Nagtulog ako ng hapong iyon hanggang gabi. Mukhang tulog na lang ang natatanging paraan para matahimik ang loob ko. Pero ngayong nagising na ako, ang mabigat sa aking dibdib ay hindi parin pala nawala.
"Kakain na," sigaw ni Devine mula sa labas.
Tinantanan ko na ang kisame naming kanina ko pa tinititigan. Naligo lang ako at lumabas na rin para kumain. Ayoko sanang kumain dahil hindi ako gutom...pero mukhang kailangan ko ng lakas.
Konting araw na lang...baka sakaling mabura ng probinsya ang mga naramdaman ko dito sa Maynila.
Napahinto ako nang makita ang mga tao sa sala namin. Si Airra, Anne, Deoffy, Baycon, Arki, Devine...
Kumalabog ang dibdib ko kahit na hindi ko naman siya nakita dito sa sala.
"Kumain ka na sa kusina. Tapos na kami." Matabang na sabi sa'kin ni Devine.
Malaki naman ang ngisi sa'kin ni Airra at nakangiti rin si Anne. Parang mga abnormal.
Inirapan ko sila at tumungong kusina. Ganon din ako kabilis na na-estatwa nang makita kung sino ang tao sa kusina namin.
Ang tindig at hugis ng katawan niya. Nagpe-flex ang muscles niya sa ginagawang paghihiwa ng kung ano sa sink namin.
Kaya naman pala wala sa sala ay dahil nasa kusina?! Damn.
Nilingon niya ako nang maramdaman ang prensensya ko. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na inayos ang upuan sa maliit naming lamesa.
"Sit here. I'm cooking something---"
"Hindi ako gutom." Hindi ko na siya pinatapos at nilisan ko na agad ang kusina para bumalik muli sa kwarto ko.
Napatayo si Devine nang makita akong naglalakad pabalik sa aking silid.
"Ano? Tinanggihan mo na naman?!" Mariing bulong niya sa akin.
"Sabihin mo kung kelan sila pupunta rito para naman alam ko kung kelan din ako tatambay sa kung saan." Tinalikuran ko siya at pumasok sa aking kwarto. Sumunod naman siya sa akin sa loob.
"Kausapin mo naman 'yung tao! Nage-effort na ngang sinusuyo ka tapos ganiyan ka pa!"
"Hindi ko naman siya inutusang gawin 'yon!"
"Iyan ba talaga ang gusto mo, Tony? 'Wag kang maghahabol pag nagsawa na siya sa'yo kahahabol!" Sigaw niya sa akin.
"Edi maganda ngang magsawa na siya dahil dun din naman siya papunta!" Mas nilakasan ko pa ang boses ko. Sana narinig niya.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non si Airra at Anne na titig na titig sa amin.
"'Wag naman kayong mag-away. Dinig na dinig kayo sa labas." Si Airra.
"Tony...wala ka bang nararamdaman kay Chandel?" Si Anne naman. "O baka naman nalilito ka dahil dalawa silang gusto mo?" Dugtong pa niya na kinalukot ng mukha ko.
"May gusto ka rin kay Edward?!" Tanong ni Airra na mukhang absent minded sa lahat ng oras.
"Pwede ring dahilan 'yon. Sabi kase ni Devine ay sure siyang gusto mo si Chan. Pero bakit si Edward ang lagi mong kasama? Hindi kaya...nalilito ka kung sino ang totoo mong gusto dahil bago ka lang sa ganiyan?" Makabuluhan pang ani Anne.
"Pwede ba?! Wala akong gusto kay Edward!" Inis na sigaw ko.
"Itinanggi mo si Edward...ibig bang sabihin niyan, si Chan---" si Airra. Nabatukan siya agad ni Devine.
"Very good, Airra! Very good! Si Edward lang ang itinanggi niya dahil may gusto talaga siya kay Chan." Sambit agad ni Devine sa harapan namin.
Nawalan naman ako ng sagot don. Ang uutak ng mga 'to pag nagsama-sama!
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...