Hindi ko inalis ang titig kay Sunny Monteverde na ngayon ay nakataas narin ang isang kilay sa akin. Nakapadikwatro sa isang silya at nasa akin rin ang paningin.
Lumapit ako sa pwesto nila. Mahigpit ang kapit sa strap ng backback. Nanggigigil ako.
Kung hindi ko lang sana siya nakitang may tabang marker kanina, baka sakaling hindi ko siya paghinalaan. Boba ang hinayupak! O baka naman, talagang iniinis niya ako?
Mataman ko siyang tinitigan, nawala lang iyon nang humarang si Airra at ang dalawa ko pang kaibigan sa harap ko.
"Nag cutting ka na naman?" Si Devine."Grabe ka, Tony. Kung makapangaral ka sa'kin ta's ikaw pala 'tong mas malala? Nag-alala kami sa'yo. Wala ka sa klase mo at hindi ka ma-contact!" Nanunumbat. Hindi ko siya pinansin.
"Sabi ni Idol---este ni Sunny, nakita ka raw niya sa library, natutulog?" Nag igting ang bagang ko. Idol? So, ito pala ang role model ng school? Ha, Airra?
Ganda ng itsura...almost perfect tapos bully naman pala?
"Ano bang nangyayare sa'yo, Tony? Napapadalas na ang pagdi-ditch mo, ah?" Anaman ni Anne. Kailangan tigi-tigisa talaga sila ng line? Mga wala namang alam. Tsk
"Sabi niya bigla ka na lang daw umalis, eka pa nga, maybe she's still strolling around, bigla na lang kasing umalis..." ginaya pa ni Airra ang may accent na Inggles ni Sunny Monteverde. "Aba, totoo nga! Nature tripping pa ang nais mo?!" Hindi ako nag salita. Tinitimbang ko ang emosyon ko. Nagtitimpi.
"Mag salita ka kaya. Mukha kaming tanga dito. Alam mo, isusumbong na kita kay Lola!" Mabilis na dumako kay Devine ang paningin ko. At doon, hindi na ako nakapagtimpi.
"Anong alam mo? Wala. Wala kang alam, Devine," walang reaksyon ko ring isinumbat sa kaniya.
Buong buhay ko, wala akong pinagsabihan ng nararamdaman ko.
Hindi ko isinusumbat na wala silang alam sa nararamdam ko dahil pabor din sa'kin iyon. Ang punto ko ay 'wag siyang nagsasalita ng walang nalalaman.Oo, may mali ako sa pagtulog sa library. Pero hindi ko naman ginusto ang mag ditch ng klase. At ang ikinagagalit ko pa, ba't mas pinakinggan muna nila si Sunny kaysa sa panig ko? Alam ba nila 'yung ginawa niya? Alam ba nilang pinagtripan ako niyang idol nila? Wala. Wala kase silang alam.
Mabilis ngang nangilid ang luha ni Devine gaya ng nakasanayan. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Parang siya lagi 'yung aping-api.
"N-nag-aalala lang kami sa'yo! Minamasama mo pa?! H-hintayin mo, Tony! Malapit na malapit na! Wala nang magtatagal diyan sa ugali mo!" Tumulo ang luha niya. Kumirot naman ang dibdib ko. Parang may punyal na paulit-ulit na bumaon don.
Alam kong walang magtatagal sa akin, Devine. Bago mo 'yan mapagtanto ay napagtanto ko muna.
Kaya siguro ako hindi pinanagutan ni Papa at sinubukang ilaglag ni Mama ay dahil alam nilang pahirap lang ang maidudulot ko.
Alam at naiisip ko na 'yon simula pa lang. Pero ang marinig sa bibig mismo ng isa sa mga mahal ko sa buhay ay literal na nakabababa. Parang hukay na unti-unti akong hinihigop at nilulunod.
Paulit-ulit akong lumunok. Parang may batong nakabara sa aking lalamunan.
"Sige. Ako na ang male."
Tinalikuran ko na sila bago pa tumulo ang luha ko. Narinig ko ang hagulgol ng pinsan ko bago ako nagsimulang tumakbo. Tumakbo ako hanggang sa abot ng aking makakaya. Mura ako nang mura. Kahit kailan ay ayoko talaga ng drama. Ayokong-ayoko ang umiiyak.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero isang tao at lugar lang ang pumasok sa isip ko. Miss na miss ko na siya. Kaya siguro ako nagiging ganito ka-emosyonal.
Pumara ako ng jeep at pinalis ang luhang tumutulo. Dahil nakita kong puno na ang mga upuan ay sa mismong sampahan na lang ako sumabit. Pinagtitinginan pa ako ng ilang pasahero. Kita ko ang pag dungaw ng driver sa akin.
"Miss, delikado diyan. Pumasok ka,"
Suminghot ako at kumapit na sa bakal sa gilid. "Hindi na ho. Kaya naman. Hanggang terminal lang naman ho ako."
Nakita ko ang pag iling niya at pag ungot ng ibang matatandang pasahero dahil baka mahuli pa raw kami sa ginagawa kong pagsakay.
Napairap ako nang hindi parin umusad ang jeep. Buti nalang at hindi traffic, nasa gilid parin kami ng maluwang na kalsada.Bumaba nalang ako. Ako'y napupunyeta e. Pati ba naman sa jeep ay perwisyo ako? 'Di 'wag! Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo. Kabadtrip kayong lahat!
Yumuko ako nang umalis ang jeep.
Halos mapatalon ako nang may malakas na busina akong nadinig.Sige, mamatay na kung mamamatay! Perwisyo 'di ba?! Then, God, take me! Kunin mo na ako, tutal wala naman akong magandang dulot dito sa mundo. Ano pang purpose ko?!
"If you really want to die, bibigyan kitang lubid. Para patay ka agad at wala ka ng maperwisyo pang driver," narinig ko ang pagsara ng pintuan. Pabalibag.
Napadilat ako at si Chan ang namataan ko sa aking harapan. Nasa dalawang bulsa ang mga kamay, nakatayo sa gilid ng kaniyang asul na kotse.
Napabuga ako ng hininga. Hindi ko maiwasang mainis. Isa ang pagmumukha niya sa mga taong ayaw kong makita sa ganitong sitwasyon. Bukod sa ipinapaalala sa akin ang ginawa ng kaniyang gelpren ay ayoko ring mag mukhang katawa-tawa sa harapan niya.
"Pakialam mo? Edi dumaan ka na. Tangina." Nag igting ang kaniyang bagang bago unti-unting lumapit sa pwesto ko.
"Kasalanan mo rin naman 'yon ba't hindi ka nalang nag sorry kanina sa mga kaibigan mo? Gustong-gusto mo ba talagang ginagawa ang mga bagay na delikado at mapapahamak ka?" Inismiran ko siya. Pati ba naman ang isang 'to ay manunumbat? Ano bang alam nila?! At anong pakealam niya?!
"Bukod sa paggawa ng gulo sa bar, pag ka-cut ng klase, pag patol sa mga away at pagsabit sa jeep na parang hindi gawain ng isang babae ay ano pa ang alam mong gawin?" Kunot ang noong aniya."Kaya ko pang gawin..." Tinitigan ko siya habang tinuturo ang sarili ko. "Kaya kong kalbuhin si Sunny Monteverde," ngumisi ako sa kaniya.
Nangunot ang kaniyang noo at nag iwas ng tingin sa akin.
"Go home and talk to your cousin, you made her worried so stop being so foolish." Napaismid ako.
Bakit ba ang big deal, big deal?! Kung tutuosin ay napakaliit lang na bagay 'to. Kaya kong bigyang paliwanag sa kanila para matahimik sila. Pero pinalala lang naman ng maling kwento! Napaka witch ng babae na iyon, nakakapanginig ng kalamanan!
Tinalikuran ko siya bago pa ako may masabing masama. Hindi dapat ako nakikipag koneksyon sa mga tulad nila. Hindi por que nakausap ko na sila ng isang beses ay pwede na silang manghimasok sa away na wala naman dapat sila.
Kung wala lang siguro sila sa buhay namin ay hindi kami mag aaway ni Devine ng ganito. Masaya sana.
"And where the hell are you going?" Nasa gilid ko na pala siya sakay ng kaniyang asul na kotseng bukas ang bintana. Mabagal ang takbo at sinasabayan ang lakad ko.
"Ano bang pake mo?! Get lost!" Lalo ko pang binilisan ang lakad.
"Tss... sakay," wala kang nadinig, Tony. Guni-guni lang iyon. Tumakbo na ako. Humarurot din ang kaniyang sasakyan at naabutan ako.
"I said, get in!" Narinig ko ang sigaw niya pero nagtatakbo parin ako sa sidewalk.
Mabuti na lang at nasa high way na kami. Mabilis ko siyang naiwala sa traffic at kumpulang sasakyan.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Novela JuvenilTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...