Umihip ang hanging Maynila. Hindi ko maramdaman at malanghap ang hanging gusto ko. Ang hangin at amoy na hinahanap-hanap ng sistema ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang bench. Dahil nga break na ay halos walang bakanteng pwesto akong makita para matambayan.
Hindi naman ako mahilig makipag socialize kaya hindi pumasok sa isip ko ang maki-table. Tatalikod na sana ako pero biglang nagsitayuan ang mga kapwa ko estudyanteng nakaupo sa bandang gilid ko. Napangiti ako nang makitang magsisialisan na sila.
Lumapit ako sa pwestong 'yon. Puro mga lalaking naka uniporme ng pang baseball at iilang babaeng nakasuot ng pang cheer dance ng school namin. Tumayo ako sa tapat nila, nagbigay ng konting distansya.
Nasundan ko ng tingin ang ilalim ng table nang biglang may nahulog sa ilalim na hindi nila napansin. Mabilis akong lumapit don nang maglakad na sila at iwan ang table na 'yon.
Pinulot ko ang isang leather wallet. Wallet mayaman.
Winagayway ko 'yon sa ere at tinanaw ang lalaking nakalaglag non. Siya 'yon. 'Yung nag-iisang lalaking naka ballcap ng pula sa kanila. May kaakbay siyang babaeng suot-suot ang mahigsing mini skirt na pang cheer dance.
Naaasiwa akong humabol sa kanila. Mabagal pa naman ang lakad nila. Kailan kaya ipatutupad ng school na 'to ang pagbabawal sa PDA?! Damn.
Kinalabit ko ng isang beses iyung lalaki kaya napahinto sila. Naghaharutan sila ng girlfriend niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Sorry, miss. I'm taken," laglag ang panga ko at lumingon sa kaniya.
Masama ang tingin sa akin ng kaniyang girlfriend. Mabilis akong umirap sa ere at hinagis sa kaniya 'yung wallet. Tumama iyon sa katawan niya.
Tinalikuran ko sila at nagpasyang umuwi na lang. Nawalan ako ng gana.
Ang kapal ng mukha ng mga tao ngayon! Puro kalandian na lang ba ang nasa isip nila?! Tss.
.........
Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan ko ang aking pinsang masamang-masama ang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko sa biglaang pagdadabog nito. Isang bagay lang naman ang madalas namin pag-awayan.
"Salamat, Tony, ha. Naappreciate ko talaga iyung effort mo!" Sarkastikong sambit niya at saka hinagis backpack nang walang pasintabi.
Nalaglag ito sa sahig kaya naman maagap ko 'yong pinulot at saka ipinatong sa maliit na lamesa sa aking tabi. Sinundan ko siya ng tingin, maingay ang bawat yapak niya sa aming sahig.
"Pagagalitan ka namang talaga kapag nalaman ng Mama mong nag bo-boyfriend ka dito! May pake lang ako sa'yo," Hindi niya pinansin ang litanya ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pagsaraduhan ako nito ng pinto.
Napabuntong hininga na lang ako sa 'di malamang gagawin sa sariling pinsan. Iba nga sigurong talaga ang nagagawa ng pag- ibig. Ang pag-ibig! Nababago niya ang lahat. 'Yung mga dating matino, nagagawa niyang tanggalan ng katinuan. Kaya nga baliw na baliw iyang pinsan ko! Disisyete palang kami pero andami na niyang naging boypren! At hindi alam ng pamilya niya 'yon. Gusto ko na nga siyang sakalin!
Matapos maligo ay itinipa ko agad ang numero ng aming kaibigan sa aking cellphone upang tumawag.
"Oo, Anne! Siya pa ang galet. Kita mo iyon? Nakukuha na niya ang mga sintomas mo!" Padarag akong humiga sa aking higaan habang sinusuklay ang basa kong buhok.
Ibinida ko agad sa kaibigan ang kaganapan kanina. Danica and I have a circle of friends here in Manila. May sari-sarili silang isyu sa buhay at hindi naging lingid sa aming lahat 'yon. Sa akin naman, may mga bagay lang talagang hindi natin maluwag na nasasabi sa iba...
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...