Huminto kami sa isang fastfood chain. Sa jollibee, nag drive thru lang kami dahil take out naman 'yon.
"Want to eat here? Dine in?" Biglang sambit at sulyap niya sa akin nang kami na ang sumunod sa pila.
Nahagip ng tingin ko ang nangingisay sa kilig na babaeng bantay sa drive thru. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hey..." Nawala ang babae dahil mukha ni Chandel ang humarang.
"A-ano?!"
"Sabi ko, gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain na dito?"
Napakurap ako ng ilang beses.
"S-sa loob nalang tayo bumile...saka umorder," wala sa sariling sambit ko.
Tumango siya at saka nag manehong muli. Naiwang umaasa 'yung crew sa drive thru. Buti nga sa kaniya!
Tinanggal ko ang seatbelt ko nang makapag park siya. May inabot pa siya sa back seat kaya napahinto ako sa pagbukas ng pinto.
Hinagis niya sa kandungan ko ang isang itim na jacket bago lumabas. Natulala naman ako don. Namalayan ko na lang na siya na ang nag bukas ng pinto ko.
"A...anong gagawin ko dito?" Tanong ko taas-taas ang jacket. Tumaas ang kilay niya. Para bang gusto akong supalpalin na, inaano ba 'yan?
"Sa'yo 'to! Ulul ka ba?"
"Tsss, malamig dito sa labas. Mas sakitin ka kaya isuot mo na 'yan. Don't worry, 'di ko pa nagagamit 'yan." Bumulong-bulong pa siya ng hindi ko maintindihan kaya hinampas ko sa kanya 'yung jacket no'ng makababa ako.
"Minumura mo ba 'ko?!"
"Wuuut?" Sigaw niya pabalik.
Napatingin ako sa suot niya. Hindi naman 'yon gano'n kanipis pero sa klima ng panahon ngayon, imposibleng 'di siya lamigin.
"Go on. Just wear it. Hindi tayo kasya sa loob niyan kaya sa'yo na lang," He said jokingly.
Inirapan ko na lang siya saka isinuot din 'yung jacket. Nilalamig na rin kase ako. Maginaw pala talaga dito sa labas ng sasakyan. Bahala siyang unggoy siya. Manigas siya sa lamig. Nahirapan pa akong isara 'yung zipper pero napasinghap ako nang si Chandel na ang magsara non.
Nagkatinginan kami at para akong nabulunan sa lapit ng mukha niya. Ngumiti ito bigla at hinila ang tali ng hood kaya mas napalapit ako sa kaniya. Hindi ko namalayang hindi na pala ako humihinga. Inayos niya lang ang hoodie ng jacket, akala ko'y matino na pero hinila pa naya ang tali kaya natakpan ang mukha ko, narinig ko na lang ang halakhak niya kaya mabilis kong tinanggal ang hoodie sa ulo.
Siraulo talaga!!!
"Ikaw ang humanap ng table, ako mag o-order" sabi niya nang makapasok kami. Aba, natural! Libre mo rin. Tutal ikaw naman 'tong nangaladkad sa akin dito.
Hindi ko na siya tinignan. Naglakad na lang ako sa isang bakanteng table good for two na malapit sa wall na salamin. Naaamoy ko sa suot kong jacket ang kaniyang amoy. Hindi ba talaga niya 'to ginamit? Bwiset na 'yon.
Naghintay ako don at pumasok din sa isip ko kung ano ba ang positibong dahilan kung bakit nga ba may sariling lakad sina Lola. Saan sila kumain ng umagahan? Kasama ba 'yung batang David? Buti pumayag 'tong asungot na Kuya niya.
At ang sagot sa lahat ng tanong ko ay hindi ko alam. Hihintayin ko na lang sigurong makauwi sila.
Tumitig ako sa labas ng salaming wall. Maraming tao ang pumapasok sa entrance, kita ko 'yon dahil nakaharap ako sa entrance. Tinanaw ko ang kalangitan sa labas. Hindi pa umaaraw dahil puro hamog lang ang nakikita ko sa paligid. Nobyembre palang nang lagay na iyan. Paano pa kung December o mga January? Mas malamig sa probinsya pag mga ganong buwan, paano pa kaya rito?
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Ficção AdolescenteTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...