CHAPTER 21

350 7 0
                                    

"Huwaaaw, milk tea?! Pahingi!" Nag lahad agad ng kamay ang batang babaeng sa palagay ko ay mga nasa pito o anim na taong gulang.

Laglag parin ang panga ko. Tinitigan ko siya. May bunny headbun siya sa ulo at kulot na kulot ang dulo ng kaniyang buhok. Mataba ang kaniyang pisngi at maputi. Kutis mayaman. Singkit na singkit din ang mga mata niya. Kamukha ni...

Napasilip ako sa driver seat. Nakita ko kung paano nag iwas ng tingin si Chandel nang silipin ko siya. Kinagat ko ang labi ko.

"Wow, ang cute mo naman! Kapatid mo si Chan?" Sumungaw ang ulo ni Airra at pinisil ang pisngi ng bata.

"Yes po. But I like milk tea talaga e. Kuyaaa?" Nag pout ang bata at tumingin sa rear view mirror ng kotse.

Napatuwid ako ng tayo. Nagbuga ng hangin sa ere.

"That's not milk tea, Yura. Stop it, we can buy one later,"

"But I really wan't it now!"

Napasinghap ako. Mukhang spoiled brat ang isang 'to. Wala pa naman akong pasensya sa bata.

Kumalabog ang pinto ng kotse. Lumabas pala si Chan ng kotse, may suot na siyang sunglasses ngayon. Naningkit ang mata ko sa sinag ng araw na hindi naman masakit sa balat.

"Give me your bags, ilalagay ko sa compartment," nag aalinlangan kong iniabot ang aking bag. Nang abutin niya ito ay nasalat niya ng bahagya ang kamay ko.

Parang may kuryenteng dumaloy don. Natataranta akong pumasok ng sasakyan at iniwan siyang inaayos ang gamit ko sa likod.

"Miss, your milk tea, please?" Gulantang pa ako nang sumalubong naman sa akin ang ka replika rin ng pagmumukha ni Chan.

Napangiwi na lang ako at wala sa loob na iniabot ang milk tea sa kaniya. Gusto ko 'yon e!

Narinig ko ang halakhak ni Airra at ang pagpasok ni Chan sa loob ng sasakyan. Nakita ko ang pag iling niya nang sulyapan ang kapatid.

Manang-mana naman sa kaniya. Tss

"Ow, it's not really a milk tea? Lasang...coconut," nang inggit pa ang letseng bata.

"Protein shake kase 'yan." Wala sa sarili kong naibulong.

"Behave, Yura," umandar ang sasakyan, tumingin agad ako sa labas ng bintana. Kinandong ko ang isa ko pang backpack na dala.

"Yes, kuya. I'll have to enjoy the day later,"

"Yeah, and don't ruin my day," nag inglisan pa ang dalawa. Wiling-wili naman si Airra na pinanonood ang bawat galaw nong bata.

"Ang cute-cute mo talaga, how old are you?" Ani Airra. Umingles narin.

Ngumiwi 'yung bata at saka siya tinignan. "That's what every girls of Kuya used to say when they met me, so annoying,"

Napanganga ako sa inasta niya. Napapahiyang nag peace sign si Airra.

"Sorry naman, 'di ako babae ng Kuya mo. Saka cute ka naman talaga, but you know Baylee? 'Yon pwede pa!"

"Ang dami kaseng babae," bulong-bulong ko naman.

Nakarinig ako ng mahinang pag singhap.

"Kuya Baycon? He's my Kuya's bestfriend,"

"Yes naman, I know! Ako nga 'yung soon to be girlfriend niya e!" matamis na humagikgik si Airra.

"But-I don't think so,"

Halos tumawa ako nang malakas sa dami ng pambabara ng batang ito kay Airra.

"Wa, what's funny?" Ako naman ang pinagbalingan nong bata. Nginitian ko lang siya ng bahagya. Kami ang mag katabi ngayon dito sa likod.

"Kuya, I need my handkerchief,"

"Your bag is just beside you, little Yura." Pokus parin sa pag da-drive ang unggoy.

Hinubad ko ang suot kong sapatos at nag indian sit na sa upuan. Mas komportable ako sa ganito. Busy naman si Airra sa kakukutingting sa cellphone niya.

Iniwasan ko nang matingin ako sa rear mirror. Palaging iwas ang tingin ko sa gawing 'yon.

"Kuya, did my Yaya brought my toys with me? I can't find it inside my bag!" Puro reklamo nalang niya ang nadidinig ko. Iniisip ko nga kung pwede bang tapalan ang bibig niya.

"Don't start with me, Yura. I told you to behave,"

"I'm behave! But I need my toys!"

Napairap ako sa ere.

"What toys ba? Your doll?"

"No, not that. I need my pogs and texts,"

Nag echo sa tenga ko ang salitang 'yon. Gulat ako sa nadinig.

"Naglalaro ka ng pogs at text?" Wala sa sarili kong baling sa bata. Ngumuso siya at saka tumango.

"You know that? I thought, Kuya's girls weren't interested with that thing. They hate cheap daw,"

Gusto kong ulitin sa kaniyang hindi nga kami babae ng Kuya niya. Sabagay, siguro ay lahat ng babaeng dadalhin ng Kuya niya ay babae niya talaga. Naiba lang ngayon dahil magkakilala lang kame. Not friends, nor fucking girlfriends.

"Naglalaro ako niyan date," mapaklang sagot ko.

"Really?!" Gulat siya. Pero gulat din ako. Rich kid siya, paano niya alam ang larong pang mahirap? Hindi ba ang dapat na taban niya ay laptop, tablet, psp at kung ano-ano pang gadgets na laruan ng mga batang mayayaman.

"I learned to play that thing because I used to play with my nanny's child, mas nakaka enjoy po siya compared sa mga barbie dolls ko," masaya siyang humarap sa akin.

"Alam mo ba 'yung sitek? Kara? Bangkaan?" Nagbigay narin ako ng interes sa usapan. Nakakamiss pala ang mga larong 'yon.

"Ofcourse! I'm good at it," ngumiti siya ng mas malaki at nagkalkal muli sa bag niya. Tinitigan ko naman siya.

"I wan't to play now," aniya at halos ibuhos na ang buong laman ng bag sa upuan. Bumuntong hininga ako at tinulungan ko narin siyang maghanap.

"Baka hindi nadala ng yaya mo?" Bulong ko. At inaayos rin ang mga gamit niyang nagkakalaglag na.

"No, I told her to bring it! It'll gonna piss me off kung hindi ako makakapaglaro non sa loob ng isang araw," nahagip ng paningin ko ang maliit na bulsa ng kaniyang bag.

Inabot ko 'yon at kinapa.

"Ito naman pala," inilabas ko 'yon at gulantang ako nang dukwangin ako ng batang babaeng ito para yakapin.

ANG OA!

"Thankyou so much!" Humiwalay siya sa akin at saka nilaro ang mga bagay na 'yon. Tinititigan niya ang bawat karakter sa bawat piraso.

Napatikhim ako at saka umayos ng upo.

Napalingon ako sa rear mirror at nagtama ang paningin namin ng nangingiting si Chan. Napawi ang ngiti niya nang makitang nakatingin na ako. Nag seryoso agad siya, itunuon ang tingin sa kalsada at saka napatikhim din.

Napairap ako sa ere at sa bintana nalang tumingin.

"Can we play?" Kinalabit ako ng kaniyang kapatid.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon