CHAPTER 41

369 8 0
                                    

"N-nasaan ang girlfriend mo at ako ang binulabog mo rito?" Tumigil ako sa pag-sway. Sa wakas ay nagawa ko ring itanong. Hindi niya pa rin tinanggal ang kamay sa baywang ko. Kumikislap ang mga bata niya dahil sa mumuting liwanag.

Amoy na amoy ko ang pabango niya at naninindig ang balahibo ko sa lapit namin sa isa't-isa. Kumunot ang noo ito.

"She's dancing with her friend." He mumbled at naamoy ko ang alak at mint sa bibig niya kaya napatingin ako sa labi nitong manipis at mapula. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang pagbalik ng mata ko sa mata niya at nasa labi ko na rin ang tingin nito.

Naitulak ko siya sa gulat. "Kaya ako ang nilalandi mo rito?" Nanginig ang boses ko.

Ang landi-landi niya! Hanggang ngayon, hindi ko talaga akalaing...tsss. Bakit siya pa? Bakit ngayon pa? At bakit kailangang masangkot pa ang pagkatao ko sa pag-ibig. All my life umiiwas ako dyan. Para siyang isang virus na kinatatakutan ko...then, this happened to me. I think I'm already infected.

"No---" hindi na niya natapos ang sasabahin dahil lumipad na ang aking palad sa mukha niya.

Anong tawag sa ginagawa niya ngayon? Trip? Trip niya lang akong  isayaw?! Samantalang ang daming nagkakandarapa sa paligid na maisayaw lang niya...ta's akong nananahimik?! That's bullshit!

"'Wag na 'wag mo na 'kong lalapitan!" Banta ko sa kaniya bago siya talikuran. Pero bigla niyang hinatak ang braso ko at natangay ako papalapit sa kaniya. Sobrang lapit at isang dangkal na lang ang layo.

Namumula ang pisngi niyang sinampal ko at nag-iigting ang panga.

"How many times that you shouted on my face to leave you alone...I fucking tried! Just..." Yumuko siya na tila nahihirapan sa susunod na sasabihin. Nanatiling nakayukos ang mga palad ko dahil mahigpit ang taban niya sa braso ko.

"Just don't tease me to come near you...God! This is fucking crazy, I'm crazy!" He cursed different curses at bahagyang lumuwag ang taban sa akin.

Nagkaroon ako ng pagkakataong lumayo sa kaniya. Pero ang mga paa ko ay tila nadikit na sa sahig. Nakaawang ang bibig ko at naghahabol ng hininga.

"W-what do you mean?" My jaw clenched. Nanggigigil ako na para bang ipinamumukha pa niyang kasalan kong lumalapit siya sa akin.

Bago pa may lumabas sa bibig niya ay lumapit na sa amin ang blangkong si Edward. Tumabi siya sa gilid ko at nakita ko ang pagsunod ng tingin sa kaniya ni Chandel. Madilim at tila gustong manapak sa naudlot na eksena.

"Ang tagal mo...you're here lang pala," sabi niya sa akin at tinabanan ang braso ko.

"Sorry, bro---" hindi na naituloy ni Edward ang sasabihin dahil mabilis na akong tinabanan sa kamay ni Chandel at hinatak sa papalapit sa kaniya. Tumama ang balikat ko sa kaniyang dibdib.

Inokupa ng isip ko ang malamig at malambot niyang kamay na mariin ang hawak sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente.

"I'm talking with her...leave us alone," pagalit niyang sambit.

Parang nainis naman si Edward sa humalukipkip sa harapan namin.

"Isn't rude to just snatch my date?" Sarkastiko siyang ngumisi.

"Oh, thanks to remind that. I'm gonna snatch her for tonight!" kabaligtaran naman ang isang 'to. Hindi niya maitago ang galit sa mukha niya.

"T-teka nga!" Hinarap ko siya. "Ano bang ginagawa mo?!"

Snatch her for TONIGHT?! Ganon ba ang ibig niyang sabihin o ako lang ang nagbibigay ng ganong meaning?!

"I don't know what I'm fucking up to!" salubong na salubong ang kaniyang kilay.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon