"Mag kanin ka, Tonia," pagpuna ni Tita Rina sa plato kong tinapay lang ang laman.
Narinig ko ang hagikgikan ng mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin.
Iniwan pala ni Anne at Devine kanina sa tapat ng pintuan si Airra dahil sila ang nagluto ng breakfast. Si Airra naman ay desidido talagang gantihan ako kaya naghintay naman ang walanghiya. At dahil nga may phobia ako sa butiki. Mukhang hindi na naman ako makakain.
"Kasalanan niyo 'to." Mariin kong bulong sa mga kaibigan kong nasa tapat ko.
Plastic lang pala 'yung bwisit na butiki! Nakita daw nila kagabi sa mga toy collection ng kapatid ni Arki. Hanep, maski butiki ginawang collection!
Alam ni Devine na takot ako don, kaya naman gumanti sila. Ang alam ko pa naman ay hindi nila napansin na tinulak ko lang si Airra!"Nauna ka!" Dumila pa si Airra sa akin kaya naman binato ko siya ng pirasong tinapay.
"Ano ba, Tonia! Kumakain tayo, ang laro mo." Suway ni Lola sa aking tabi.
"Sila kase e!" Muryot ko at ngumuso.
Nagawi ang tingin ko sa batang David na tumititig sa akin. May kung ano sa itsura niyang kaduda-duda.
Hanggang ngayon naman ay hindi ko parin matignan ang kuya niyang unggoy. Paano ba naman ay napunit ko 'yung damit niya. Ugh. Oo 'yun lang iyon. Iyon lang ang dahilan!"Maaga tayong maligo, Ma. Ipapasyal daw tayo ni Arki sa Strawberry farm." Ani Devine.
Pinaglaruan ko lang ang tinapay sa aking plato.
"Maiiwan ako at masama ang pakiramdam ko," sabad naman ni Lola.
Mabilis akong nag angat ng tingin sa kaniya. "Okay ka lang, Lola? Anong masakit sa'yo? Maiiwan na lang din ako."
Marahan lang siyang umiling.
"Pagod lang ako sa byahe. Sumama ka sa kanila at mag enjoy ka. Matutulog lang ako dito," aniya. Pero hindi ako nakumbinse.
"Uhm, do you need any medicine, Grandma?" Sabad naman ni Arki.
Halos umirap ako at ipakita sa kaniya 'yon."Nakoo, hindi na. Matutulog lang talaga ako. Salamat. " Anaman ng Lola ko sa kaniya.
"Maiiwan na lang ako, Mama. Tutal ay inaantok din ako." Sumabad si Tita Rina. Bumaling rin siya sa akin. "Antonia, ikaw muna ang bahala sa mga pinsan mo,"
Napatango agad ako.
"Sigurado kang okay ka lang, La ha? Kung hindi ay umuwi na lang tayo." Balik ko pa ulit kay Lola na ngumingiwi na sa akin.
"Malurit ka talagang bata ka! Ayos lang ako. Matutulog lang ako, 'wag ka nang mag-alala at maiiwan naman ang Tita Rina mo." Sumubo siya ng kanin. At ipinakitang ayos lang talaga siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.
Matapos kumain ay nauna na akong umakyat sa kwarto at naligo. Baka makipag unahan pa ang mga ulikba sa pagligo, maganda na 'yung maagap.
Nagsuot ako ng ripped jeans, isang tshirt na pula at nag jacket. Habang nag susuklay ako ay nabubulahaw naman ako ng ingay nila Anne sa banyo. Sabay-sabay lang naman silang naligo dahil sa excitement!
Nang nakaayos na ang lahat ay dumaan muna ako sa kwarto ni Lola. Si Tita Rina lang ang nadatnan ko don.
"Oh? Nasa baba na ang mga pinsan mo. Nasa banyo naman si Mama, uwian niyo na lang kami ng mga strawberries. May allowance ka pa naman jan?" Bahagya akong tumango.
"Pakisabi Tita kay Lola na mauuna na kami. May baon namang damit sina Trixie, 'no? Baka magdumi 'yung mga 'yon,"
"Meron. Ginayakan ko na sila. Ikaw na ang bahala, ha." Aniya at tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Genç KurguTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...