CHAPTER 14

367 10 0
                                    

Hinatak ko ang lubid pero mukang nag -iinarte pa ang mga kambing ni Lola. Inabot na ako nang pagdidilim dahil sa pagtambay dito sa bukid. Pinakain ko pa ang mga alaga niya ng dahon ng mangga pero hindi parin umaamo sa akin!

"Napaka feeling niyo namang mga hayop kayo! Aso ba kayo at namimili pa kayo ng amo?!" Patuloy kong hinatak ang tatlong lubid. Lalo silang nag ingay. Tila mabibigti na nga 'yung isa.

"Mga punyetang kambing na 'to, kung kumakain lang ako ng papaitan ay kinatay ko na kayo!"

Sumabog ang buhok ko sa malamig na hanging probinsya. Nalagtas ang letseng goma!

"Tinatakot mo kase kaya ayaw sumama sa'yo," narinig ko ang halakhak ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ito.

Naglalakad siya papunta sa akin. May bitbit na basket sa kaniyang kaliwang kamay. Puting sando na ang suot niya ngayon.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ko alam na updated na pala ang kambing ngayon. Nag iinarte na." Bulalas ko.

"Sa ingay nga nila ay napunta ako rito. Pupunta sana ako sa inyo," lumapit siya sa akin at saka inaangat ang basket na dala. "Santol saka hinog na sampalok."

Nagliwanag ang mukha ko. Napahagikgik siya at saka kinuha ang dalawang lubid sa kamay ko. Hinayaan ko naman dahil kanina pa masakit ang kamay ko, nakapaikot kase ang mga lubid don, nabibigti pag nagwawala ang mga kambing.

"Tulungan na kita at baka abutan ka pa ng dilim. Ikaw na lang diyan sa buntis," napalingon ako sa matabang kambing na natoka sa akin.

"Ito ba 'yung buntis? Akala ko mataba lang," tumango-tango ako.

"Kaya ingatan mo," tumawa na naman siyang muli at saka nagpatiunang inakay ang mga kambing. Nasa kaliwang kamay pa rin niya ang bitbit na basket.

Minsan talaga ay na wi-weirdohan ako sa kaniya. Lagi na lang naka bungisngis maliit o sa mapa malaking bagay. Paano na lang kung bungi na siya?

"Ba't ka tumatawa?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya.

Nakakatawa sigurong ang crush ng bayan ay mabungal. Ano ka ngayon, pag-ibig? People tend to look in physical appearance kase. Pag wala nang binatbat ang itsura, iiwan na. Kaya nga naguguluhan ako sa mga tao. Anong nagustuhan nila sa itsura? Oo, maganda ngang tignan. Pero dadating ang araw na papangit at tatanda rin naman iyan. Kukupas din!

"Wala. May naalala lang ako," palusot ko at saka nagseryoso.

Tahimik akong sumunod sa kaniya hanggang sa matanaw ko na ang aming bahay. Nakabukas pa ata ang lahat ng bombilya sa terrace nila Nanay at dalawa ko pang Tita. Sobrang liwanag ng bakuran.

"May bisita ata kayo," nangunot ang noo ko at sumabay kay Gian. Pilit inaaninag ang bakuran namin.

"Bakit?"

"May mga kotse sa kanto natin kanina. Doon ipinarada sa bakanteng lote dahil hindi maipapasok dito sa eskinita. E kayo lang naman ang may bahay dito. Kanina pa nga pinagkakaguluhan nila Mang Erning 'yon-"

"Punyeta," kumalabog ang dibdib ko.

At sa 'di nga kalayuan. Natanaw ko na nga ang mga pamilyar na bulto ng katawan sa likod bakod namin. Mga!

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Damn. Ba't ba ang OA ng puso ko ngayon?!

"Mukhang meron nga," bulong ng katabi ko.

Napako naman ang paningin ko sa mga taga lungsod na nadayo rito. Mga nakahalukipkip at nakatanaw sa amin. Ang malungkot na mukha ni Devine ang una kong napansin.

"Si Devine," sambit ko lang kay Gian.
Natahimik siya.

Mabuti na lang at may bumasag ng ka-awkwardan! Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang isinama niya ang mga gunggong na 'to!

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon