CHAPTER 4

628 7 0
                                    

Isang nakakaantok at panibago na araw. Abot ang ikot ng eyeballs ko sa baho ng mga lumalabas na salita sa bunganga ni Airra. Hindi ko alam kung paano ako tumatagal sa samahang ito.

"Sige na, Devine, ha? Mamaya! Crush ko talaga iyung isa don! My goodness! Dream come true na 'to. Ilakad mo 'ko ha? Ha?!" Niyugyog pa niya ang balikat ng aking pinsan.

Nagpapalakad lang naman ang walang hiyang maharot na si Airra sa tropa raw nung boypren ni Devine na paniguradong isa rin namang manloloko.

"Oo na nga. Mabait iyong si Baycon! Makulit at ang sarap nilang kasama! Naku, excited na 'kong ipakilala kayo! Masaya siguro kung magkakasundo tayong lahat!"

Yak! Pero nagutom ako don sa pangalan ng crush ni Airra. Puro hotdog at itlog na lang kase ang ulam namin tuwing umaga.

Nakasagap ako ng balita at totoo ngang sikat itong boypren ni Devine bilang pokis. Pokis, as in pokpok na lalake. He's a womanizer slash manwhore! Ganon ang grupo nila. Tinatawag silang Winston princes dahil sila ang pinaka may mukha at sinasabi sa loob ng aming campus. Gusto kong masuka sa ka-kornihan nila.

Talagang delikado ang genes ng aking pinsan sa lalaking 'yon at mas kailangan ko pang umaligid. Ayokong dumagdag pa siya na isa na namang single mom sa pamilya namin na parang isa 'yong sumpa.

"Anne, tara na ngang mag canteen. Ginu-gutom ako." Dinunggol ko ang aking kaibigan na may tabang libro.

Tinapunan niya 'ko nang tingin, "May binabasa ako, mamaya na. Gutom ka na naman!" Aniya.

Sinilip ko ang likod ng binabasa niya at love story lang naman pala! Isang lalaki at babaeng magkayakap ang cover! Hindi ba uusad ang araw-araw na wala akong maririning na love? Pag-ibig?! Kainis.

Humaba ang nguso ko sa kaniyang pag tanggi. Boring kaya pinakinggan ko nalang ang mga kaartihan sa buhay ng dalawa ko pang kaibigan na parang mga kite-kite sa aming harap.

"Paano ka ba kase napansin ng isang gwapong nilalang na tulad ni Arki, ha?!" Si Airra

"Nabangga ko lang sa hallway!" Humahagikgik naman na sagot ng aking pinsan.

Abot tuloy ang pagngiwi ko. Hindi malabong ginagago lang siya ng boypren niya!

"So, banggain ko kaya mamaya si Baycon?" Anaman nang tropa ko na walang iba kundi si Airra.

"Silahis 'yon, beshy! Pero lalaki naman talaga! Wala siyang girlfriend, childish pa!"

"Yiii, okay lang! Top two ko kaya 'yon!" parang kiti-kiting naglikot pa ang maharot. Yak!

"Alam mo, Airra. Sa mga nababasa kong love story, maraming way para matagpuan mo ang meant to be mo!" Biglang singit naman ni Anne. Napatingin tuloy sa kaniya ang dalawa. Basta talaga ganito ang usapan. Tss

"Pwedeng mabangga mo lang sa hallway at tutulungan kang pulutin ang mga gamit mong nalaglag! Tulad ng nangyare kay Devine?! Pwede rin namang maging biktima ka ng bully na tulad ng mga badboy! Pwede ring maging alipin ng isang poging mafia! At pwede ring mag umpisa ang love story niyo sa hate na puro kayo asaran at bwisitan na nauwi rin naman sa pag iibigan!" Paliwanag pa niya.

"Talaga?! Talaga?! Magbasa na rin kaya ako ng love story, beshy at magaya 'yung mga scene!" Ani Airra na nagmu-mukhang inosente at the same time tanga.

"Yiiiii! Kinikilig tuloy ako sa magiging ending namin ni Arki!" Anaman ng aking pinsan.

Asa! Umasa kayo!

Sa inis ko sa kadugyutan ng pinag uusapan nila ay nilayasan ko sila don sa bench. Pag-ibig-pag-ibig! Salitang dapat hindi na naimbento!

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon