CHAPTER 16

377 6 0
                                    

"Paanong mag pinsan, probinsya 'to, dito siya lumaki at taga Maynila naman ang ex mo," humalukipkip ako.

Napaka imposible lang kase.

"At paano mo naman nasabi, napa DNA test mo ba sila?" Sumabad si Airra. Nag tatanga-tangahan na naman sa korning joke niya.

"H-hindi kase! Magkamukhang-magkamukha sila! 'Yung mata, labi saka kilos! Mas matangkad nga lang 'yang si G-gian saka mas maputi."

"Wala ka namang batayan. Maraming magkakamukha sa mundo," hindi ko pag sang-ayon. Nag indian sit ako sa aking higaan at saka yumakap sa isang unan.

"Felix din ang initial niya,"

"Oo Felix nga-" sagot ko pero pinutol iyon ni Airra.

"Teka nga! Ang walang kwenta ng usapan natin e! Hanggang dito ba naman ay 'yung ex mo parin ang iniisip mo? Kala ko moved on na? Sabi ko sa'yo mag crush ka na lang-" binatukan ko siya sa sobrang ganda ng suhestiyon niya.

"Wala tayong batayan kaya 'wag kang mag conclude na mag pinsan agad sila. Saka imposible."

Napahilamos si Anne sa kaniyang mukha. " 'Yun ang problema! Naalala ko si Marius dahil sa kaniya. P-parang, parang bumalik 'yung sakit na nararamdaman ko. Nong una, hindi ko pansin pero kanina habang kumakain tayo, natitigan ko siya dahil nasa tapat ko siya. Kamukhang-kamukha niya si Marius! Mas maangas lang siya pumorma-"

"Anne," tinapik ko siya ng mahina sa pisngi. "Move on na 'di ba?" Nabother na ako dahil nakikita ko na ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata niya. Napu-frustrate na siya. Kabisado ko na siya.

Unang pasok sa eskwela nang mapansin ko siya. Siya ang kauna-unahang napansin kong estudyante. Balisa at wala sa sarili at madalas tulala. Minsan nakikita ko na lang siyang umiiyak. Naka salubong ko lang naman siya sa hallway nang minsang mabangga niya ang isang prof sa sobrang pagkatulala. Madalas ko siyang makita sa mga bench kasama ang nag-iisa niyang kaibigan, si Airra.

Nagkaroon na ako ng hinala non. Na may pinagdadaanan siya. Kung paano siya pilit kinakausap at chinicheer up ni Airra na mas malakas pa ang boses sa naka mega phone. That time, may kung anong nagtulak sa'kin na lapitan sila. Sinama ko si Devine. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Naalala ko si Mama sa kaniya. Ganiyan ba si Mama noong broken hearted siya? Naaawa ako.

"Hindi ko na alam, Tony..." Bigla siyang humagulgol. Nalaglag ang panga ko. Maagap siyang inalo ni Airra.

"K-kanina, okay pa tayo ah?" Si Airra.

"Pag-ibig!" Singhal ko. Sawang-sawa na sa senaryong ganito. Pero pasimple kong tinapik-tapik ang balikat niya.

"Ang korni natin, shet!" Malutong siyang nagmura at kabod nag punas ng mukha.

"Makaka move on ka rin, not now but soon. Just don't force your self to forget. But don't let your self be miserable again. Lalaki lang iyan!" 'Di ko na nakilala ang sarili ko sa sumunod na mga salita.

Ilang minuto kaming natahimik. Nagkukutkot na si Airra sa kaniyang cellphone. Umayos ako ng upo.

"G-ganito rin siguro ang nararamdaman ni Chandel," bigla akong napatingin kay Anne. Naguguluhan.

"Hindi por que lalake ka ay hindi na pwedeng masaktan. Alam ko, sineryoso niya si Sunny. Kung paano niya itrato si Sunny, kung paano siya ngumiti kay Sunny. Ganong-ganon ako non sa kaniya." Nangunot ang noo ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya ng diretso sa akin. Bakas parin ang luha sa mata niya.

"Break na sila." Napaawang ang bibig ko sa 'di malamang dahilan.

