CHAPTER 19

356 7 0
                                    

Inaya akong mag cr ni Airra kaya sumama ako. Kanina ko pa nararamdaman ang dalawang pares ng matang nakatingin sa akin. Lalo akong pinag pawisan ng malagkit. Pero hindi ako nagtangkang mag angat ng tingin at tugunan din 'yon.

Hindi ko 'to gusto. Hindi maaari. Nagbibiro lang siya pero ganito na kalaki 'yung epekto!

Nag hugas ako ng kamay pagkalabas ng banyo. Nakaharap narin sa salamin si Airra at Anne. Parehas silang naglalagay ng liptint sa labi. Naalala kong may baon pala akong toothpaste at toothbrush kaya 'yon na lang ang ginawa ko.

Naririnig ko ang bidahan ni Airra at Anne sa gilid ko. Hinihintay na lang nila 'ko. Kinikwento ni Airra ang mga usapan nila ni Baycon sa sasakyan. Nadivert na rin sa wakas ang isip ko sa ibang bagay pero abot naman ang irap ko.

Puro kaharutan lang ang nadinig ko sa kwento niya. Kinikilig pa ang walanghiya.

"Narinig ko rin kay Baycon na kaya pala nag break si idol at Chan ay dahil may third party! May pinagseselosan ata si Chan at nasasakal naman si Sunny kaya nakipag break!" Napatingin ako kay Airra. Iniluwa ko ang bula sa bibig ko at saka nagmumog.

"Pano mo nasabi?" Si Anne.

"E third party daw, hindi naman pwedeng si Chan ang may babae, kung ganong si Chan, bakit hindi kasama ni Chan 'yon ngayon at bakit wala parin siyang isinasama hanggang ngayon?" Makabuluhanan pa siyang nag hand gesture kay Anne.

"Hmmm, sa bagay." Pag sang ayon niya.

Lumabas kami ng cr at parang gusto ko na ring umurong nang makitang papaalis na sila sa table namin. Ba byahe na ulit.

Mabagal ang lakad ko kaya naiiwan ako sa paglalakad.

"Ano ba, Tony? Bilis-bilisan mo naman!" Nilingon ako ni Airra. Nilakihan ko ang hakbang ko at sumabay sa kaniya.

"Airra, sa inyo na lang kaya ako sumakay?" Tinapik ko si Airra.

"Ba't naman? Maninira ka lang ng moment e!"

"Tsk. Hindi sa ganon. N-nahihilo lang talaga ako sa sasakyan non." Palusot ko.

"Naku, Tony. Anong pinagkaiba ng sasakyan ni Chan at Baycon? Parehas namang mamahalin kaya ganon din 'yon. Dun ka na lang! Mamaya masira mo pa diskarte ko!"

"Wengyang 'to! Ikaw pa didiskarte ha!" Sabat ni Anne.

"Sige na, Airra! Please? Hindi ako mag sasalita promise!" Mag mamakaawa ako kung kina-kailangan!

"Talaga? Kahit na sabihin ko sa'yong kiniss ako ni Baycon kanina, hindi ka magsa-"

"Punyeta! Hinalikan ka non?! Iba rin talaga ang mukha non, 'no! Hindi pa man kayo, dumadamoves na! Aba'y tanga ka ring talaga, ba't pumayag ka?!" Napasinghal ako ng wala sa sarili.

Nakita ko kung paano ngumiwi si Airra. "Kita mo na! Kaya ayaw kitang isama!"

"Totoo ba, Airra?!" Sumabad si Anne. Nakatakip sa kaniyang bibig. Gulat na gulat sa narinig.

"Syempre hindi. Nagpapractice lang ako kung paano ko iku kwento sa inyo 'yon soon! I'm so very excited na nga e!"

Sabay namin siyang nabatukan ni Anne maria. Magka kaibigan ka nga naman ng walang kwentang magbiro at walang sense magsalita!

Nagtatakbo na siya sa kotse ni Baycon at hindi na ako binigyan pa ng pagkakataong mamilit at magsalita.

Tinapik ni Anne ang likod ko. "Kaya 'yan, friend. May supot ako dito-"

"Palit kaya tayo, Anne?" Nabubuhayan kong tanong. Tinitigan niya naman ako ng makahulugan.

"May nangyare ba si inyo ni Chan?" Tinikom ko ang bibig ko. Paulit-ulit na umiling.

"Nag away kayo?" Umiling ulit ako.
"E ano nga?!" Napu-frustrate na siya at niyugyog na ako.

"Ma-may ano kase... m-may fo-forthyfive 'yung si Chan---mabaho sa sasakyan!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Pilit kinukumbinsi.

"Edi mas lalong ayoko!" Bumagsak ang balikat ko. "Saka iyon?! Si Chandel David may body odor?! Hell no, Tony! Mababaliw ba ang babae diyan kung mabantot 'yan!"

"Malay mo naman! Saka---saka malay mo kaya nag break sila ni Sunny ay dahil mabaho talaga siya!" Maagap akong sumagot.

Tinitigan niya ako ng mariin. Naniningkit ang mata. Napayuko ako at hinawi ang mukha niya.

"Ano? Palit na kase tayo! Hindi ko na talaga matiis e!"

"No. No. No! Eto, may mask ako. Mag mask ka na lang. Mas lalong ayoko!" Naghalughog siya sa kaniyang hand bag at saka inilagay sa kamay ko ang isang mask.

Wala na talagang pag-asa! Ang tanga-tanga mo, Tony! Dapat pala ay hindi body odor ang in'excuse ko! Aist!

May bumusina ng malakas sa likod namin. Aalis na pala kami. Tinitigan ko si Anne habang pasakay siya sa kotse ni Deoffy. Kami nalang ang naiwan dito. Nauna nang umalis sina Arki at Baycon.

Laglag ang balikat ko nang tuluyan naring tumulak ang kotseng sinasakyan nila. Huminto sa gilid ko ang dirty white na kotse ni Chan. Binuksan niya ang pintuan mula sa driver seat.

Nag-iwas agad ako ng tingin at 'yuong pinto sa back seat ang bubuksan sana. Kaso ay nakalock. Sumandal ako sa kotse niya. Nangingilid na ang luha.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan. "W-what are you doin'? We have to go," Umikot siya at lumapit sa harapan ko. Akmang tatalikuran ko siya nang bigla niya akong hawakan sa braso at pilit na iniharap sa kaniya.

"Wha-—why are you crying?" Maagap niya akong niyugyog sa balikat. Pilit sinisilip ang mukha ko.

"Hindi ako umiiyak!" Pumiglas ako at lumapit na sa driver seat. Binuksan ko iyon at sumalampak na.

Pinalis ko ang nanumuong luha sa aking mga mata. Hindi na naman ako makahinga ng mabuti. Nakakaasar!

Kumalabog ang pinto ng driver seat. Nag iwas ako ng tingin at sa bintana na lang tumitig.

Naramdam ko ang paglapit niya. Papalapit nang papalapit. Mariin akong pumikit. Ayoko nito! Ayoko!

Mabilis ko siyang tinulak nang maramdaman ang katawan niya sa gilid ko. Gulat na gulat siya. Nag-iigting ang panga.

"Lumayo ka sa'kin. 'Wag na 'wag kang lalapit!" Sigaw ko. Nalaglag ang panga niya.

"I'm just tryin' to put your seatbelt! Damn! What the fucking hell is wrong with you?!" Napapahiya akong nag-iwas ng tingin.

Sinuot ko ng mag-isa ang seatbelt.

"B-basta 'wag mo akong lalapitan. 'Wag na 'wag mo na rin akong kakausapin simula ngayon." Lumunok ako. Nanunuyo ang lalalamunan ko.

Ginagawa ko 'to dahil ito ang gusto ko. Ito ang mas maganda. Kailangan ko siyang maagapan. Babaero siya at ayokong may epekto ang tulad niya sa akin. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya.

Natatakot ako. Naiiyak ako sa takot dahil baka ako mismo 'yung umulit sa nagawa ng Nanay ko. 'Yung masyadong nagpa-alipin sa pag-ibig. Natatakot ako na baka sa ganito nagsisimula 'yon. Na mararanasan ko na ang magka-crush, mag kagusto at mainlove. Mga bagay na pinaka pinandidirihan ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may lalaking nakalapit sa akin ng ganon kalapit. Na may nakapag pasunod sa akin. At ang kauna-unahang nakapag paramdam sa'kin ng ganito.

Para akong magkakasakit! Ayoko ng pakiramdam na 'to.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon