kilala. Sino ba sya? Pero mas lalo akong naguluhan nung sumagot pabalik yung katawan ko.

"Mahal na mahal din kita" naluluhang sabi ng katawan ko hanggang sa may nangyari na sa kanila.

What the? Bakit wala akong maalala na may naging girlfriend ako? Ang alam ko lang ay si Sandy lang ang naging girlfriend ko. Kung si Sandy lang ang tanging naging girlfriend ko eh sino yung babaeng nag sabing mahal ako?

This time ay nasa malawak na lugar na ako. Nakita ko yung sarili ko na hinihila ng dalawang lalaking naka itim papunta sa eroplano. Kumunot yung noo ko nung makita ko si Sandy. Ano ang kinalaman nya sa nakaraan na hindi ko maalala?

"A-ang sama m-mo" nanghihinang sabi ng katawan ko nung may ininject si Sandy sa katawan ko. Ngumiti ng matamis si Sandy at lumapit sa tenga ng katawan ko.

"Wag kang mag aalala, mahal ko. Mga ilang sandali lang at mawawala na yung nararamdaman mong kirot. Mag sasama na tayo ng ama mo. Magiging masayang pamilya na tayo"

Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko dahil bigla itong kumirot.

"AHHHH!" malakas kong daing at napaluhod. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay napahiga na ako. Bago pa mag sara yung talukap ng mga mata ko ay may binulong ako na ikinaluha ng mga mata ko.

"Megan Stainsfield" naalala ko na nag lahat. Naaalala ko na ang dating memorya ko. Ang babaeng minahal ko.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon