CHAPTER 24

372 6 0
                                    

Ano ba ang pag-ibig? Para sa akin, ang pag-ibig ay isang salita lamang. Iibig at masasaktan ka. Kumbaga, sanggang dikit ng pag-ibig ang sakit.

Kaya nga nauso ang mga korning broken hearted.

Minsan, napapaisip na lang ako. Bakit gustong-gusto ng mga tao ang umiibig? Kung alam nilang sa huli, masasaktan lang din sila. Luluha lang din sila.

Paano naman ang mahihina ang loob? 'Yung mga taong tipo ang suicide. Iwan lang, naka laslas na. Nag bigti na. Nagpakamatay na.

Ganon katanga ang mga taong umiibig sa paningin ko. Bakit iibig kung alam na masasaktan lang din sila? Worth it pa rin bang ma-inlove kung magiging talunan ka rin sa dulo?

I always end up sighing deeply kapag pag-ibig na ang naiisip ko.

Nasa kwarto ako ngayong mag-isa at kumakain naman sila sa baba. Sinabi ko kay Lola na busog pa ako at siya na lang ang bumaba para kumain. Syempre hindi siya pumayag. Ayaw pa naman non na nagpapalipas ako ng gutom.

Hindi naman talaga ako gutom. Nag dahilan na lang ako naparami ang kain ko kaninang tanghali at halos hindi na malusawan. Mabuti ay effective!

Nagpunta ako ng banyo para maligo. May sariling banyo ang bawat guest room, sila na ang mayaman!
Hindi na ako nagtaka nang makitang may heater ang shower. Baguio 'to, natural nga naman lalo na sa mga mayayaman.

Tabi-tabi raw kami ni Devine, Airra at Anne sa higaan. Gusto pa sana kaming hatiin sa dalawa kanina ni Mang Senon dahil marami pa namang available na kwarto. Pero dahil nga lahat ay duwag. May dalawang matutulog sa sahig mamaya. Basta ako ay dito na sa bed. Nauna ako, sorry sila. Si Lola naman ay sa kabilang kwarto lang kasama si Tita Fe at Dian. Nakabukod din sina Tita Rina at ang mga anak niya.

At syempre ang mga hinayupak na Winston princes na sobrang hilig mag aksaya at mag solo. Tigi-tigisa lang naman sila ng kwarto. Nasa master bed room si Arki at sa kabilang master bed room naman ay si Chandel at ang kapatid niya. Nasa ibang guest room naman si Deoffy. Nag ayos na kami ng mga gamit kanina kaya alam na namin ang mga tutulugan namin.

Himala ngang pagbaba ko kanina ay nasa salas na ang mga gamit ko.

Nagsuot lang ako ng gray na tshirt at nag panjama pangtulog. Humilata agad ako sa kama at dahil sa pagod mabilis rin akong tinamaan ng antok.


Kinaumagahan ay nagising akong nakapailalim na sa tulog mantikang si Airra. Naka dantay lang naman sa akin ang dalawa niyang paa, nakapalupot din ang mga braso sa baywang ko.
Naka jacket na siya ng lagay na 'yan, pero dinaig pa ang naka aircon sa sobrang higpit yumakap.

Mabilis kong tinanggal ang kamay at paa niya. Bahagya siyang gumalaw at natanaw ko naman sa baba sina Anne at Devine, mga nakatalukbong at mahimbing parin ang tulog.

May kagaguhang pumasok sa isip ko. Malapit lang si Airra sa gilid ng kama, kagat-kagat ang labi kong sinipa si Airra para mahulog at madaganan ang dalawa sa sahig.

Nagpipigil ako ng tawang kumaripas agad ng takbo papuntang banyo.

Hindi ko napigilang tumawa ng malakas nang nasa loob na ng banyo. Narinig ko ang tili at bulyaw nila Anne at Devine kay Airra. Ang akala siguro nila ay sadyang malikot lang matulog ang ulikba.

Tatawa-tawa akong naglagay ng toothpaste sa toothbrush at saka nag sipilyo.

Nang lumabas ako ng banyo ay wala na sila sa kwarto. Baka bumaba na para mag umagahan. Hindi man lang nag abalang mag sipilyo ang mga bruha.

Nag pulbos lang ako sa mukha at saka lumabas rin ng kwarto. Pero hindi pa man ako nakakahakbang palabas ay bumulaga na sa aking gilid ang tatlo kong kaibigan. Napahawak ako sa dibdib at nagtatakang tinitigan ang mga pagmumukhang nilang mukhang may gagawing kagaguhan.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon