Matapos maipark ang sasakyan sa parking lot ay nag tititili na ang mga bata. Natatanaw ko na rin ang makukulay na baloons at iilang bulaklak, patunay na nasa isang Parke nga kami. Syempre ay hindi mawawala ang nagtatayugang pine trees. First time ko mapunta sa park, actually.
"Rides! Riiiiides!" Sigaw ng mga bata.
Bumaba kami ng sasakyan at ipinusod ko naman ang buhok ko. Nagsimula na kaming maglakad. Abot ang ikot ng paningin ko. May nakita na akong pampasalubong kanina at nangangati na akong bumili. Sumusunod lang ako sa kanila dahil ito ang unang beses ko sa Baguio.
"Tara, kids. Mag rides muna tayo," ani Chandel nang makapasok kami sa mga puro rides.
Maraming tao at ang ingay-ingay ng mga bata dahil hinahatak na nila si Chandel sa 'di kalayuang carousel.
"Wait, maiiwan natin ang Mommy niyo." Bigla silang bumagal at nilingon ako ni Chan.
"Mommy bilisan mo!" Si Yura.
"Mommy! Daddy!" Sigaw pa nila.
Kaya naman napapahiyang sumunod ako sa kanila, paano'y pinagtitinginan na kame!
"Oh my god! Daddy na pala, sayang si Kuya!"
"Ang gwapo, beeees!"
"Ang sarap maging asawa niyan! Yummy! Hahahaha"
"Hindi naman mukhang may anak!"
Naiinis na nagbuga ako ng hangin sa ere. Nilingon ko ang mga babaeng nasa gilid namin. Mukhang mga High school palang at mas bata pa sa amin.
"Sino ba ang nanganak? 'Di ba 'yung Nanay----siya ba umire?! Dose na ang anak namin. Nasa bahay pa yung siyam! Dream high, girls!" Bulong ko ng mariin sa kanila dahil malayo pa ako kila Chan.
"Omg! Ikaw 'yung mother?" Sabi nung isa. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Any problem?" Biglang sumulpot si Chandel sa gilid ko. Inakbayan pa ako ng walanghiya! Na estatwa naman ako at pekeng ngumise sa mga babae.
"Wala...mister." Mariin kong sagot at saka bumaling sa kaniya.
Napamaang naman siya at tinitigan ako. Tapos ay biglang napangise.
Isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin. Kumakalabog ang dibdib ko sa tuwing maaamoy ang pamilyar niyang bango----este amoy! Hindi mabango!"May pag-asa pa tayo, Kuya! What's your name?" Sabad nung isang babae na pagkakapal-kapal ng mukha! Balak pang maging kabet?! Huh!
"Sorry, girls. Territorial ang misis ko. I don't talk to strangers," sagot sa kaniya ni Chandel at saka pinihit niya ako para maglakad na kami at umalis sa mga babaeng 'yon.
Nag init naman ang mukha ko. Nabubugbog na ang labi kakakagat.
Nag tilian 'yung mga kaibigan nong babae dahil napahiya siya. Hindi ko na nadinig ang mga usapan nila dahil parang nabibinge ako. Nag paulit-ulit sa tainga ko ang salitang binitawan ng unggoy.Tinanggal din niya ang kamay niya sa balikat ko nang mapuntahan na namin ang mga bata na nakapila na pasakay ng carousel. Lumapit siya don at hinunta sina Yura, malaki ang ngiti sa mukha.
Bumagal naman ang hakbang ko at hindi makalapit sa kanila. Nanlalamig ang kamay ko. Huminga ako ng malalim at paulit-ulit na kinalma ang sarili.
Relax, Tony! 'Yung unggoy nga lang iyan, 'di ba?! Normal lang 'yan dahil first time mo malapit sa isang lalake!
Close kayo ng mga kababata mong lalaki sa probinsya pero hindi tulad ng sa kaniya.Playboy kase iyan! Walang takot na didikit sa'yo, minsan kase ay balatuhan mo naman ng sapak! Aish! Ang tanga mo, Antonia De Guzman! Ano 'yung sinabi mo kanina?! Dose?! Ha. Kaya mo ba ang dose?! Mister?! Kelan ka pa nangarap magkaasawa?! Kelan mo pa sinakyan ang mga baliw na laro ng unggoy na 'yan?! Nahulog ka naman! Este...nahulog sa patibong!
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
JugendliteraturTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...