CHAPTER 15

382 9 0
                                    

"Ate Tonia! Tawag ka nila Lola, kakain na raw," biglang sumulpot si Dian sa kusina namin.

"Kumakain na kamo ako," sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabalat ng santol.

"Hindi naman hapunan iyan," ngumiwi siya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Busog ako. Okay na 'to, shoo" pinalayas ko siya at ngumingiwi parin siyang sumunod habang nagkakamot ng ulo.

Kumuha ako ng babaunan at minix ko ang asin, bitchin saka sili. Lahat ng nababalatan kong hiniwang santol pati na ang hinog na sampalok ay isinama ko don. Matapos mailagay ang tamang dami para lamang sa akin ay inalog ko na 'yon.

Tumatalon-talon pa akong pumuntang sala dahil sa sobrang saya. This is my kind of heaven!

Kaso nandon pala sa sala si Nanay. Kinurot pa ako sa tigiliran nang muntik ko siyang mabunggo sa gulat!

"N-aay!" Hinimas ko ang balat na nasaktan.

"Gusto mo pa talagang sinusundo ka, ano? Matuto kang humarap sa mga bisita! Dalaga ka na," ngumuso ako sa kaniya.

"B-busog nga-"

"Wala ka pang kinakain! At ano 'yang kakainin mo? Baka sumakit ang tiyan mo diyan ng wala kang kinakaing kanin!"

Lalo pang humaba ang nguso ko. Nagmumuryot!

"Sige, h-hindi na lang ako kakain," inambaan niya ako ng hampas kaya nagtatakbo na ako palabas ng bahay.

"Joke nga lang e! Sabi ko nga po."

Bitbit ko parin 'yung baunan ng prutas. Dumukot ako ng isang sampalok at mabilis 'yong isinubo saka dumiretso na sa bahay nila Tita Fe. Baka maabutan pa 'ko ni Nanay! Aish

Maingay sa hapag nila nang madayo ako sa kusina. Huminto muna ako sa likod ng pader. Mabuti at napagkasya nila ang mga sarili nila sa maliit na hapag nila Tita. Pero good for 12 persons lang 'yon. E mukhang pati sina Tita Rina at 'yung dalawa niyang bulinggit na anak ay dito kumain.

Wala na nga akong space e! Ayokong pinagsisiksikan 'yung sarili ko. Deym.

"Aww," napadaing ako nang may kumurot na naman sa tagiliran ko.
Si Lola! Sino pa ba? Aish!

"Ba't 'di ka pa tumuloy? Akina nga 'yan! Iyan na ang nilalantakan mo e!" Hinablot niya 'yung babaunan kaya humabol ako sa kaniya papadiretsong hapag.

"Nay naman! Kakain na nga e."

"Kumain ka muna!" Ngumuso ako. Bigla-bigla na lang nagsusungit 'to! Baka mamaya kung ano na palang sinumbong ni Devine sa kaniya.

"Kain na! Mama, dito kayo." Tinawag kami ni Tita Rina. Kaya naman pala sila nagkasya ay dahil dinugtungan pa ng isang medyo mahaba pang mesa ang hapag nila.

Inirapan ko ang mga kaibigan kong tumitingin sa akin. Maingay sila dahil kakwentuhan si Tita Fe. Kinekwento niya 'yung mga gawain ni Devine nong bata pa. Kaya naman itong nobyo niya ay kunyareng interesado!

"Umupo ka na!" Sinigawan ako ni Lola kaya tumabi na ako sa kaniya. Nagdabog pa ng medyo.

"Ano bang himala, Tonia at ayaw mo pa atang kumain?" Si Tita Rina. Inaabot niya ang kanin sa akin.

"Nako! Ilang araw ng ganiyan 'yan!" Sumabad si Devine, natahimik silang lahat at tila pinanonood ang litanya ni Lola sa akin. Napayuko na lang ako.

"Kaya naman pala nangangayayat na 'yang pisngi mo! Pisngi lang naman.
Abay kumain ka at hindi kita pinataba para lang magpapayat pag dating ng panahon! Susmaryosep," ngumuso ako at sumubo na ng pagkain.

"Pag pasensyahan niyo na ang bahay namin ha? Nagpapalago palang kami ng negosyo e," buti na lang at nagsalita si Tita Fe. Si Baycon at Deoffy naman ang sumasagot sa kaniya dahil busy sa paglalandian si Devine at Arki.

Kapansin-pansin ang pananahimik ng unggoy nilang kasama. Paminsan-minsan ay sumasagot pag tinatanong siya ni Tita Fe, at kadalasan naman ay walang imik. Nakakapanibago. 'Yung unggoy nag shift sa asong maamo? Huwaw!

"Ano nga palang kukunin niyo sa college?" Sumali na si Tita Rina.

"Mag di-desiner ako, Tita." Sagot ni Devine. Itutuloy niya 'yung track at strand na kinuha niya ngayong K-12.

"Ako po mag i-engineer," sabad ni Airra na ngumingising tumititig pabalik-balik sa kay Baycon na nasa tapat niya.

"Maganda 'yan! Balita ko'y magagaling sa math ang kumukuha niyan."

"Oo naman po, Tita Rina, magaling ako sa math!" Nakiki-Tita narin itong si Airra.

Sumubo ako ng ilang beses pero pakiramdam ko talaga'y busog ako.

"Ikaw, Tonia?" Nag-angat ako ng tingin. Nastuck ang kutsara sa bibig.

Ilang segundo akong natulala. Hmm, ano nga ba? Wala akong maisip. Ang gusto sana ni Lola ay mag teacher ako, pero mukhang hindi ko iyon kaya. Wala akong tiyaga pagdating sa mga estudyante.

"W-wala pa," sagot ko at nagbaba ng tingin sa pagkain.

"Mag titser ka na lang," nakisali sa usapan si Tita Fe. "Ituloy mo rin 'yang strand na kinuha mo." Tumango na lang ako.

Marami pa silang pinag-usapan puro ang topic ay sa eskwela. Laking ginhawa ko na hindi nababanggit sa usapan ang dahilan ng biglaang pag-uwi ko dito. Minsan naman ay nag-uusap din ang mga Tita ko at si Gian, tinatanong ang harvest ng mga prutas nila.

Matapos kumain ay lumabas na ako ng bahay nila. Pakiramdam ko ay na so-suffocate ako. Maraming tumatakbo sa isip ko. Kung ano-ano. Tulad ng, bakit nga ba wala pa akong alam na course na kuhanin? May pangarap ba ako? Ano talaga ang gusto ko sa future?

I end up sighing deeply!

Pumasok agad ako sa kwarto at nagkalkal ng damit. Puro bistida. May magagawa pa ba 'ko?

Pumasok ako ng banyo at saka naligong muli. Pagkatapos ay hinayaan ko lang ang twalya sa aking ulo. Lumabas ako ng banyo at saka humilata sa kama. Tinatamad nang manuklay.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iglip nang may maramdaman akong mabigat sa aking tiyan. Nagdudulot ng mumunting kiliti.

Pagmumukha ni Airra ang bumungad sa akin, nasa tabi ko siya. Nakaunan naman sa tiyan ko si Anne habang may tabang libro.

Umirap ako.

"Ang aga mo namang matulog. Wala bang libutan dito? Ang akala ko pa naman ay mababawi ko ang mga panahong ginugol ko sa loob ng bahay namin dito," dinunggol ko si Anne sa aking gilid at saka bumangon. Kinapa ko ang ulo kong may tuwalya at tinanggal.

"Walang libutan dito sa probinsiya," ngumuso si Airra at saka nahiga sa unan ko. "Pero sabi ni Devine, may ilog daw rito?" Bwelta niya.

"Oh sige, puntahan niyo na ngayon palang." Tinarayan ko siya at saka bumangon para isabit ang tuwalya sa likod ng pintuan. Nag suklay narin ako sa harapan ng aparador. Nakikita ko sila sa replika ng salamin. Bumangon at umupo si Anne sa kama ko. Tinitignan nila akong dalawa.

"Ang hard mo samin. Kami na nga itong sinusuyo ka rito e,"

"Wala namang nagsabing suyuin niyo ako."

Narinig ko ang pagtikhim ni Anne. Tinignan ko siya pabalik. Seryoso na siya at mukhang malalim ang iniisip. Bagay na minsan ko lang makita sa kaniya.

"'Y-yung lalaki kanina..." Biglang namula ang pisngi niya. Nangunot ang noo ko.

Itinigil ko ang pagsusuklay at tumayo sa harap niya.

"Huh? Sinong lalaki, Anne?" Tanong ng naiinosenteng si Airra.

Napayuko si Anne at nagkamot ng batok.

"'Y-yung k-kasama mo?" Tinitigan niya ako sa mismong mata ko. "Pinsan ni Marius 'yon."

Napaawang ang bibig ko. Si Marius ang ex boyfriend niya na nakapanakit sa kaniya ng sobra. Ano 'to, coincidence? Si Giann? Taga dito sa probinsya namin ay pinsan ng ex niya?


I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon