CHAPTER 34

336 5 0
                                    

Dumating ang araw ng pasukan at namamanhid parin ang katawan ko sa aking higaan. Tapos na, Tony. Nasa Manila ka na, wala na sina Lola at Tita. At tulad ng plano mo...iiwasan mo na rin ang Winston princes. Ilalayo mo na rin ang landas mo sa kanila.

Pinsan ko si Devine kaya hindi pa rin ako mawawala sa tabi niya para bantayan ang mga kilos niya. Di-distansya lang ako...babalik sa dating ako. 'Yung boring at simple kong mga araw pero hindi ko kina-uumayan...dahil mas gusto ko 'yon.

Tumunog muli ang aking pinto sa mga katok ni Devine. Walang gana kong tinanggal ang kumot sa aking mukha at dumiretso na ng banyo. Hinayaan ko lang siyang dumaldal nang dumaldal sa labas ng aking kwarto.

Inayos ko ang aking mga gamit sa school pagkatapos maligo. Pagkababa ko ng sala ay gulat akong hindi madatnan si Devine don. May nakita akong nakadikit na note sa aking tumbler sa loob ng aming ref nang iinom sana ako ng tubig. Kinuha ko 'yon at binasa habang tumutungga ng tubig.

Good morning, mahal kong pinsan! Naka-lock 'yung pinto mo at mukhang tulog ka pa. Kilala na kita, you know naman? Pag tinatamad kang pumasok nagtutulog-tulugan ka! At dahil nga bumabawi ako sa'yo, 'di kita isusumbong kay Lola na a-absent ka! Pero ngayon lang ha? Kumain ka na jan! Nagluto ako. Bye~ mwa! Xoxo.

Siraulong Devine na 'to. Nalate lang e. Tsss. Palibhasa ang aga-aga na niyang pumasok ngayon. Kinain ko naman ang niluto niyang umagahan bago pumasok. At paniguradong mawiwindang iyon pag nakita ko sa school.

Nang makarating ako sa school ay late na 'ko ng 40 minutes. Naisipan ko kasing maglakad kaya mas lalo akong na-late. At least maaga parin para sa second period. Isinakto ko namang tapos na ang first period bago ako pumasok sa campus. Tumambay pa muna kasi ako sa guard house at nagpalusot sa gwardya na masama ang pakiramdam ko kaya doon muna ako hanggang sa matapos ang first period.

Naglalakad ako sa corridor nang mamataan ko ang mga prinsipe ng school. Tapos na ang first period at sobra-sobrang kaguluhang ang nadudulot nila sa school na 'to. Lalo na 'yung makikita mo silang naglalakad ng sabay-sabay sa hallway. Ang lakas makatangay ng hangin. Sabayan pa ng bulung-bulungan at sigawan ng mga babae't mapa-bakla. Daig pa nila ang mga artistang rumarampa sa entablado. Kahit na may kulang na isa sa kanila...

Dati-rate, dumaan man sila sa harapan ko ay wala akong pakialam. Kaya nga hindi ko alam na nage-exist pala sila sa school. Ako lang ata ang walang alam...

Ang nakasama namin sa probinsya at Baguio ay apat na nilalang lang. Wala pa 'yung tatlo. At ngayong nakikita ko silang naglalakad sabay-sabay...ngayon ko narealize na ang taas ng tingin sa kanila ng school na 'to. Bansagan ba naman ng Winston princes? Parang mga adik lang.

Umirap ako sa ere at nag diri-diretso lang sa paglalakad ng taas-noo. Tulad ng dati...parang bula lang sila. O kaya invisible.

"Uy, Tony," Si Deoffy. Pero parang hangin lang akong lumampas sa kanila. Hindi ko siya pinansin o nilingon man lang.

"Sungit talaga ng isang 'yon, kala mo espesyal!" Sabi ng isa sa kanilang hindi pamilyar ang boses. Humigpit ang taban ko sa aking backpack.

Pakyu sa inyo, mga tukmol! E ano kung hindi ko kayo pinansin? Patunay lang 'yon na hindi lahat lalambot sa mga pagmumukha niyo! Damn you all, rot in hell!!!

Pagpasok ko ng classroom ay nakita ko pa ang paghi-head to foot sa akin ng maldita kong kaklase. Kilala siya bilang warfreak. Pero napapansin ko nitong mga nakaraang araw ko sa eskwela na sinusubukan niya 'kong i-approach. Pero hindi ko siya pinapansin. Kaya ayan, kung maka-head to foot parang ang laking bagay na ini-snob ko lang ang isang tulad niya.

Masama na ba ang ugali ko kung dumidistansya ako sa mga taong alam kong wala namang magandang idudulot sa akin? Hindi lang lalaki ang kayang makapanakit ng damdamin ng isang babae...friends can hurt you too. Kaya nga mahirap magdidikit sa tao ngayon. Kontento na 'ko sa mga kaibigan ko ngayon.

Isang malaking sampal ang balik sa klase matapos ng mahabang break at pagliliwaliw dahil sa Foundation day ng school. Morning session palang at tambak na ang mga quizzes at assignment namin. Ilang beses din kaming napagalitan dahil puro mababa ang aming nakuha sa surprise quizzes. Hellow? Surprise quiz nga e! Natural 'di kami nakapag-review. Kaya naman pinagalitan kami...kasi 'di raw kami nagbabasa ng notes kahit na may program pa.

Kaya naman hindi na ako lumabas nang mag break. Trip ko lang din talaga sa school gumawa ng home works. Halos mabaliw rin ako sa mga missing numbers na pinasasagutan sa'min sa Entrepreneurship para makumpleto ang balance sheet. Kahit na subtraction at addition lang 'yon, nalilito parin ako. I hate math!

Wala tuloy ako sa wisyo nang mag lunch. Pumasok ako sa cafeteria nang hindi naiisip ang mga barkada kong maaaring wala roon ngayon at nakikisabay kumain sa Winston princes sa tambayan nila sa likod ng building ng mga psychologist.

Pero bago pa ako lumiko para makapasok sa cafeteria ay natagpuan na ng paningin ko si Chandel David at Sunny Monteverde sa entrance ng cafeteria na masinsinang nag-uusap. Nakikita ko palang ang pagmumukha ng babaeng ito ay gusto ko na siyang sugurin at sabunutan. May atraso pa siya sa'kin!

Nang makauwi kami galing Baguio ay ngayon ko na lang ulit nakita ang lalaking ito. Siguro ay sobrang saya niya sa Baguio dahil sinundan siya ng pinakamagandang babae sa school.

Nakatindig sa harapan ni Sunny si Chandel na nakatalikod naman sa aking pwesto. Tumaas ang isang kilay ni Sunny sa kausap bago humagalpak ng tawa. Huwaw! Ang sarap niya talagang sapakin!

Dumaan ako sa gitna nila at hindi inalintana ang paglalampungan nila. At sa entrance pa talaga ng cafeteria! Tsss.

At kaya naman pala nandyan ang unggoy na 'yon ay dahil nandito ang mga kapwa niya! Anong nakain ng mga 'to at dito tumatambay sa crowded? Ba't 'di sila pumunta sa teritoryo nila at doon maghasik. Hindi 'yang itong cafeteria ang binubulabog nila.

Parang kakain na ng tao ang ibang obsessed students na taga hanga nila dahil nakikitang nasa table nila ang mga kaibigan ko. At syempre, sila na naman ang sentro ng bulung-bulungan. Nakakawalang gana tuloy kumain.

Dumiretso na ako sa linya para umorder at mukhang hindi naman ako napansin nila Devine. Balak ko ring huwag magpakita sa kanila...baka ayain pa ako sa table nila, wala rin akong balak na makiupo.

Sa pinakasulok ako umupo dahil nasa bandang gitna sila. Nakihalo ako sa mga junior na nasa isang table at tahimik na kumakain. Inilabas ko rin ang earphone ko at nagpasak sa tainga para makinig ng music habang kumakain.

May 1 message rin ako mula kay Gian na nagpapasalamat sa binili kong damit para sa kaniya. Hindi ko na 'yon nireplayan dahil wala akong load.

Napaangat ang tingin ko nang may biglang umupo sa aking tabi. Isang lalaking nakasuot ng cap at may seryosong mukha habang inaayos ang mga binili niyang pagkain. Bigla siyang bumaling sa akin at may sinabi. Hindi ko 'yon nadinig kaya wala sa sariling tinanggal ko ang earphone sa aking tainga.

"You done staring?" Ulit niya at pinagtaasan ako ng kilay.

Narinig ko rin ang bulungan ng mga nasa table na 'to. Male. Lahat pala ng tao ay nakatingin na sa table na 'to at ngayon ko lang 'yon napansin.

"Siya 'yung sikat na modelo 'di ba?"

"Ang balita ko ay nabuking na anak 'yan sa labas?"

"Hindi talaga siya half German?"

"Oo eh,"

"Sikat pa namang businessman ang Daddy niya,"

"Pure Filipino, gwapo lang talaga kaya mukhang half... pero pina-DNA raw sabi ni Mommy, negative,"

"Illegitimate son?"

"Yes!"

Marami pa silang sinabi pero nanatili lang ang mata ko sa lalaking ito sa aking gilid na parang walang naririnig.

Napabuntong hininga ako at inilapag sa harapan niya ang aking earphone na hugot na sa aking cellphone.

"Isuot mo nang wala kang madinig na mga walang kwentang salita." Sambit ko sa kaniya bago tumayo sa aking upuan at naglakad palabas ng cafeteria.

Naiwan siya rong laglag ang panga sa ginawa ko.

Ewan ko. Pero parang nakaramdam ako ng awa sa lalaking 'yon. Biktima lang din siya...ng pag-ibig o tawag ng laman ng parents niya. Wala namang kasalan ang mga anak...pero bakit parang palagi nalang sila 'yung kawawa? Samantalang hindi naman nila ginustong ipanganak ng ganon.

Bakit?


I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon