"My god, pumasok ka pala!" Kagaya ng inaasahan ko, nagulantang si Devine. Ang nag-iba lang ay nang nasa apartment na kame saka niya lang ako kinompronta. Kararating lang din niya dahil nauna akong umuwi.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay itinuon ko nalang ang aking pansin sa librong kanina ko pa binabasa. Nakita ko 'to sa library kanina. Parang interesting kaya sinubukan kong hiramin.
"Hoy! Galit ka ba? Nakita ka namin sa cafeteria kanina, hindi ka naman tumabi sa'min...pansinin mo naman ako!" Tumabi siya sa'kin at tinusok-tusok ako sa braso.
Mabilis ko siyang binalingan. "Ano ba, Devine?! 'Wag ka ngang OA! Kita mong nagbabasa ako e,"
Ngumuso siya. "Galit ka nga,"
"Hindi ako galet."
"E bakit 'di ka nga tumabi sa'min kanina sa cafeteria?...At bakit mo nga pala kasabay mag lunch si Edward Burgins?"
"A-ano?! Sino 'yon?"
Nangunot ang noo niya. "Haleer? Kausap mo ta's 'di mo kilala? Sa bagay, ikaw nga pala si Antonia De Guzman! Ang babaeng walang pakialam!"
"Kinakausap kita ng maayos!"
"Ayon nga! 'Yung modelo na may issue ngayon! 'Yung top 3 ni Airra ngayon! Bihira lang siya pumasok sa school dahil nagmo-modeling at tumataas na ang career. Kaso may sumingaw na issue na kinaumay ng management niya. Balik siya sa school ngayon! 'Yon ang chismis!" Aniya pa.
Ah, 'yung lalaki pala kanina?
"'Di ko kilala," sagot ko na lang.
"So, hindi ka galit sa'min?"
"Hindi nga!"
"Ba't 'di ka sumabay sa'min mag lunch?"
"Baket? Bawal na ba mag solo flight at alone time? Tsss"
"O baka naman dahil nagsesel----"
Bago pa siya matapos sa sasabihin niya ay itinuktok ko na sa ulo niya ang taban kong libro.
"Lubayan mo nga ako! Doon ka na at epal ka sa binabasa ko...saka pwede ba? 'Wag mo 'kong maloko-loko sa unggoy na 'yon!"
Bigla siyang humagalpak ng tawa. "Si...si Chandel? Napaghahalata ka rin, ano? Ang sasabihin ko sana ay nagseselos ka ba sa oras na ginugugol namin kasama ang Winston princes kesa sa samahan nating tayong apat lang!" At tumawa na naman siya ng walang humpay.
Nag-iinit ang mukha kong padabog na tumayo sa sofa at pumasok sa aking kwarto. Kainis! Ang lakas talaga mang alaska ng pinsan kong 'yon! Bansot, hmmp!
Sa sumunod na mga araw ay ipinagpatuloy ko parin ang aking plano. Sumasama ako kina Devine pag sila lang ang magkakasama, at pag sumusulpot naman ang Winston princes sa eksena ay gumagawa na agad ako ng excuse para umalis.
Halos hindi na ako sumasabay mag lunch sa kanila dahil sa likod sila ng building kumakain. Hindi na sila muling nag lunch sa cafeteria. Sa break time naman ay hindi na ako lumalabas ng room para mag miryenda. Bukod sa paniguradong nasa cafeteria ang Winston princes pag break time e hindi naman ako gutom kaya okay lang.
Aaminin kong namimiss ko na ng sobra ang bonding namin nila Airra. 'Yung kahit puro kaartihan at kaharutan lang ang ginagawa nila pag nakakakita ng gwapo at kokontra ako sa pantasya nila ang eksena...iba parin talaga pag kasama ko 'yung mga letseng 'yon.
Dumating ang buwan ng Disyembre. Hindi kami nakauwi ni Devine noong Undas dahil mahal ang pamasahe balikan lalo na kung isang araw lang naman kami don. Ganon ka-grabe ang school na 'to. One day break lang. Kaya naman pinagtulos ko na lang ng kandila si Mama sa bahay at pinag-atang ng pagkain non. Nagsimba rin akong mag-isa sa Quiapo.
Busy naman ang school ngayon sa kaka-plano ng pakulo sa darating na Christmas party. Balita ko ay may Christmas ball din na magaganap kaya naman umaarangkada na ang makikire kong classmate sa pamu-mroblema kakahanap ng date at susuotin nila.
"Mukhang nag propose na si Chan kay Sunny kanina! Sila ang date sa ball, mabuti na lang at nagkabalikan na talaga sila! Bagay na bagay!" Sabi ng kaklase kong coloring book ang mukha.
Yeah. Matagal ko nang nadidinig na nagkabalikan na sila. Sa Baguio palang alam ko naman na 'yun! Iba lang pala talaga pag nakikita at naririnig mo na. Minsan ay nakikita ko pa silang naglalampungan sa kung saan-saang parte ng school.
May kirot na nakakapunyeta pero nakakagalak na hindi ko na nararamdaman sa kaniya 'yung mga pagkabalisa at pagka-kabado pag nanjan siya.
Ngayon naman ay nagpunta ako ng library para mag soli ng hiniram kong mga libro. Nagiging bookworm na ata ako, pero nae-enjoy ko talaga ang pagbabasa nitong mga nakaraang araw! Puro detective case ang binabasa ko, nakakawili lang dahil sobrang exciting ng mga ganap at scenes.
May nakita akong isang libro sa pinakataas na shelf, pilit ko 'yong inabot pero nang hatakin ko ay nagbagsakan ang tatlong libro na nakagawa ng ingay. Yumuko lang ako sa mga naistorbong nagbabasa sa paligid at dali-daling pinulot ang mga nagkalat na libro.
"Here," may pumulot sa isang librong malayo sa akin at iniabot iyon sa akin.
"Uh, salamat," sambit ko at ibinalik sa salansan ang mga 'yon.
Gulat naman ako nang 'di pa pala siya umaalis. Nangunot ang noo ko nang ilahad nito ang nakayukos na kamay sa aking harapan.
"Ano 'yan?" Bulong ko.
"Your earphone...thanks, it helped a lot," he said at iniladlad ang aking earphone.
Ah. Siya pala 'yon. Limot ko na kase 'yung hitsura niya. Ngayong nakatayo siya sa harapan ko, nito ko lang napansin na pang modelo talaga ang hitsura niya. Maputi siya at matangkad.
"Okay," sagot ko na lang at tinalikuran siya para ibigay ang aking ID sa librarian para sa hihiramin kong libro.
Nang makalabas ako ng library ay halos mapatalon na naman ako nang sumulpot siya sa aking gilid.
"Sorry...did I startle you?" Tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.
"M-medyo lang," naiilang na sagot ko.
Hindi ko siya masungitan! My God. Parang mayroon sa kaniya na iniiwasan kong masaktan. Alam ko...magkaiba kami ng kwento ng pamilya...pero parang naiintindihan ko 'yung nararamdaman niya.
"Anyway, I'm Edward," he smiled awkwardly at me. Hindi malaman kung maglalahad ba ng kamay o ano.
"Tony," sagot ko at ngumiti rin. Ng tipid.
"So...do you already have a date on Christmas ball?" Tanong niya na kina-kunutan ng noo ko.
"Hindi ako a-attend," mabilis na sagot ko.
Uh-huh. Wala akong balak na dumalo sa party na 'yon. Wala akong hilig sa party.
"Why is that?" Tanong niya nang makaliko kami sa hallway. At hayan na naman ang mga mata ng estudyante sa kaniya sabay bulungan.
"...gusto ko lang," sagot ko sabay gala ng tingin sa paligid. "Mukhang kailangan mo ulit 'to," sabay lahad ko sa kaniya ng aking earphone. Pinagchi-chismisan na naman kasi siya. Tsss mabilaukan sana 'yang mga chismosang 'yan!
"Nah...thanks for your concern, anyway. Sanay na ako," napatitig ako sa kaniya sa sinabi.
Paano kang masasanay kung puro nakakapanira ng mood ang naririnig mo? Parang hindi ko ata kaya 'yon. Baka mag transfer na 'ko...o kaya hindi na pumasok...so, napaka strong pala ng isang ito.
"Uhm...actually...I'm here to...to get your number. Can I?" Putol-putol niyang tanong.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...