"A-a-anong bago don? Ba-babaero 'yon!" Wala sa sarili kong nasabi.

"Nagbabago rin ang tao, Tony. For the worst rather for the better. Isang sign na ng pagbabago don ay nagtagal sila ng almost 3 months. Malakas na sign na 'yon. Dahil ang mga babae dati kay Chandel ay puro pang flavor of the week lang. Week nor days lang ang itinatagal. Si Sunny lang din ang kauna-unahang ipinakilala niya sa mga magulang niya."

"Iba talaga pag book worm!" Singit ni Airra na nakadapa na sa aking higaan at naka tanghod sa amin. Taban parin niya ang kaniyang cellphone na madalas kong naririnig na tumutunog.

Hindi ako nag salita. Nanatili lang akong walang imik. Hindi ako naniniwala. Kung paano nabuhay ang isang tao, ganon din siya mamamatay.

Kung nabuhay kang babaero, mamamatay kang babaero.

Tumunog muli ang cellphone ni Airra.
Binuksan niya iyon at may binasa. Bigla na lang siyang bumangon at saka nagtatalon. Yumanig ang kawawa kong higaan.

Hinampas ko ang binti niya. "Punyeta naman, Airra!"

"Dito raw matutulog sila Baycon! Yeheeeey!" Umimpit siya ng tili at saka nag lulong sa cellphone niya.

"Nag ti-text kayo ni Baylee Condez?" Gulat na tanong ni Anne.

"A-anong-sinong Baylee Condez?!" Naguguluhan akong tumitig sa dalawa.

"Haleeer! Si Baycon 'yon, 'no! Syempre, top one ko na siya kaya dapat may contact na ako sa kaniya!"

"Anak ka ng! Ano sabi mo kanina? Dito sila matutulog, tama ba rinig ko?!"

"Oo! At wala ka nang magagawa, Tony dahil mga Tita mo na rin ang nagpatuloy sa kanila dito. Gabi na raw at hindi na sila maaaring bumya-" humangos na agad akong nagtatakbo sa aming sala. Iniwan don ang mga kaibigan ko.

Hinanap ko si Lola sa loob ng bahay namin pero wala siya. Nagtatakbo agad ako sa labas ng bahay namin ng walang saplot sa paa.

"Lolaaa?!" Tinakbo ko ang terrace nila Tita Fe na maliwanag na dahil sa mumunting christmas lights na nakasabit.

"Ano ba, Tonia? Para kang nawawala," bumungad siya sa akin sa pinto ng terrace nila Tita. Nilingon ko ang likod niya at nakitang nandoon silang lahat. Pwera sina Tita Rina at ang mga anak niya. Pati na rin ang dalawang abnoy kong kaibigan na naiwan sa kwarto ko.

Hindi ako nakapagsalita. Nahihiya akong sabihing palayasin sila ngayon mismo. Napayuko ako sa inis. Sugod ako ng sugod, hindi ko naman pala mapapanindigan. Tama sila, gabi na nga. Mahirap bumyahe ng gabi. May puso ako kahit papaano pero may parte sa aking hindi sumasangayon.

"Na duwag ka na naman ba? Sabi ko naman sa'yo ay hindi totoo ang multo!" Singhal niya.

"H-hindi ho 'yon,"

"Kung ganon ay ano? Hindi ka takot? Nakarating ka nga dito ng nakayapak sa pagmamadali,"

"Pumasok ka, Antonia. Mamaya ay kung ano pa ang matapakan mo diyan," sumali si Tita Fe.

"Ano, Ma, tae o bubog?" Hugalpak sa tawa ang pinsan kong si Devine. Katabi niya ang nobyong naka akbay sa kaniya. Hindi na nahiya! Ha!

Umirap ako at nahagip ng paningin ko si Chandel na tulala at nasa gawi ko ang tingin. Madilim at hindi ko mahinuha kung saan talaga siya nakatingin. Broken hearted nga ang unggoy.

Kinagat ko ang labi ko. "Pauwin niyo rin sila bukas na bukas!" Gigil na sigaw ko at saka nagtatakbo pabalik ng bahay.

Hinihingal akong isinara ang pinto ng aking kwarto. Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng aking dibdib.

What the hell?!

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon