"'Wag na! Busog na ako." Malamig na sinabi ko sa kaniya at tinalikuran siya.
Kainis! 'Di man lang maapektuhan sa ginawa kong kamalditahan.
"I'll cook again. Promise, masarap na sa susunod." Sumunod siya sa akin habang binabalagtas namin ang sala.
Wala na ang mga tao ron! Asan na ang mga kaibigan ko at niya?!
"Ayoko na! Teka...asan na ba mga letseng 'yon?" Sabi ko at hinanap sa buong bahay ang mga tao habang sinusundan niya ako pero wala kaming nakita.
Set up ba 'to?! Binuksan ko ang pinto at nakitang naka-lock iyon.
"Shit!" Mura ko.
"Why?" Sabi ni Chandel at lumapit sa akin. Naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko.
Napalayo ako sa kaniya at parang nawi-weirdohan naman siyang lumapit sa pinto at pinihit ang doorknob. Hindi rin niya mabuksan.
Ni-lock kami! Mga walanghiyang iyon! Sasapakin ko sila isa-isa pag nakita ko sila!
"May alam ka ba dito?!" Galit na paratang ko kay Chandel.
"What? Of course not! I won't deny, I like this situation. But I don't wan't you get mad of me." Aniya at pilit pinihit muli ang doorknob.
"'Wag ka nang mag aksaya ng lakas! Punyeta! Aaargh!" Inis na iniwan ko siya don at pumunta sa aking kwarto, ang kaso nakalock din. Pati kwarto ni Devine naka lock! Magaling, mauutak!
Sa inip ay naupo na lang ako sa sofa. Alas nuwebe pa lang ng umaga. Ano ba kasing naisip ng mga ito at nambubulabog ng ganito kaaga?!
Huminto sa harapan ko si Chandel at nag-aalinlangang umupo sa tabi ko. Nang makitang uupo na siya ay saka ako nagsalita.
"Wala kang karapatang maupo...gusto mo ako 'di ba?" Matapang na tanong ko.
Hindi pa ako tapos...pahihirapan ko pa siya.
"Na-uh. Mahal kita, hindi lang kita gusto. There's a huge differences between like---"
"Whatever you say, Chandel David." Putol ko sa kaniya at biglang tumayo.
"Marami atang hugasin. Hugasan mo ang mga pinggan." Utos ko at napatayo naman siya. He smirked.
"Malinis o marumi, hugasan mo lahat. Lahat-lahat ng kitchen utensils." Dugtong ko na ikinawala ng ngisi niya.
Akala mo ganon ako kadali, ha? Dream high, monkey!
Pinaghugas ko nga siya ng mga gamit namin. Binantayan ko siya sa kusina dahil baka dayain ako. Mahirap na.
Nakakapangalahati pa lang siya ay tagaktak na ang pawis niya. Siguro ay maski sa kusina aircon ang bahay nila kaya hindi siya sanay dito. Dapat lang 'yan para lalo pa siyang maghirap.
Naghugas siya ng kamay kaya nagtaka ako. "Oh, suko ka na?" Tanong ko nang harapin ako nito.
As expected...hugasin palang 'yan, ha.
"Nah. I'll just take off my shirt. I'm sweating." He smirked at hinubad sa harapan ko ang kaniyang pang itaas.
Oh, fucking damn shit!
Lumabas ang kumpleto niyang mga abs. Namamawis ito na nakadagdag sa hotness...wut?! What the fuck I'm saying?
"Seems like you're drooling over my body. Don't worry---you own me and you can stare at it whenever you wan't. You can also touch it if you wan't too." Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"S-sira ulo! Bilisan mo nga diyan! Nauubos ang oras!" Sinamaan ko siya ng tingin kahit na pakiramadam ko'y nag-iinit na ang pisngi ko.
Humalakhak siya at kinindatan pa ako bago ituloy ang ginagawa. Kaya naman nakailang amba ako ng suntok habang nakatalikod siya.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Ficção AdolescenteTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...