Ako...
Ako si Antonia De Guzman. Maraming masasakit na bagay na napagdaanan dahil sa pag-ibig. Isinumpa ang pag-ibig pero walang nagawa nang tumirada ito. At siya...
Siya si Chandel David...ang tinitingala at pinapangarap ng mga kababaihan at kabaklaan. Ang isa sa prinsipe ng school namin. Maraming pinaluha at iniwang mga babae.
Gusto niya ang mga babaeng halos perpekto ang mga katangian. At ako...hindi ako perpekto. Mas marami pa ang aking kapintasan kaysa sa magandang mga katangian ko.
Pero anong biro ang ginawa ng tadhana? Nahulog ako sa bitag ng pag-ibig. At may kasama akong nahulog.
Si Chandel David ay nahulog din sa akin. Hindi kapani-paniwala pero sa akin nahulog ang isang tulad niya.
Expected na niyang hindi magiging madali...but atleast, hindi siya sumuko. At sana hindi na sumuko. Dahil pinasok ko na rin ang mundong ito.
Totoo nga sigurong may karma ang lahat ng maling mga nagawa mo.
At ako...ako ang karma niya sa mga kabulastugang nagawa niya.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Novela JuvenilTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...