CHAPTER 13

376 8 0
                                    

Kinaumagahan ay alas nuwebe na akong nagising dahil late naman na akong nakatulog. Napagod rin pala ako sa mahabang byahe kahit na tumunganga lang naman ako.

Ipinusod ko ang aking buhok at saka lumabas ng aking kwarto. Ang kwartong sobrang namiss ko! Ramdam ko ang pagwagayway ng suot kong bistida sa bawat pagkilos ko, bagay na nakakaasar. Halos lahat kase ng damit ko ultimo pambahay ay nasa apartment namin.

Maliliit na ang mga damit kong naiwan dito. Kaya walang choice kung hindi ang isuot ang mga bistidang binili sa akin ni Lola date. 'Yung mga bistida na hindi ko kailanman isinuot. Ngayon lang! Sa undergarments naman ay iyung mga luma kong panties at bras ang aking hinagilap.

Nagpunta akong kusina at hinanap agad si Lola, pero wala siya don. Dumiretso muna akong banyo at saka naghilamos, nag toothbrush at saka nag bawas.

"Naaaaay?" Pumunta akong likod bakod namin para hanapin si Lola.

Pero ang pinsan kong babae na kapatid ni Devine ang nakita ko don.

Nanlaki ang mga mata niya at bigla akong itinuro. Nalaglag tuloy ang maliit na timbang bitbit niya na may lamang mga pagkain ng manok.

"A-ate Tonia?!" Humilig ako sa puno ng mangga at saka siya pinanuod.

"Iyang pagkain ng manok, pagagalitan ka ni Tita Fe diyan," maagap naman niya iyong pinulot at pilit dinakot ang mga feeds na tumapon.

"Dumating ka pala? Akala ko ay multo. Ngayon lang kita nakitang nag bistida," ngitian niya ako ng matamis. " Nasan si Ate?" Tanong niya habang umaangat ang tingin sakin.

"Naiwan sa lungsod. Isang linggo lang ako dito. Asan ba si Lola?" Luminga-linga ako.

"Nag suga ng kambing sa bukid," aniya at saka ako nginitiang muli. Lumilitaw ang isang dimple niya sa pisngi tulad ng kay Devine pag ngumingiti. Dalawa at mas malalim nga lang ang kay Devine.

"Ilan na ba ang kambing niyang alaga?"

"Tatlo na, Ate. Buntis pa 'yung isa." Masaya niyang sinabi. Tumango ako.
"Kailan ka dumating?" Dugtong niya.

"Kagabi," sagot ko na lang at saka nag paalam na hahanapin ko na muna si Lola. Ayoko talagang iniintriga ko.

Lumabas ako ng aming bakuran at pumunta sa gawing maraming puno.
Dito ako nagpupunta noong bata pa ako. Madalas kaming umaakyat ng punong magpi-pinsan at saka kukuha ng ilang bungang prutas.

Dinaanan ko lang iyon habang lumilinga-linga. Matatayog parin ang punong inyog dito at hitik parin sa bunga. Ang puno naman ng mangga ay wala paring bunga. Paniguradong sa disyembre pa ang pamumulaklak nito.

Tumutunog ang mga tuyong dahon na aking natatapakan. Namiss ko ang lugar na 'to! Sobra! Kung hindi lang kina-kailangang lumayo para mag-aral ay mananatili ako dito. Simple lang ang pamumuhay pero masaya.

May gumulong na niyog sa aking harapan. Halos mapatalon ako sa gulat.

"Punyeta," bulong ko habang nakataban sa dibdib.

"Hindi parin nag babago, taklesa parin." Nakarinig ako ng halakhak. At nang lunginin ko ito ay nakita ang maputing anak ni Aling Trina. Ang crush ng bayan!

"Siraulo ka! Muntik na 'kong atakihin sa puso!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Naglakad siya palapit sa akin. Ang hikaw sa kaniyang kaliwang tenga ay kumikinang, pati na ang ibabang labi niyang may piercing din sa gilid.
Nakatambad ang mga braso niyang tingin mo palang ay matigas na dahil sa soot niyang itim na sando. Halatang sanay sa trabahong pang lalaki pero hindi halata sa kaniya dahil mukha siyang anak mayaman. Maputi, matangkad at singkit. Kaya naman nababaliw ang mga babaihan sa kaniya dito sa aming lugar pati na sa kabilang bayan.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon