Nakapikit ako buong byahe. Naka earphone at hindi dumidilat. Naka high volume din ang music ko. Hindi ko pinansin ang paligid.
Nakakuha ako ng mensahe mula kay Devine kanina. Sa apartment namin kami hihinto at magpapahinga ng ilang oras. Aakyat kami ng Baguio bandang ala singko ng hapon. Uuwi naman sina Anne sa kanila para mag paalam. Good luck na lang sa strict nilang parents.
Dumilat lang ako nang maramdamang huminto na ang sasakyan. Nag pa-park na kami sa gilid ng kalsada. Nang maramdamang tama na ang pagkakaparke ay saka ko binuksan ang pinto. Bumaba ako at mabilis na naglakad. Hindi na makapag hintay ang mga paa kong makalayo don.
Narinig ko pa ang mga pintas na may halong papuri nila Tita sa apartment namin. Binubuksan na ni Devine ang pinto ng apartment. Nang matanggal niya ang lock ay ako ang kauna-unahang pumasok. Nagtatakbo agad ako sa aking kwarto at saka nagkulong.
Humilata ako sa aking kama. Iniisip na 'wag nang sumama pa. Bakit ganito?
Dapat hindi ako nagpapa apekto. Nasasa akin na lang kung hahayaan kong maapektuhan ako. Dapat chill lang. Relax!
Alas tres palang sa wallclock namin. May dalawang oras pa ako para umidlip. Pero paniguradong bibisita si Lola sa kwarto ko, pagagalitan na naman ako non pag nakita niyang 'di pa ako nag-iimpake.
Ang sabi niya ay mga ilang araw lang daw kami don. Ilang araw ba ang kailangan nila? Dalawa? Tatlo? Sana naman ay hindi na sumama ang Winston princes. Pero paniguradong kasama si Arki, sa villa raw nila kami tutuloy.
Nakakaasar lang talaga! Dinadala rin ba nila ang mga babae nila sa bakasyunang pag-aari nila? Isinasama rin ba nila ang pamilya ng mga babae para makuha nila nang tuluyan ang loob nito? Pag nakuha na ang gusto ay ano? Iiwan? Boys!
Hindi na nga ako nagulat nang may kumatok sa aking kwarto. Tamad kong pinapasok si Lola.
Iginala niya agad ang paningin sa aking kwarto.
Maliit lang ang apartment namin, kasya lang kami ni Devine. Hindi naman siya mukhang tirahan ng mga daga sa sobrang liit, maayos naman kahit papano.
"Hindi ba kayo natatakot na dalawa rito?" Umupo ako sa kama at tinitigan lang si Lola habang binubuksan nito ang dresser ko.
"Hindi ba masyado ng huli, 'La para maitanong niyo 'yan?" Nag peace sign agad ako nang samaan ako nito ng tingin.
"Masaya ka naman ba dito?" Maya-maya'y aniya. Sinilip pa niya ang loob ng banyo ko.
Mabuti na lang at hindi ako tamad mag linis ng kwarto. Ayoko rin namang natutulog sa marumi at makalat na silid.
"Uhm...opo," nilingon niya ako at saka dahan-dahang lumapit sa akin.
Gulat ako nang himasin niya agad ang ulo ko. May pumasok tuloy sa isip ko...
"Nay, sigurado ka bang hindi ka na nag me-mens? Abot ang mood swings mo e," napahagikgik ako nang kurutin niya ako sa tagiliran.
"Pinagagalitan kita dahil para rin sa'yo 'yon! Maging masunurin ka lang lagi, hindi na kita pagagalitan kahit kailan! Ang maipilit mo kase e,"
Napanguso ako. "Nagbibiro lang naman ako e,"
"Manang-mana ka sa Mama mo. Noong nabubuhay pa siya ay hindi rin namin mapasunod iyon."
Bumagsak ang balikat ko. Ewan ko. Pero parang may bumara sa lalamunan ko. Ganon ba kasama na marinig na nagmana ako sa Mama ko?
Matigas 'yung ulo? Does it mean na magagawa ko rin ba ang mga nagawa niya?
Nainis ako bigla sa sarili ko. E ano kung nagmana ako kay Mama! Ano naman, Tony?! Nanay mo parin siya kahit na ano mang gawin niya!
"Sige na, mag ayos kana ng mga gamit mo. Maya-maya lang ay nandito na ang mga kaibigan niyo," hinaplos niya ang aking balikat bago niya ako iwan sa aking kwarto.
Mabilis akong umiling sa sarili at saka naghanap ng gagawin. Kailangan ko nang magising. Puro over thinking na ako nitong mga nakaraang araw.
Naligo akong muli matapos makapag ayos ng mga gamit na dadalhin. Naka faded jeans, sneakers at white vneck shirt lang ako. Naglabas din ako ng jacket if ever na lamigin. Laking pasasalamat ko at hindi ko na muling maisusuot ang mga letseng bistida na 'yon!
Saktong nakaharap na ako sa salamin at nagpupusod na ng buhok nang katokin ako ni Dian sa aking kwarto.
Nasa baba na raw ang mga kasama namin. Nag harumento na naman ang mga walang hiya kong kalamnan. Para akong lumulutang!"Sigurado kayong wala kayong naiwan, ha? Ikaw, Tonia?" Umiling ako kay Tita Fe at saka binuhat ang dala kong malaking bag at isinukbit ang isa pang backpack.
"Ma, baka raw nandon sina Tito at Tita, maayos naman ako, 'diba?" Nangunot ang noo ko kay Devine na abot ang ayos ng buhok sa aming sala. Hinihintay na lang namin si Tita Rina na nag banyo muna.
"Sinong Tito at Tita?" Baling ko kay Devine kahit na may ideya na ako.
"Okay ka lang, Devine! Syempre, anak kita e!"
"Mas maganda parin ako sa'yo, Ate!" Nailing ako sa mag-iina na hindi pinansin ang tanong ko.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta muna akong kusina at binuksan ang ref namin. Saktong may protein shake pa don. Kinuha ko 'yon at binaon.
Nagsisilabasan na sila pagbalik ko ng sala. Ako ang huling lumabas at nag lock ng pintuan namin. Nasa gate agad namin sina Airra at Anne. Nag kasama-sama kami pati si Devine na hinihintay ako.
"Hindi raw makakasama si Baycon. May family dinner sila mamayang gabi. Sayang talaga!" Ngumuso si Airra at sinubukang hablutin ang taban-taban kong shake. Inilayo ko sa kaniya 'yon.
"Hindi ba siya pwedeng sumunod?" Si Devine.
"E, hindi na 'yon papayagan. You know naman? Malayo ang Baguio at mahirap bumyahe ng mag-isa." Nagsalita ang mala-stalker na si Airra sa sobrang daming alam.
"So, san ka sasakay?" Si Anne. Naka lugay ang mahaba niyang buhok.
"Kay Chandel, syempre! Wala naman akong choice... Pero gwapo rin 'yon, friend! Papasa sa top 10 ko!" Nag iwas agad ako ng tingin.
"Kung tutuosin, siya ang pinaka gwapo sa kanilang pito. May pagka suplado nga lang kase," si Anne.
Napaismid ako. Puro kasinungalingan.
"Kaya maswerte itong si Tony e, atleast siya binubully-pero napapansin parin!" Halos hablutin at kalmutin ko si Airra nang marinig 'yon.
Nagtakbuhan sila at nagtawanan. Lumabas na kami ng gate. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa tuwing maaalala kong sa sasakyan na naman niya ako sasakay. Good thing at nandiyan na si Airra. Pero parang gusto ko paring mag back out.
Nagkalabugan ang mga pinto ng kotse nang isa-isa na silang sumakay. Tinted ang kotse ni Chan, wala akong maaninag sa loob pero nag iwas parin ako ng tingin. Kung pwede lang talagang makipag palit ng sasakyan.
"Sa front seat ka na," iminostra ko kay Airra ang harapan. Inirapan niya ako pero sumunod din naman.
Nanlaki ang mga mata ko nang buksan ang pinto sa back seat.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...