CHAPTER 38

328 4 0
                                    

"Saan ka magki-Christmas?" Tanong ni Edward habang naglalakad kami at kumakain ng streetfood.

"Uhm, uuwi kami sa probinsya." Sagot ko habang ngumunguya ng betamax.

Hanggang ngayon ay natatawa parin ako sa pagtatagalog niya. Kundisyon ko kase sa kaniya 'yon para pumayag akong maging kaibigan siya.

Pagkatapos ng lunch na 'yon ay naging close na kami. Nalaman ko na ang buong istorya ng issue sa kaniya na sa ngayon ay humuhupa naman na.

Si Edward ay nag-iisang anak ng sikat na German business tycoon...noon. Lumaki sa States at nag migrate lang dito sa Pilipinas. Namatay ang ina niya noong nakaraang taon lamang. At nang mabasa ng ama niya ang last will nito na umaamin at nagsasabing hindi nito tunay na anak si Edward. At anak siya sa ibang lalaki. Hiniling ng ina niya na tanggapin si Edward dahil alam niyang napamahal na ito sa asawa. Ngunit iba ang kinalabasan. Ang dating sikat at wala nang halos bakanteng oras para magliwaliw na si Edward Burgins ay itinakwil ng kaniyang tumatayong ama. Dahil nga sikat ito at makapangyarihan, tinanggal siya sa lahat ng agency at tinanggihan ng mga management sa pag momodelo. Mabilis ding kumalat ang issue kaya naman mabilis din ang pagbabago sa buhay niya.

Ang masakit don...hindi niya rin kilala ang totoo niyang Tatay.

Kaya naman pala magaan ang loob namin sa isa't-isa. Iisa ang pinagdadaanan namin. At least siya nakasama pa niya 'yung mommy niya...ako sa picture ko lang nakita.

"Wala ka nga palang kasama sa pasko," bigla kong naalala at tinignan ang reaksyon niya.

Nakatira siya sa isang apartment ngayon. Ginagamit niya ang savings at mga kinita niya para mamuhay mag-isa. Hindi naman mayaman ang mommy niya at nakapang-asawa lang ito ng business tycoon kaya wala rin itong naiwan sa kaniya. Wala na rin siyang natitirang kamag-anak.

"Owkey lang...sumali ka nalang sa ball para hindi boring ang Christmas ko," ngumiti siya at ngumiwi naman ako.

"'Di ba sabi ko na sa'yo ayoko sa party at hindi ako magsusuot ng dress at takong," ungot ko.

"What about, suotin natin ang damit kung saan tayo comfortble...I'll join you," kulit pa niya.

"Anong oras na nga 'yon?" Tanong ko.

"7:00 pm ang start."

"Sige, tutal nakakaawa ka naman...uuwi rin ako ng 9:00, ha?" Sabi ko habang nakaduro sa kaniya ang stick ng betamax.

"Ohh, that's too short---and boring," reklamo niya.

"Bakit ba kasi gusto mong um-attend? Kung wala ka ngang friends at close dun, ba't ka pa a-attend?"

"That's why I'm asking you to join me...cuz that day is also my special day, I wan't to be happy even on that night lang. I probably wont celebrate Christmas because I'm alone." sabi niya na ikinalungkot ko. May naramdaman akong awa para sa kaniya, mas swerte pa rin pala ako dahil may matatawag at uuwian pa akong pamilya.

I bring back my compotion dahil ayokong mabasa niya ang awa sa akin. Dahil ako mismo, ayokong kinaaawaan ako.

"Weh? Birthday mo?" tanong ko.

"Yes, my 18th birthday," sagot nito.

"Sabi mo 18 ka na!"

"Well, that's already counted," depensa niya.

"O sige-sige! Basta magji-jeans lang ako, ha?" Kahit na mukha akong tanga non at hindi appopriate sa okasyon.

"Yes, magji-jeans lang din ako para naman 'di ka out'ef place," sabi niya pa.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon