"Nasa baba na sina Lola, may mga pasalubong!" dinig ko ang pag pasok ni Devine sa kwarto. Kumalampag ang mga yapak nila sa sahig at saka mabilis na nag unahang lumabas ng aming kwarto. May pagkain na nadawit e. Tsss
Nanatili akong nakatalukbong ng kumot. Wala akong balak lumabas sa kwarto na 'to mag damag. Gusto kong itulog ang lahat...pero wala. Nagpapaulit-ulit sa isip ko 'yung awkward at ka punyetahang nangyare kanina.
That damn monkey!! Isinusumpa ko ang malandi niyang kaluluwa! Pwede naman niyang kurutin ang braso ko---o 'di kaya'y sapakin ako para matanggal ang kagat ko, pero hinde!!! Mas gugustuhin ko pa kung iyun na lang sana ang nangyare. Pero tangina lang talaga! Hindi ko na mabilang kung ilang malulutong na mura na ang lumabas sa bibig ko ngayong araw.
Pumikit ako ng mariin. At ang pagpapanggap ko na magtulog-tulugan ay nagkatotoo. Sa wakas.
Nagising ako sa malamig na hanging nagmumula sa labas ng bintana. Bumangon ako at ang madilim na silid ang aking nakita. Hinahangin ang kurtina dahil naiwang bukas ang bintana.
Tumayo ako at isinara 'yon. Tahimik ang paligid at ang tinging naririnig lang ay ang tunog ng aircon. Kung sino mang siraulo ang nagbukas ng aircon at bintana ay fuck you para sa kaniya! Pinatay ko rin ang aircon dahil malapit na akong ngikihin. Mabuti na lang at nag jacket at panjama ako kanina.
Paniguradong tinrip na naman ako ng mga kaibigan ko. Blangko ang buong silid. Wala sila sa kama lalo na sa sahig. Ang sarap lang manapak!
Pumasok ako ng banyo at saglit lang na nag hilamos at sipilyo. Pakiramdam ko'y sa sobrang dami ng naitulog ko'y hindi na 'ko makakatulog ulit.
Sinilip ko saglit ang cellphone ko at nakitang alas dyis y medya na ng gabi. Asan ang mga tukmol kung ganon?
Wala ba silang balak na pumanhik dito para matulog? Dahil ako ay walang balak na bumaba. Ever. Kung pwede lang na mabulok dito o 'di kaya'y mauna na akong umuwi...gagawin ko.
Humilata ulit ako sa kama at tumitig na lang sa kisame. Tanging ang liwanag lang sa labas ng bintana ang naaninag ko. Tumila narin ang ulan. Sa ganitong panahon, ang mga karaniwang ginagawa ko ay nanginginain o 'di kaya'y nagluluto ng noodles.
Pero ngayon, wala akong maramdamang gutom. Hindi pa ako kumakain ng hapunan. Ang weird-weird lang ng tiyan ko nitong mga nakaraang araw.
Halos mapabalikwas ako nang biglang bumakas ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Lola ang pumasok. Binuksan niya ang ilaw sa kwarto at ang tray niyang taban ang unang naaninag ko.
"Ba't ang himbing mo atang matulog, apo? May masakit ba sa'yo? Gising ka na pala, bakit hindi ka bumaba? Nasa sala ang mga kaibigan mo nanunuod ng telebisyon." Aniya at unti-unting naglakad palapit sa akin.
Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Ipinatanong naman niya ang tray na bitbit sa lamesang nasa tabi namin. May lamang kain at ulam na palagay ko ay 'yung binili ni Tita kanina pang hapunan. May isang pirasong saging din at isang basong pine apple juice.
"Kumain kana," aniya at inabot ang plato sa akin.
"Busog ako, 'Nay." Ngiwi ko.
Expected ko na ang sigaw at kurot niya...pero himalang 'di niya ginawa.
Bumuntong hininga lang siya at siya na ang naglagay ng ulam sa plato ko. Para bang hindi niya narinig ang sinabi ko. Dun ako nagtaka. Kilala ko si Lola, alam ko pag may problema siya. Balisa at wala sa mood."May nangyare ba, 'La?" I asked.
"W-wala naman. Kumain kana, sige na..." Binigyan niya ako ng isang ngiti at saka inabot muli ang plato sa akin. Wala naman sa sariling tinanggap ko 'yon. Pero titig na titig parin ako sa kaniya.
"Dapat ay kumakain ka ng tama sa oras. Mukhang nagdadalaga na ang apo ko," nag angat siya ng tingin sa akin saka madramang hinimas ang buhok ko.
"Anong nangyare, La? Sabihin niyo sa'kin. Alam kong may bumabagabag sa inyo,"
"Wala! Ano ka ba! I-anaantok lang ako," itinuro niya ang plato ko. "Kumain ka na, lalamig 'yan...Ganiyan ba talaga pag nagdadalaga? Biglang inaalala na ang timbang? Mukhang nangangayayat kana, apo."
Ngumiwi ako sa kaniya at saka kinain na lang ang dala niyang pagkain. Nakatitig naman siya sa akin habang kumakain ako. Pagod lang siya? Sana. Hindi ko kayang makitang nahihirapan si Lola ng dahil lang sa problema.
"Matutulog ka ulit? Ayaw mo bang bumaba muna?" Salita niya habang inililigpit ang kinainan ko. Hindi ko naubos lahat. Nahiya naman ako dahil dinaig ko pa ang may sakit kung pag silbihan.
Napainom ako ng pineapple juice nang wala sa oras.
"'Di na, La. Dito na lang ako." Sagot ko at nag iwas ng tingin.
"Nag kakatuwaan pa naman sila sa labas."
"W-wala talaga ako mood, mag pahinga ka narin po. Hindi ko dapat nagpapagod. Saka gabi na," nginitian niya lang ako at saka tumalikod na.
"Good night, Antonia," marahang bulong niya bago isinara ang pinto.
Okay ang weird. Sobrang bait niya kase sa akin ngayon. Hindi naman sa hindi siya mabait sa akin. Sobra kase e? Dapat sa puntong 'to sinisigawan na niya 'ko dahil hindi ako kumain ng tama sa oras, tapos nagdala nga siya, 'di ko man lang inubos. Ayaw na ayaw pa naman non na may nasasayang na pagkain. Saka 'yung hitsura niya...parang pagod na problemado. Ganon ba talaga pag nagkaka-edad na?
Napabuntong hininga ako. Boring. Wala naman akong magawa sa loob ng silid na 'to. Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone ko.
Shit! Nagulat ako don!
Tinignan ko ang screen at nakitang may unknown caller na tumatawag.
Badtrip talaga 'yong si Devine! Umirap ako at gigil na sinagot ang tawag."Oh, ano?! Wrong number ka! 'Wag na 'wag kang tatawag sa number na 'to!" Sigaw ko sa kabilang linya saka ibinaba ang tawag.
Kahit naman buryong-buryo na ako ay hindi parin naman ako papatol sa textmate at callmate. No thanks.
Ilang segundo lang ang lumipas ay umilaw muli ang phone ko. May isang text message.
0916*******
Friday, 10:55 pm
I'm sorry
Okay, forgiven. Kung sino kamang hayup ka, pero hindi ko parin re-replyan. Mabilis kong dinelete ang mensahe saka bumulagtang muli sa kama. Nasa kisame lang ang paningin.
Plain white lang ang kisame. Kung ako ang may ganito kagandang kwarto ay tatadtadin ko na ng mga designs. Didikitan ko ng glow in the dark na stars shape ang kisame para maaaliw akong matulog sa gabi. Gagawin kong kulay blue ang mga gamit ko, maybe mixtures of blue at orange. Para Adventure time. Mula sa curtains, bed sheet at kumot.
Tapos 'yung kisame, pakukulayan ko ng black para mas makikita 'yung artificial stars ko pag off lights na. Pure white naman ang wall. Haay. As if magagawa ko nga 'yon.
Kailangan ko munang mag-aral tapos mag banat ng buto para mag karoon ng ganito kagarang kwarto. I never dreamed this kind of big bed room, okay na sa'kin 'yung kwarto ko sa probinsya. Pangarap ko lang talaga 'yung kwartong magagawa ko ang lahat ng gusto ko.
Sa amin kase, wala namang kisame 'yung bahay ni Lola. Pag tumingala ka, bakal at 'yung bubong agad ang makikita. 'Yung wall naman namin e walang kulay. Pinalitadahan lang. Bukod don, maliit lang 'yung bintana sa kwarto ko. Halos 'di na kaylangang lagyan ng kurtina. Sa bed sheets at punda naman ng unan, si Lola ang namimili ng mga gagamitin ko.
So...imagine lang muna.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...